Chapter 24

231 16 1
                                    

Zhinthus P.O.V

Andito kami sa garden, galit ako habang nagtatanim mag isa sa isang row ng mga carrot, dahil sa galit ko diko napansin na ang lalim na ng nahukay kong lupa.

"Mr.Serin sabi ko mababaw lang para pag nagbunga ay dika mahihirapan hukayin ang lupa." Ani maam.

Nasa likod ko pala siya

Hayss nakakainis kasi eh.

*flashback*

Matapos lumabas si jee sa kwarto na umiiyak ay agad ko siyang sinundan, kahit nakatalikod siya ay alam kong umiiyak yun.
Hayss ba't ganun?! Gusto kong kalimutan na niya ako, pero sa ibang banda gusto ko rin na gustuhin niya ako. pero gusto ko rin na masaktan siya kaya lang tuwing umiiyak siya para akong dinudurog.
Kung sakanya masakit doble naman sa'kin yung kapalit.

Napakunot noo ako ng biglang hilahin ni rem si jee teka?..totoo bang sila na? Agad ko silang hinabol. At nagpunta sila sa garden kaya bahagya akong lumayo para di nila ako makita.
Base sa itsura nila ay seryoso ang usapan nila.

Nabigla ako ng umiyak si jee at niyakap siya ni rem.
Para akong tinabunan ng malaking bato. pakiramdam ko para akong isang sasakyang umaandar kanina na ngayon ay wala ng gasolina.

Diko na mapigilan ang sarili gusto kong puntahan sila at agawin si Jee, kaso ako yung dahilan kung bakit siya umiiyak. hayss zhin naman kase mag isip ka ng mabuti.

imbes na lumapit ay lumayo nalang ako at nagpunta sa pagtataniman namin.

*end*

binubunot ko ang damo na makikita kong nakatanim sa pagtatanim ko.
Ayoko ng istorbo, ayoko ng makakasira sa itsura ng itatanim ko.

"Ang tagal nyo naman, kanina pa kayo hinihintay dito Ms.Agravante & Mr.Matsuka san ba kayo nanggaling?" Tanong ni maam.

Kaya napatigil ako sa ginagawa at tumingin sa direksiyon nila.
Para na naman akong natinikan sa nakikita ko.

Magkaholding hands sila at nakangiti pa si Jee.
Eh kung bangasan ko mukha nitong rem na'to-,-

"Ma'am sorry po may nakita po kase kaming mga bulaklak dun sa garden eh." Utal na sagot ni jee.

Tanga ba siya? Malamang bulaklak yung makikita nila syempre garden yun eh.
Ang sabihin mo naglandian sila tssk

Konsensiya; selos kana niyan?

Muka ba'kong nagseselos??!!!

"Okay magtanim na kayo dun dahil mag a-alas singko na, ang limit lang naten ay 7pm." Ani ma'am.

Kaya ayun nangtanim na nga kame  Diko maiwasang tignan si Jee biglang nagsalubong ang mata namin at nagulat ako ng nginitian niya ako at nagbalik siya sa pagtatanim. O_O

tama ba yung nakita ko??! O baka malikmata lang yun?! Hayss balananga.

Saktong 7pm na ng gabi. napagdesisyunan namen na bumalik sa mansyon. Palalim narin ang araw at mukang uulan pa ata.

"Bumalik na tayo sa bahay." Ani maam.

Ayoko munang bumalik sa bahay. Kumuha muna ako ng coat At agad na naglakad lakad ako sa bukid namin sa manggahan.

Nakakamiss din pala dito.
Gusto kong mapag isa makapag isip ng tama ng biglang tumawag si tristan

"Hello bro"bati ko.

[Tol,baka next week pa'ko makakauwi tambak trabaho ko dito sa kompanya eh]

"Mukhang masipag tayo ngayon ah" biro ko.

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now