Epilogue

2.5K 27 7
                                    


2 years later...

"Congratulations Ayira! You are the new CEO of the radiate vibe company. You deserves it." Saka ako kinamayan ng dating boss ko.

Grabe! Laking pasalamat ko dun sa Keila, na motivate ako sa kasipagan nya sa pag-aaral kaya ginalingan ko ng medyo lang sa trabaho. Na promote pa tuloy.

Tumunog ang cellphone ko at siguradong si Keila nanaman ang nag chat. "Asan ka na?" And yeah, close na kami ni Keila. Nag send ako ng friend request sa kanya noon at agad nya namang inaccept. Kwenento ko sa kanya yung mga ganap sa panaginip ko at nagulat din sya. Isang napakalaking question mark ang sinend nya sakin nun hahaha at niyaya nya kong kumain sa labas para magkita na din kami. Doon nagsimula ang closure namin. And now, we're not just friends. We're bestfriends!

"Congrats Ayira!"

"Congratulations Ira!"

"Congratulations Ayira"

Bati sakin ng mga ka office-mates ko. Agad kong hinanap ang boss ko na nag promote sakin ngayon ngayon lang para makapagpaalam na aalis muna ako. Pumayag naman ito biniro pa ko na kakapromote palang e aalis kagad ako, sinabi ko nalang na babawi ako at magpapa blowout.

Sumakay ako sa kotse at tinahak ang daan papuntang Lamme's bakeshop na paborito namin ni Keila. By the way, kaibigan ni Keila ang may ari nun na obvious namang si Lamme. Diba ang great lang? Haha eh sa panaginip ko si Limme yun e. Halos isang letra lang ang pinagkaiba. Pero sa ugali medyo hindi pareho, masyadong tahimik kasi si Lamme na kaibigan ni Keila in real life unlike sa panaginip ko sya ang madaldal. Well, si Kathleen na 'yon? Di ko pa namemeet pero siguro may Kathleen din in real life. Matangkad na morena na matangos ang ilong at sexy, makikita din kita haha. As usual eh traffic nanaman, nagulat ako ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Binaba ko ito "Yes?" Tanong ko sa babaeng pawis na pawis. "Can I have a ride? Traffic kasi wala akong mahagilap na taxi, at wala ding madetect na grab. Please? Pretty please." Sagot nya sakin. Seriously? Someone just ask me for a ride in a middle of a road in fckng Sucat na laging traffic? Naawa naman ako kaya pinapasok ko sya.

"Hi my name is Myla! And you?" Inioffer nya sakin ang kamay nya, I guess para makipagshake hands? Lmao. "Hi. I'm Ayira!" Sagot ko. "Teka, san ka nga ba pupunta?" Nag isip pa sya atsaka may hinanap na kung ano sa bag nya. "There" sagot nya sabay abot sakin nung papel. Lamme's bakeshop is this for real? Baka mamaya e binubudol lang ako nito. "Actually, dun din ang punta ko. You're lucky af" I uttered. Saka kami tumawa ng napakalakas.

Narating namin ang bakeshop at grabe hahaha ang daldal ni Myla. Nauna syang bumaba at doon ko lang napansin na halos pareho sila ng characteristics ni Kathleen. Grabe talaga!

"Thank you for the ride. Actually I am here to meet my client." She said.

"No problem. See you around Myla!"

Hinanap ko ka 'gad kung saan si Keila. Grabe! Third wheel nanaman ako dahil kasama nya si Ali. "Ayira!" She shouted while waving her hands. She's so loud kaya medyo nahiya ako sa ibang customers.

"Mag order ka na bilis! Ipangalan mo nalang sakin para i prioritize nila" she said. Na ginawa ko naman. That's strategy. Pagbalik sa upuan ay tinanong ako ni Ali "How old are you Ayira?" Grabe. Old talaga? Kainis. "I'm just 23 years young" biro ko. "And you still don't have a boyfriend?" Tanong nya ulit kaya hinampas sya ni Keila. "Ang harsh mo no?" Tanong ko din. "I'm just uhm nevermind." Di nya na naituloy ng titigan sya ni Keila. This couple are just cute and perfect for each other.

"Keil" sigaw nung cashier. "Go ahead" si Keila. Tumayo ako atsaka pumunta sa cashier. Kinuha ko ang cup at nagulat naman ako ng may lalaking humawak sa kamay ko. Nabitawan ko ang cup kaya hawak hawak na ito ng lalaki. "Excuse me?" Tanong ko sa kanya. "Yes?" He answered without even looking at me. "That's my drink." I said. Sa wakas ay inalis nya na ang tingin sa cellphone nya atsaka ako tiningnan. "No, it's mine." He answered. Is this guy a freak? "Neil" sigaw ulit nung cashier. "Oh I'm sorry. Akala ko Neil yung sinabi nya kanina" Inikot nya ang cup at binasa ang name na nakasulat dun. "Keil?" Tiningnan nya ko "I'm so sorry Keil." Tsaka nya binigay ang cup sakin. At kinuha ang cup nya sa cashier. "Grabe" yun lang ang nasabi ko kaya napatingin ulit sya sakin. Someone pinch me, is this real? Omygad. Si Neil? Si Neil tong kaharap ko ngayon. Shet. Takang tumingin sya sakin."My name is Neil and I...I owned this drink" he smiled and started to take steps away from the counter.

The end

To God be the glory!

Author's note: Yay! Tapos na sya. Hope you enjoyed reading it. Sorry kung medyo lame pero ayun nga nga hahaha. Grabe! Basta God bless y'all! Spread the loveeee! Mwa!

Owned Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon