Chapter 35

185 15 0
                                    

Jee P.O.V

Nagulat ako ng biglang masira yung pintuan, at iniluwa neto sina tristan at kans.

Akmang susuntukin na ni rem si tristan pero agad itong nakailag at siya ang sinikmuraan.

Maya maya may tatlong kalalakihang pumasok sa kwarto at sinugod sina kans.

Habang nagsusuntukan sila napatingin ako kay rem na duguan ang labi at naglalakad papunta sa amin kaya agad akong nagpupumiglas mula sa pagkakatali.

Akala ko ay sa akin siya pupunta pero sa katabi ko pala.

Itinaas niya ang hawak na baseball bat

"Ikaw nalang papatayin ko. Tutal wala ka namang kwenta!!" Sabe ni rem.

Hindi ko makita si zhin dahil nasa likod ko kasi siya.

Naiiyak nako at kinakabahan ng sobra pa'no kung mangyaring masama kay zhin? Hindi mapapatawad ang sarili.

"Rem.. mag usap tayo wag ganito!" Sigaw ko.
ngunit parang wala siyang naririnig at nakatingin ng diretso kay zhin.

Lumapit na din sa akin sina kans at tristan at kakalagan na sana ako ng biglang nagsalita si rem.

"Sige, kalagan nyo si jee, puputulan ko ng ulo tong kupal na'to."ani rem.

"Baliw ka pala eh, alam mo namang ako yung mahal nung tao  pinagpipilitan mo parin sarili mo sakanya."sabi ni zhin
Sa kabila ng suntok at sipang natanggap niya may lakas pa siyang magsalita at mas lalong nagalit si rem.

"Ang totoo niyan, wala naman akong pake kung sino ang mahal ni jee dahil Gumaganti lang ako." ramdam ko ang galit at hinagpis sa tono ng pananalita niya.

"Gumaganti saan?" Tanong ko.

Narinig ko ang pekeng pagtawa niya.

"Ang totoo si zhin ang paka'y ko dito." Pagsisimula niya naglakad palapit saken at kinalagan ako kahit nawalan ng lakas ay  Mabilis akong humarap at nakita ko si zhin na nakayuko.

"Pasensiya kana jee, ginawa ko lang 'to kase nagmahal din ako at nasaktan dahil sa kagagawan ng mama nito."tinuro niya si zhin.
"Kung hindi dahil sakanya 'di mawawala ang taong pinakamamahal ko, kaso mapaglaro ang tadhana at nalaman kong magkarelasyon sila ni zhin." pinukpok niya ang ulo ni zhin kaya napa aray siya.

"Tama na!!" Pagpipigil ko.

"Tama na? Psh
Ilang taon kong hinintay 'to, tas sasabihin mong tama na?" Tumawa siya.

"Kung gusto mo'kong patayin, gawin mo na wag kang puro dada." Sabi ni zhin.

"Wag muna May dapat ka pang malaman, alam mo ba na sangkot ang mama mo sa ginagawa ko ngayon at kasama din si cleofe??" Pagsisimula niya.

Ano? Mama ni zhin ang may gawa nito? Pero baket? At si cleofe kasali rin? Pshh sabi na nga ba eh may hidden agenda yung bruhang yun.

"Teka, pa'no nasali si cleofe dito?" Napatingin ako kay tristan na gulat rin.

"Pshh. Inutusan siya ng mama ni zhin na paghiwalayin sila ni jee Teka ba't ba'ko nagpapaliwanag dito?" Iritado niyang tanong.

Nang walang ano-ano'y umalis ng hindi nagpapa alam si tristan.

Ano kayang nangyare?

Napatingin naman ako kay zhin na natulala lang sa hangin.

"Hindi yan totoo, hindi magagawa ni mama yun." Walang emosyon niyang sabe.

"Psh, hindi? Eh siya nga din yung dahilan kung ba't namatay si ney. Alam mo yan at saksi ka zhin, pero anong ginawa mo? Wala, hindi mo pinigilan ang walang kwenta mong ina!!!" Sigaw ni zhin.

The Kiss MasterWhere stories live. Discover now