Chapter Twenty Two

3.2K 105 6
                                    

"Yeah, we're almost there." Sabi ni Walter at sinabayan pa iyon ng pag-apak sa gas para mas mapabilis pa nito ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Papunta sila ng Morris hospital, dahil doon naka-confine ngayon si Ali. Naka-off duty siya kaya hindi niya alam na doon pala dinala si Ali ng mga nag-rescue rito. Tinawagan siya ni Walter para ipaalam sa kanya ang balita at dinaanan na din siya sa condo niya upang sabay na silang dumalaw.

Pagkarating nila doon ay agad namang nakita nila sina Linc at Clayton na nakaupo sa labas ng kwarto. Nagsibatian muna sila bago pumasok sa loob.

Pagpasok nila sa loob ay may isang babae na nakaupo sa gilid ng kama ni Ali. Nasa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa binata. Halatang pagod ang babae pero ni hindi nito alintana at matamang nakatitig lamang sa mukha ni Ali na puno ng pagmamahal.

"Hi." She greeted the woman with a smile.

"Hello." Ganting bati nito sa kanya.

"We are Ali's friends. I'm Barbie Harris. And these are his best friends - Walter, Lincoln and Clayton." Pagpapakilala niya sa kanilang lahat.

"Yeah, I know. Matagal ko na kayong kilala." Sabi nito at tipid na ngumiti aa kanila. "Ako siguro ang hindi ninyo kilala, I'm Xyryna."

"Xyryna? Ikaw yung babae na sunod ng sunod kay Ali?" Tanong ni Clay.

"Ganun ba ang pagpapakilala sa akin ni Ali sa inyo?" Sabi nito na nakangiti.

"Yup. Naikwento na niya sa amin na may babaeng walang ginawa kundi ang sundan siya ng sundan. He even said that you were creepy because of what you do, you know - following him every time." Dagdag naman ni Linc.

"Etong ganda ko? Creepy?" Sabi nito na umiiling iling pa. "Masyado kasing pakipot tong kaibigan niyo eh. Tagal ko nang nanliligaw to eh, ayaw pa din ako pansinin. Kaya araw araw ko siyang sinusundan para mapansin naman niya ako."

"What happened to him? You were there when the kidnappers took him right?" Tanong naman ni Walter.

Tumango ito. "Nang malaman ko na pupunta siya ng Cebu, sinundan ko siya. Nang nasa airport kami ay may sumundo sa kanya na isang van, nagpumilit din ako makisakay dahil nga gusto kong sumama sa kanya. Kahit ayaw niya, wala siyang nagawa ng isinakay na din ako nung sumundo sa kanya. Pero sa iba kami dinala, imbes na sa hotel n tutuluyan ni Ali, sa isang liblib na lugar kami dinala. Narinig ko sa paguusap nila na dahil sa ginawa ni Ali ay nasira daw ang buhay ng amo niya kaya ipinapapatay siya. Basta nakatakas kami, kaso dahil nahulog siya sa isang bangin ay nawalan siya ng malay. Humingi ako ng tulong at nailigtas namin siya pero nawala ang memorya niya. Nagtago na lang muna kami sa bahay ng tumulong sa amin dahil hindi namin alam kung naroon pa sa paligid ang gustong pumatay sa kanya. Mahigit isang buwan din kami nanatili roon. At nung inakala namin na wala na yung mga taong naghahanap sa kanya ay saka kami umalis roon. Pero nagkamali kami, nakita nila kami at hinabol. Iniligtas niya ako kaya siya ang nakahiga rito." Sabi nito at naluha habang hawak ang kamay ng binata.

"Mabuti na lang at nailigtas kayong dalawa ng mga rescuers." Sabi niya at nginitian ang babae.

"Oo nga. Mabuti at may dumating para tulungan kami."

"Mamaya dadaan ulit dito ang mga pulis para kunan ka ng pahayag." Sabi ni Walter, tumango naman ng dalaga sa pagsagot.

Makaraan ang ilang saglit ay lumabas na muna sila ng silid. Sakto naman ang dating ng iba pang kaibigan ni Ali. Sina Yara, Maple at Nikki.

Nagkayakapan silang magkakaibigan dahil ngayon lang sila nagkita kita ulit. Nalaman ni Barbie na masaya na si Maple ngayon dahil ikakasal na ito sa dati nilang guro na pinsan din ni Waltz na si Russell Hayes.

His Broken VowOù les histoires vivent. Découvrez maintenant