CHAPTER 7

4.4K 153 7
                                    

Xyra Charvi Maxwell's POV

"BAKIT po?" Curious kong tanong.

"Oh... Nothing, dear. Don't worry I will still call you Xyra."

"Mom gave us permission to adopt her since she have no one know to be close to." Paliwanag ni Kuya Zavier.

"Then, why did you agree to be their adopted sister? Do you have family don't you?" Tanong ulit ni Mrs. Smith.

"I-I have po, b-but- sila po mismo ang nagtakwil sa akin dahil ampon din po pala ako. Kung sakali pong tatanong kayo kung saan ang totoong mga magulang ko ay hindi ko po alam. Namulat ako sa reyalidad na hindi sila ang kasama kundi ang adopted family ko po." Inunahan ko na ang Chairman sa posibleng bomb questions niya.

Ayoko rin namang pag-usapan kase nasasaktan din ako sa tuwing naaalala 'yon. Hindi na nakapagsalita pa ang Chairman at nakatingin na lang sa'kin.

"Hala, sorry po!" Yumuko agad ako. "Sorry po talaga." She just chuckled.

"It's okay, dear. I understand. Forgive me to open up that part." Sumandal siya ulit sa swevil chair niya saka binalikan ng tingin sila Kuya.

"Again, natutuwa akong dito kayo muli mag-aaral. Perfect moment para makilala niyo sina Red."

Hala, nagtatagalog pala ee. Chamba 'yong tagalog ko. UwU

"Wow, Ninang. So, dito rin nag-aaral 'yong anak mo? Kamusta naman si pareng Red?" Oliver

"Actually, they're four. Nothing to be worried kasi same classroom kayo."

"Nice! After the class yayain ko silang mag-inuman." Xander

"Brilliant idea, Xanxan." Ngising sang-ayon ni Kuya Oli at nag-apiran sila. Naman 'tong dalawang 'to, basta inuman--- hay nako.

"Okay, boys. Go to your assigned classroom now, the first period is about to start."

Yumuko kaming lahat sa kanya at pormal na nagpaalam. "Thank you po. Pleased to meet you again, Mrs. Smith." Paalam ko.

"Goodluck." Sagot niya at muling sumandal sa swevil chair.

Lumabas na kami sa Chairman's Office, pero bago ako tuluyang makalabas ay dinig ko yung paglalim ng hininga niya. Anong problema ni Mrs. Smith?

Pagkarating namin nina Kuya sa nasabing building ay hinatid nila ako sa magiging classroom ko. Luckily nasa ground floor ako, hindi na ako magkakandakubang umakyat sa ibang floors. "Princess, reminder... After class you will stay here. We will pick you up pagkatapos ng klase na'min."

"Okay po, Kuya Geo."

"Don't talk to suspicious people. Don't trust anyone." Paalala rin ni Kuya Zav.

"Opo, Kuya Zav."

"Nasabi na nila ang lahat, kaya magpakabait ka rito ha? Huwag kang makipag-away." Ginulo ni Kuya Oliver ang buhok ko.

Anong akala niya sa akin? Basagulera? Grabe naman siya, nakakaiyak.

"Kapag may nagtangkang pumorma sa'yo. Patay siya sa amin." Nakangiting sabi ni Kuya Xander pero may dark meaning.

Ano ba 'yan, ang possessive nila. Huhuhuhu.

Kumaway ako kina Kuya habang paalis na sila. Hooooo~ kinakabahan na ako. Pambihira lang, kailangan kong palang makipag-communicate in english, oh jusko po--- mahina ako diyan.

Ano kaya kung tahimik lang ako buong klase? Mas mabuti pa siguro kung ganoon.

Sumilip ako sa pintuan ng magiging classroom ko, nakita kong kasalukuyang nagdidiscuss 'yong Professor. Natigil naman siya nang makita niya akong nakasilip.

Be The Sister Of 4 Mafia Maxwell Brothers [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon