Chapter 34 STRANGER

643 12 0
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo...sa meditation garden ng school. Nakakainis lang. Alam mo ba yung feeling na akala mo sya yung nagbigay at sya yung nag effort pero hindi pala?

Magpapalipas na muna ako ng oras dito. As usual hindi nanaman ako papasok sa isang subject ko. Okay lang naman siguro? Isang subject lang naman e.

*Phone rings*

Si Kathleen. Tinatawagan ako ni Kathleen haha for what?! Para nanaman ba pagsabihan ako na iwasan ko na si Ali kasi nasasaktan ko lang yung feelings ng tao.

Wala e.

Wala kasi sya sa posisyon ko, ayokong makasakit ng tao. Ayokong sabihin nya sa ibang tao na ang sama ko? Assuming or feeler. Nagpipiling na maganda kahit hindi. Ayoko ng ganun.

Okay lang naman ata si Ali.

Kung makakapaghintay sya e why not? Baka nga kaunti nalang mafall na 'ko sa kanya. BAKA. Baka lang cause I know that I'm still into Neil.

Neil's POV

"Hey, what's up?"

I strangely looked at the girl at my back. Is she talking to me?

Maybe?

"You're a Filipino, right?" She asked me again.

Nahuhulaan ko na agad ang sasabihin nya, malamang ay Pinoy din sya or somehow Fil-Am?

"You're rude!" Then she walked away.

I'm not rude. I'm just being loyal.

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papuntang classroom ko. Ngayon palang nag start ang klase ko, ganun talaga dito. Unlike sa Pinas na last month pa nagsimula.

Madalas kong nakakausap sa telepono si Christian at Ryle. Syempre, isa na sa mga topic namin si Keil. Inaasar nila ako na madami daw umaaligid sa kanyang mga lalaki. Pero di hamak na mas gwapo naman daw ako. Mga siraulo!

Iniiwasan ko ding isipin minsan na wala pako sa kalahati. Wala pang kalahati ang taon, ibigsabihin matagal pako bago makakauwi. Namimiss ko na talaga sya.

Kung puro naman negative ang iisipin ko ay malamang walang maitutulong sakin iyon. Iniisip ko nalang na malapit na kahit matagal pa talaga.

"Excuse me?"

That voice seems familiar. Tumalikod ako at yeah. Sya nanaman.

"I said excuse me? Like duh? Are you deaf?"

Pinapaalala yata sakin ng tadhana ang mahal ko. Nakikita ko sa kanya si Keil.

"I'm sorry." I said.

"I'm just kidding. Okay lang ako" halata sa boses nyang hindi pa sya sanay na mag tagalog. Andun pa din ang accent nya.

Tiningnan ko lang sya, gaya ng sabi ko I'm loyal!!!

Dahil sa hindi ko sya sinagot ay dumiretso nalang sya papasok ng classroom. Tss. I think that girl is trying to seduce me?

Owned Donde viven las historias. Descúbrelo ahora