The Famous Meets The Nobody By: Jaypee Chapter 6

4.8K 185 5
                                    

Lutang pa rin ako. Bumalik ako sa classroom pero gulat pa rin ako sa mga nangyari. Kalagutnaan pa rin ng lunchbreak namin kaya halos wala pang tao sa room at karamihan ay nasa corridors. Nakita ko na nagkakalikot ng cellphone si Erica habang nakapikit na nagheheadphones si Aaron. Ibig sabihin di pala sya umalis para man lang kumain.

Naupo ako sa may desk ko at dumilat si Aaron saglit para tignan ako.

"Bes tignan mo to," sabay duldol ni Erica ng phone nya sa mukha ko.

"Bes ilapit mo pa ng konti para mas dikit sa eyeballs ko."

"Ay sorry na. Yan tignan mo," sagot nya.

Nakita ko ang isang picture kay Aaron na nakangiti. Medyo blurred halatang minadali ang pagkuha. Pag scroll ko sa FB ni Erica ay puro picture ni Aaron ang nasa news feed. Nakakatuwa ang mga comment.

'Ngumiti na sya. Ang gwapoooo 😍😍😍'
'My future husband's first smile. #ProudOfYou'
'AaronFirstSmile nakakakilig'
'Dapat ganyan ka lagi baby. So handsome 😚'

At ang dami pang comment na nadadagdag. Binalik ko ang phone at napatingin ajo kay Aaron. Nakapikit uli ito at parang nawalan na ng interes sa pinag-uusapan namin. Grabe viral na sya.

"Bes bakit pala ang tagal mo? Grabeng amag na ba namamahay sa tumbler mo at kailangan mo pa ata ubusin ang supply ng tubig sa academy malinisan lang yan? Baka naligo ka na rin di ka man lang nang-aya," sabi ni Erica.

Namula ang mukha ko nung maalala ko ang nangyari at napalingon akk sa bintana.

"Hoy tanong yun. Sinasagot po yun. Magkwento ka may ganap ka nu?" mapang-asar na tanong ni Erica.

"W-wala"

"Sabi ko na nga ba eh! Magkwento ka. Ginagawa mo nanaman yung mannerism mo kaya wag ka magkaila."

Nahuli nanaman ako ni Erica. Dapat ata pag-aralan ko na pigilan ang mannerism ko.

"Bes mamaya promise. Wag ngayon," pagmamakaawa ko.

Ngumuso ito pero pumayag sya at nangakong di nya ako iiwan hanggang bahay kung kinakailangan magkwento lang ako. Naman eeeh...

Ayun normal na nagpatuloy ang klase at walang masyadong nangyare. Nagkwento ako kay Erica nung uwian at nabugbog ang isang braso ko sa mga palo at panggigigil nya. Ganyan sya matuwa, nananakit ng katabi. Kilig na kilig sya at nagagawa pang biruin ako tungkol dun. Nagmakaawa ako sa kanya na isecret ito kasi malaking scandal to pag nalaman sa buong school. Ayoko pa naman nagiging center of attraction.

Mabilis lang lumipas ang mga araw. Madalas nasa praktis ng volleyball team si Erica. Minsan nanonood ako sa kanya pero madalas ay dumideretso na ako ng uwi. Nag-sign up naman kami pareho sa relay race at gayon din si Aaron. Sumali din sya ng basketball. Nabalitaan ko naman na nasa relay race at basketball event si Xander. Dahil nga sikat ay usap-usapan sa academy ang mga events na sinalihan nya.

Napapadalas din ang pagtatagpo namin ni Xander sa academy pero di ko sya nilalapitan o kinakausap. Simpleng ngitian lang kasi naliligiran sya ng mga fans nya at usap-usapan na sa academy na may natitipuhan o secret girlfriend ito. Kaya tuloy mas todo na sa dati ang pang-iistalk ng mga babae at bakla sa kanya. Nacucurious din ako malaman kung sino yun pero nakakahiya magtanong. Medyo nalungkot din ako kasi parang kahit papaano nahopia ako sa kanya. Bakit ba naman kasi nya ako hinalikan? Nagulo tuloy yung isip ko buseeet sya. Malamang tuwang tuwa yung demonyong yun sa panloloko nya sa akin.

Nakaonline ako para magdownload ng mga kanta at nagbro-browse din ako sa FB ng mga kung anu-ano. Marami kasi akong napapanood na funny videos dito madalas galing kay Erica sya kasi mahilig mag-share nun. Biglang may lumabas na friend notification sa notifications ko. Dalawang friend request. Tinignan ko kung sino sila at lumabas sa screen ang dalawang pangalang di ko inaasahan.

Xander Montemayor. Aaron Vallejo. Oh my gulay. Nag-isip ako. Si Aaron okay lang na i-accept ko. Kahit paano naman friends na talaga kami, well feeling ko lang naman pero si Xander? Di naman kami friends ng kumag na yun. Wala naman sigurong masama kung i-accept ko na lang pareho. So ayun nga pareho ko silang in-accept. Biglang may pumasok na idea sa isip ko. Chance ko na to para malaman kung sino yung secret girlfriend ni Xander. Kinalkal ko ang news feed nya at photos pero wala akong nahanap na kahina-hinala. May nakita akong post na medyo nakakuha ng atensyon ko.

'Xander Montemayor is feeling happy ☺

Best day ever! Got a kiss from my special someone ❤'

Ang dami naglike at nagcomment pero wala syang nireplyan na kahit sino wala tuloy ako mapigang candidate. Kung sino man yung gf nya eh siguradong magcocomment at maglilike ng post na ito at magrereply o maglilike naman si Xander sa kanya kaso wala eh.

Dahil bigo, yung kay Aaron naman ang ginalugad ko. Normal naman mga post at album nya. Madalas mga picture ng song albums at mga lugar na napuntahan na nya ang laman nito. May ilang selfie din pero walang kuha na nakangiti sya. Kahit sa social media may pagka-mailap pa rin sya. May nakita akong secret album na may title na 'Mine Only' kaso kailangan ko magsend ng request to view para maopen ang contents at makita ito. Nacurious nanaman ako. Siguro pictures yun ng jowa nya. Teka may jowa na ba si Aaron? Parang alam ko wala? Ay ewan di naman nagkwekwento yun saka ayoko mangialam. Dinapuan na ako ng antok kaya nagpasya na ako na matulog. Sakto weekend bukas araw ng pahinga.

(To be continued on Chapter 7)

The Famous Meets The Nobody (boyxboy)Where stories live. Discover now