CHAPTER 1

9.2K 252 19
                                    

Trigger Warning: The story contains murder and assassinations. The main character has a psychopathic and hemophobia condition, this might be also harm you psychologically and mentally.
Please read at your own risk.

- The events in the story happen in the year 2017 -

***

Keisha Cruz's POV

NAPAMULAT ako nang may naramdaman akong malamig na tubig saking katawan. Nakita ko sina Ate Cheska at Ate Chelsie sa'king harapan na nakangisi.


"Hahahah... Gising na siya Chels!" tumatawang sabi ni Ate Cheska.

"HOY BABAE! TUMAYO KA DYAN AT IPAGLUTO MO NA KAMI!" Sigaw sa'kin ni ate Chelsie.

"HINDI KA PRINSESA DITO!" Bulyaw ni Ate Cheska sabay buhos sa'kin ng isang baldeng malamig na tubig.

"A-ate... a-ang... l-lamig... tama na po---" Nanginginig kong sabi.

"SABING TUMAYO KA NA DYAN EH!" Sigaw ulit ni Ate Chelsie sabay sampal sa'kin.

"O-opo..." Sagot ko habang nakahawak sa mukha at tumayo na. Palabas na ako ng kwarto ng bigla akong sipain patalikod ni ate Cheska na siyang ikinaaub-ob ko sa sahig. Namilipit ako sa sobrang sakit.

"HAHAHAHA!" Demonyong tawa nilang dalawa saka bumaba.

"Aalis din ako sa empyernong bahay at sa demonyong pamilyang 'to." Maluha-luhang sabi ko at pinunasan ko yun saka tumayo.

Pagkatapos ko silang ipagluto ay umakyat ako pabalik sa'king kwarto para gawin ang mga morning rituals ko dahil may pasok pa ako.

Pagkatapos kong gawin ang mga morning rituals ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at doon kitang-kita ang mga pasa sa'king katawan.

Dahil sa angking kaputian ko kita din ang mga namumulang bakas ng sinturon na pinapalo sa'kin.

Lagi na lang akong bugbog sarado sa kanila. Hindi ko alam kong anak ba talaga nila ako.

Tiningnan ko ang oras... 6:05 am na pala. May 55 minutes na lang ako kaya nagmadali akong lumabas ng bahay at naglakad. Malapit lang kasi ang school dito sa bahay.

***

PAGKAPASOK ko sa gate ng school ay biglang may dumaang mga nagkakarerang sports car sa'king harapan. Kaya ang resulta ay natalsikan ng putik ang palda ko. What the f.

"HOY! Mga sira ulo! BUMALIK KAYO DITO!" Inis kong sigaw pero niisa sa kanila ay walang huminto.

"Pati kamalasan ko sa bahay nasama ko dito sa eskwelahan." Bulong ko at nagpatuloy sa paglakad.

Habang nasa bench ako nakaupo malapit sa cafeteria at nagbabasa ng libro ay napansin kong panay ang tingin ng mga ibang students sa'kin. May mali ba sa hitsura ko?

Nakita ko na paglabas ng apat na lalake mula sa kanilang year building. Ang 4 KINGS o mas kilala bilang MAXWELL BROTHERS. Tapos eto na naman. Nagsimula na ang tilian ng mga babae dito.

"O my g! Girl nandito na ang 4 Kings!"

"Kyaaaaaaahh ang gwapo talaga nila!"

"Be mine, Xander!"

"Anakan mo'ko, Oliver!"

"Marry me, Zavier!"

"Gosh! Nakakahimatay yung kapogian ni George." Tili nung bakla.

Be The Sister Of 4 Mafia Maxwell Brothers [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon