CHAPTER 9

3.7K 120 4
                                    

Oliver Kyle Maxwell's POV

"ITONG dalawang ugok na 'to nilagyan ba naman ng uod 'yong pagkain ni Ma'am Sho." Bad mood pa rin si Kuya Zavier sa amin.

Hoy! Hindi ko 'yon sinasadya! Aksidente lang iyong nangyari!

"Objection your honor! Your accusations are all false." Palag ni Xanxan.

"I second demotion!" Sang-ayon ko.

"Tumigil kayo." Kuya Zavier

"Ikaw daw gapangan ng uod tingnan na'tin kung hindi lalabas iyang kaluluwa mo." Xanxan

"Its f*cking big like my middle finger— I almost fainted!" Depensa ko pa.

"Shut up, mamaya lang kayo sa bahay." Malamig na tugon sa amin ni Kuya Geo. Naman ee!

***

MAGKASAMA kami ni Xander sa botany garden dahil inutusan kami 'nong isa na'ming propesor na ipapalagay 'tong mga pot sa gilid dahil mag-gagardening daw siya bukas. Nag-ingay kasi kami ni Xander kanina sa klase niya kaya kami ang nautusan bilang parusa. Pagkatapos ng mga pot, inutusan pa kaming magbunot ng mga tuyong dahon sa flower section.

Ang totoo, estudyante ba talaga kami rito or gardener?

At ito namang abno na Xander nag-eenjoy pa, naglandscape pa ang g*go. Dumaan naman ang jolibee— ay este iyong isang propesor na'min sa Chemistry, si Ma'am Sho. Kada oras may bitbit na isang box ng pizza. Tssk, patay gutom talaga 'tong dambuhalang ito.

"Pakpak nalang ang kulang, bubuyog na siya." Bulong sa'kin ni Xander.

"Gagi, si Jollibee nga pumasok sa isip ko ee."

"Mukha rin siyang air ballon, anytime sasabog na."

"Xanxan, masiyado kang bully." Bulong ko sabay nagtawanan.

Si Xander lang talaga ang kasama ko sa ganitong humor. Sina Kuya Geo at Kuya Zav naman ang may parehong humor.

Bumalik ang tingin ko sa gawi ni Ma'am Sho. May katawag siya, takte lang. Dito niya dinadala ang pagkain niya kasi konti lang 'yong mga taong narito, anong akala niya rito? Recess area?

Mahulog sana iyang pizza mo.

"K-Kuya... h-help."

Napalingon ako kay Xander dahil sa utal-utal nitong boses. Tumaas ang isang kilay ko nang halos hindi mapinta ang mukha niya.

"Oh, what's wrong with your face?" Natatawa kong tanong.

He use his head to point what's behind his back. "C-Can you check it?"

Tumango ako kaya pinaikot ko siya.

What the f*cking hell!

Halos tatakbo palabas ang kaluluwa ko nang makita ko ang isang malaking uod na gumagapang sa kaniyang likuran. Sh*t, uod!

Lintik, halos kasing-laki ng gitnang daliri ko. Nakakikilabot!

"K-Kuya, alisin mo..." Parang maiiyak na siya.

"H-Ha? Ako? Ayoko nga!"

Ako pa talaga inutusan ee mas takot ako diyan. Mas gusto ko pang mag-pet ng ahas kaysa sa uod.

"Kuya Oli, hindi kita tutulungan kay Green kapag hindi mo ito inalis sa likod ko." Banta niya.

"Walanghiya 'to nang black-mail pa!"

Be The Sister Of 4 Mafia Maxwell Brothers [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon