Chptr Two

0 0 0
                                    


Meet

"Baka kaya siya dumating sa buhay mo para turuan ka ng mga bagay. Tulad ng pagbibigay ng tiwala, di kasi basta basta binibigay yan! Ano nakatulong ba ang pagsigaw ng nararamdaman mo?"

Halos mapatalon ako ng nakarinig ako ng boses sa likod ko

Pamilyar tong boses na'to ah

Pag lingon ko di nga ako nagkamali

Anak ng--- anong ginagawa 'nyan dito?

Nakita ko nanaman ang malalalim niyang mata, his pinkish lips at messy hair na bagay sa kanya

"Ano?hahayaan mo bang nasaktan ka ng di ka natututo?" He said seriously

Walang bakas ng tuwa o pang-aasar sa tono 'nya. Alam kong seryoso siya ngayon hindi tulad ng mapangasar na ngiti niya sa bus kanina

"K-kanina k-ka pa j-jan?" Nangangatog ang labi ko sa kaba ngayon

"Medyo, narinig ko lang naman lahat ng isinigaw mo kanina" Sabi niya sabay sumilay salabi niya ang isang simpleng ngiti

"Ah g-ganon ba? S-sorry" sabi ko sabay yuko

Di ko talaga maharap ang isang 'to nahihiya ako. Tska di ko kayang makipag usao muna sa kahit kanina ngayon

"No need to say sorry, nararamdaman ko ang sakit na meron ka" kita ko sa mata niya ang lungkot na meron siya pero nakangiti siya

"Sinaktan ka rin?" Nagtataka kong tanong

Kung sinaktan siya? May nagtangka pa ah? Parang ang imposible naman. I admit gwapo kasi talaga siya

"Parang ganon na hindi!" Sabi niya

Ano daw?! Gulo ah!

nagkibit-balikat nalang ako at tumabi siya sa akin dito sa may bakod ng bundok

"Ano miss? Effective ba ang pag sigaw ng totoong nararamdaman dito?" Sabi niya sa akin

Parehas na kaming nakatanaw sa asul na dagat na nasaharapan nanin. Kita naman dito ang mga maliliit na tao na nag swiswimming at yung iba naman nasa dalampasigan lang

"Ah medyo, feeling ko nawala kahit papaano ang bigat sa dibdib ko" sabi ko sa kanya sabay nilingon ko siya

Kita ko sa mata 'nya ang sakit at lungkot na parang nararamdaman ko. May lalake papalang nasasaktan? Kala ko kasi hobby na ng mga lalake ang manakit

"I'll try nga para mapatunayan" he said sabay nilagay niya ang mga kamay niya sa gilid ng kanyang bibig

"Te amo Christine! Kahit na alam kong masaya kana jan!" Sigaw niya

Te amo? Spanish yun ng 'I love you' may pagka spanish pala 'to?

"Hindi hindi kita makakalimutan! Alam kong alam mo yan!" Sigaw niya ulit

Kita sa mata mata niya ang pamumula, parang konti nalang maluluha na siya pero pinipigilan niya lang

Di ko namalayang nakapatong na ang kamay ko sa likod niya,napalungon siya dun kaya naman binawi ko kaagad

"Ah-"di ko alam kung san ako mag umpisa di naman ako marunong mang patahan e

"Ah sorry" sabay punas niya sa kaliwang mata dahil may pumatak na luha "mukhang effective kahit papaano ah" ngumiti siya kahit kitang kita sa mukha niya na hindi siya okay

"Pareho pala tayo. Parehong naiwan, kaya ka rin ba nagpunta dito para makapag-isip?" Yun nalang nasabi ko

"Yeah! Gusto ko muna ng tahimik na buhaykahit sandali lang" nakatanaw parin siya sa asul na dagat ngayon

Take The RiskWhere stories live. Discover now