Chapter 29

202 20 0
                                    

Jee P.O.V

Haysss its 3:00pm na at andito pa'ko sa lobby hinihintay ko kase si praia. Nasa library siya magbabasa daw muna. Hindi ako sumama kase ang boring dun sobra. Habang nakaupo ako, dun sa sahig mismo ng lobby naalala ko kahapon yung sinabi ni zhin.

"Pls dont get tired of loving me"

'Yang mga salitang yan ang diko malimutan.
I mean what does that mean?

Exam na pala next week kaya ayun kinuha ko yung notebook ko Pero imbis na magstudy eh na distract ako sa isang pulang mini notebook .

Agad akong napangiti
Diary ko pala to
Lahat ng feelings ko kay zhin andito. simula nung naging alipin niya ako Yung unang halik namen sa paglilinis sa library Yung pagbisita niya sa bahay nung nagkasakit ako.
At nandito yung mga sakit nung nalaman kong may ibang gusto si zhin.

Alam nyo ba? Ilang beses ko na rin inisip na minsan bumitaw na kaya ako? Hindi naman naging kami pero baket napakasakit? Baket sa tuwing umiiwas siya para akong unti unting nawawalan ng hininga?

Konsensiya: ba't hindi mo siya bitawan kung nasasaktan kana talaga?

Mahal ko siya, oo diko alam kung kelan pero nung makilala ko siya para siyang krayola na nagpakulay sa walang buhay kong mundo.

Konsensiya: so magpapakatanga ka? Kahit alam mong masasaktan ka susugal ka pa din? Kahit alam mong sa huli iiyak ka din? Ganun?

Pain, tears and to be hurt is a lesson learned when it comes to love. Love without pain is just a fake. Don't think about what will happen in the future the important is you are happy today .

Agad akong nagising sa katotohanan ng may tumapik sa balikat ko.

Si kans.

"Sadya mo?"tanong ko.

"Si pray-praia?"balik niyang tanong.

Hmmm i smell something.

"Sa library--"diko pa natapos ang sasabihin ko nung nagpaalam siya.

Nakoo nakoo May napapansin ako sa dalawang yan ha!

Maya maya pa ay dumating nanga si praia na di maipinta ang mukha? Teka asan si kans?

"Praia, hinahanap ka ni kans nakita ka ba niya?"

"Ahh pabayaan mona yun tara na uwi na tayo" pag aaya niya.

May nangyare ba?

Habang naglalakad palapit sa gate agad kong nakasalubong sina tristan, kans at zhin.

"San kayo?"tanong ni tristan.

"Pakelam mo?"pagtataray ni praia.

Tiningnan ko si zhin pero nag iwas siya ng tingin. Anong problema niya? parang kahapon ayos pa siya ahhh

"Woahh~ tinatanong kolang naman ang future---"di niya naituloy ang sasabihin niya ng takpan ni kans ang bibig niya.

Kaya nagtawanan kami
Este ako lang pala

"Gusto nyong sumama? Mamamasyal lang naman kame eh teka sasama pala si cleofe."sabe ni zhin.

Teka? Sino naman si cleofe?

"Sino si cleofe?"tanong ni kans.

"Ahh, siya yung kaklase ko nung elementary kailan kolang siya nakita." Pagpapaliwanag niya.

"Suss, siya ba yung nililigawan mo? Diba naging kayo nun?"sabe ni tristan.

What? Akala koba namatay yung first love niya. So meaning may puppy love siya?
Baket parang ang sakit??
Eh ano naman ngayon kung may puppy love siya? Psh.

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now