Chapter Twenty Eight

3.8K 115 2
                                    

Katatapos lamang niya sa pangalawang operasyon sa araw na iyon at nag-aayos na siya para naman sa clinic hours niya.

Pero bago pa man siya makalabas ng operating room ay narinig niya ang pangalan niyang tinatawag. "Paging
Dr. Harris, Dr. Harris, please proceed to CEO and Medical Director's Office. Thank you"

Ipinapatawag siya ni Siege. Bakit kaya?

Madalas kasi ay ito ang nagpapa-alala sa oras ng pag-inom ng mga vitamins para sa baby niya. Ito rin ang nangungulit sa kanya para hindi na siya mag-extend ng oras sa trabaho at umuwi na kasama nito. Ano na naman kaya ang kailangan nito at ipinatawag pa siya?

Was he going to force me to go on leave? Again? Tanong niya sa isip habang papunta sa opisina nito.

Pagpunta niya roon ay nakita niyang nag-aayos ito ng gamit at mukhang paalis na.

"What do you need boss?" Tanong niya.

"You are coming with me in Baguio. I have a business meeting there with someone who wanted to open a small clinic and needs my advice."

"Why do I need to come with you? Wala naman akong kinalaman diyan? And besides, I still have clinic hours right now."

"I already asked Dr. Velez to cover your shift so you don't need to worry. And I want your advice too because the clinic that he is planning to open is about plastic surgery and stuffs. He don't just want an Aesthetic or Cosmetic surgery but also the Reconstructive surgeries too, to have more clients. At ikaw ang may alam sa ganitong bagay."

Napatango na lamang siya bilang sagot.

Next thing she knew, they are both inside Condor and now flying to Baguio.



Sa rooftop ng The Waltz hotel sila lumapag. Iyon lang daw kasi ang alam ni Siege na pupwedeng paglapagan ni Condor. Doon din daw sila ipasusundo ng taong kausap ng boss niya.

Paglabas nila ng main entrance ay may sasakyang huminto sa tapat nila at isinakay sila. Sa isang malaking bahay sila dinala nito. Mukhang bago lang ang bahay na iyon at napakalaki.

The structure of the house is like a modern palace. Na para bang hari at reyna ang nakatira rito.

"Sino ba yang ka-meet natin boss? Grabe ang ganda ng bahay ah, parang modern fairytale ang theme eh. I would love to live in this house." Sabi niya habang tinitingnan ang kabuuan ng bahay.

She imagined herself living here with her daughter. Her baby will live like a real princess in this house. She was staring at the fountain, smiling like she can see her little princess running around to it.

"Let's go inside." Siege said that woke her up from her daydream.

They were about to enter when Siege's phone rang. Sinenyasan siya nito na mauna na sa loob at sasagutin lamang nito saglit ang tawag.

Tumango na lamang siya at nagsimula nang maglakad papasok. There is a grand staircase that made her awe in delight.

Para talagang pang fairytale. Gaya ng mga napapanood ko sa mga Disney movies. Sabi niya sa isip.

Nagpatuloy siya sa paglinga linga sa paligid nang may mahagip ang paningin niya. There are some picture frames displaying on the living room area. Out of curiosity, she took a step towards it to see the picture clearly.

His Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon