The Famous Meets The Nobody By: Jaypee Chapter 33

1.9K 77 1
                                    

Nagluluto si Xander ng tanghalian sa kusina. Sabi ko tutulungan ko na sya pero ayaw naman nya kaya hinayaan ko na. Naglibot muna ako sa buong villa. Ang gara talaga ng mga gamit dito mukhang mamahalin. Meron pa nga yung ulo ng usa sa may fireplace. Iniisip ko tuloy kung totoong usa yun o peke.

May nakita din akong mga pictures. Puro picture ni Xander nung bata sya. Ang cute nya hehe tapos meron din kasama mga magulang nya. Mukhang stricto ang papa nya base sa facial expression nya sa picture pero yung mama nya ang amo ng mukha. Naaalala ko sa kanya si Mommy. Sobrang bait siguro ng mama ni Xander nung nabubuhay pa at ang ganda pa nya.

"Baby tapos na ako magluto. Kaen na tayo," tawag ni Xander mula sa kusina.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko na naghahain sya sa mesa. Natatawa pa ako sa itsura nya kasi naman nakasando at shorts lang sya nung nagpalit sya bago magluto tapos may suot sya na pink na apron at nay ruffles pa. Di bagay sa kanya haha... Pero nakakatuwa sya tignan kasi lalong lumabas ang kamachohan ng mga braso nya sa suot nya.

"Anong nginingiti mo dyan baby? Siguro pinagnanasaan mo ako no?" pang-aasar ni Xander at mapanukso nyang utinaas baba ang mga kilay nya sa akin.

"Wag mo nga ako itulad sa'yo," sagot ko na natatawa.

"Bakit ano ba ako?" tanong nya habang lumalapit sa akin.

"Manyak," sagot ko.

"Ah manyak pala ha," sabi nya at bigla nya akong niyakap habang kinikiliti ng isang kamay.

"Hahaha tama naaa haha sige na di naaaa po haha," sabi ko.

Kiniliti pa nya ako ng ilang sandali bago kami bumagsak dalawa sa sahig sa pagpupumiglas ko at napahiga ako sa sahig habang sya naman ay nasa ibabaw ko. Nagkatinginan kaming dalawa ng matagal.

"Ang cute mo talaga baby," sabi nya na nakangisi at nangiti lang ako sa kanya.

"Ewan ko sa'yo baby," sagot ko.

Unti-unti ay lumapit ang mukha nya sa akin at hinalikan nya ako sa labi. Malumanay ito sa simula at malambing kaya napapikit ako. Nang unti-unting bumaba sa leeg ko ang halik nya ay napadilat ako at bumalikwas ako palayo sa kanya na kinakabahan. Naalala ko ang ginawa ni Sir Gary sa akin at di ko naiwasang huminga ng malalim at sunod-sunod. Bakas naman ang gulat kay Xander sa ginawa ko.

"Baby pasensya na. I'm sorry di ko dapat ginawa yun," sagot nya. Nakatingin sya sa akin na may pag-aalala pero di nya muna ako nilapitan.

Kumalma ako paunti-unti at nginitian ko sya para ipakitang ayos na ako. Ngumiti dun sya at nilapitan ako saka niyakap.

"Sorry baby. Di ko sinasadya. Sa susunod pag di ka komportable sabihan mo ako agad," bulong nya at hinalikan nya uli ako sa labi.

"Okay lang. Salamat," sagot ko.

Tumayo na kaming dalawa at naupo sa mesa. Mukhang masarap ang niluto nya Tinolang Manok at naghiwa pa sya ng pakwan para panghimagas.

"Ang bango ng niluto mo ah. Masarap naman kaya?" pang-aasar ko.

"Oo naman. Kasing sarap ko yang luto ko," sagot nya at kumindat sa akin. Namula naman ako sa sinabi nya.

"Manyak ka talaga," sabi ko na natatawa konti at tinawanan nya rin ako.

"Sige na baby kain na tayo," anyaya nya uli.

Masarap naman ang luto nya. Di man kasing sarap ng kay Mommy pero masasabi ko na di naman sya dehado sa pagluluto.

"Paano ka naman natuto magluto? Di ba may mga tagaluto naman kayo kaai mayaman kayo eh," tanong ko.

"Nakabukod ako sa bahay. Dahil mag-isa ako, natuto ako magluto para sa sarili ko," sagot nya.

"Kaya pala. Eh di saan ka nakatira ngayon?" tanong ko.

"Alam mo yung high rise condo malapit sa village di ba?" tanong nya sa akin.

"Oo... Teka don't tell me dun ka nakatira," sagot ko at nangii sya sa akin.

"Oo baby dun nga," sagot nya at sinubuan nya ako ng pagkain. May naiwan na kanin sa bibig ko kasi naman ang punong puno yung sinubo nya sa akin. Pupunasan ko na sana pero bigla syang lumapit at dinilaan yun sa bibig ko. Namula naman ako sa ginawa nya.

"Mas masarap pala kumain sa bibig mo baby," sabi ni Xander sabay kindat.

"Baliw!" sagot ko sa kanya dala ng hiya.

"Ang cute cute mo talaga pag namumula ka baby ko," sagot nya at kinurot ang pisngi ko na parang bata.

"Aray masakit yun," sabi ko at hinawakan ko ang pisngi ko.

Inalis naman nya ang kamay ko at saka humalik sa pisngi ko at kinabig na kamay nya ang mukha ko para humarap sa kanya.

"Masakit pa rin ba?" tanong nya na nakangisi.

"Hindi na..." mahinang sagot ko at napatingin ako sa ibang direksyon ang lapit kasi ng mukha nya. Hinalikan nya uli ako sa labi saka bumulong sa akin.

"I love you baby," sabi nya na nakangiti.

Ngumiti din ako sa kanya at humalik sa labi nya.

"I love you too," sagot ko.

"Ubusin na natin ito. Lalamig lang yung pagkain kung puro halikan lang tayo dito," sabi ko.

"Alam mo parang mas gusto ko palamigin na ang yung pagkain," sagot ni Xander na nakangisi at nagtaas baba ang kilay nya sa akin.

"Manyak ka. Kumain ka na nga," sagot ko na natatawa at sinubuan ko sya ng pagkain para manahimik na sya.

◼◾◼◾◼◾◼◾◼◾

Hinintay ko sa coffee shop si Erica. Napag-isipan namin na magkita para pag-usapan yung tungkol sa CD na pinadala sa bahay namin. Hanggang ngayon nakatatak sa isip ko ang napanood ko. Hindi ako makapaniwala na gagawin yun ni Jas. Ano kaya ang dahilan nya para gawin yun?

"Sorry I'm late," sabi ni Erica.

Umupo sya sa tapat ako dala ang CD tulad ng napag-usapan.

"Ano ng plano natin dito?" tanong ni Erica. Halatang nag-aalala sya para kay Jas pag kumalat ito.

"Dapat ulit natin makausap si Kenneth. Sya lang ang contact natin tungkol dito," sagot ko.

"Aaron hindi ako naniniwalang magagawa ni Jasper ito. Kilala ko sya dahil bestfriends kami for how many years. Kung sya man talaga ito then I'm sure he has a reason for doing... that!" sabi ni Erica.

"I know. Do you think his mom knows?" tanong ko.

Ayoko man isipin pero kung kami ni Erica ay nabigyan ng kopya, siguradong pati ang Mommy nya ay bibigyan din at ganun na din si Xander.

"Galing ako sa kanila and maayos naman si Tita pagdating ko. Mukhang wala naman syang natanggap," sagot ni Erica.

"That's good. How about Xander?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Ang sabi ni Tita nagdate sila Bes at Xander pero di sinabi kung saan. Bukas pa ang balik," sagot ni Erica.

Nag-alala ako. Kung alam na ni Xander yun ay maaaring may magawa sya kay Jasper. Pero kung kagabi namin nakuha ni Erica ang CD ay maaaring dun din nakuha ni Xander ang kanya. Kung sasama ang loob nya sa nakita ay siguradong di sila tutuloy sa lakad nila ngayon. Posibleng hindi nya pa ito nakikita o baka hindi sya binigyan ng kopya. Sana lang nga ay hindi nakatanggap si Xander ng kopya.

"Aaron what's wrong?" tanong ni Erica.

"I was thinking that maybe Xander did not get a copy," sagot ko.

"I hope so too. For now, pinapahanap ko yung bahay ni Kenneth sa tauhan ko. Any minute now we'll know his address then we can ask him," sabi ni Erica.

"I don't think that's necessary," sagot ko.

"What do you mean?" tanong ni Erica.

Itinuro ko ang nakita ko sa labas. Humarap si Erica at nanlaki ang mata nya sa gulat. Nasa labas lang ng coffee shop si Kenneth. Pumasok ito sa isang shop na nasa kabilang kalsada. Napatayo si Erica at sinundan ko sya patawid sa kabilang kalsada kung saan pumasok si Kenneth. Kailangan mahinto na ito bago pa lumala ang sitwasyon.

(To be continued on Chapter 34)

The Famous Meets The Nobody (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora