Chapter 4

2.2K 80 9
                                    

~Cassandra's POV

Kumakain kami ngayon dito sa garden may long table din kasi dito kami lang naman magkakapatid ang nandito. Nasa Kei Academy si granny at bukas daw eh papasok na kami don.

Iniisip ko pa din yung apat na lalaki na nakita ko pakiramdam ko may balak na gawin na masama ang weird kasi nila eh nung napansin nila ako agad agad kumaripas ng takbo.

Hindi ko pa nasasabi kila lola yun sasabihin ko ba? Pano kung mali ang kutob ko?

"Earth to cass" sabi ni freyah na winagayway pa ang kamay sa harap ng mukha ko na napapitlag naman ako

"Kanina ka pa tahimik may problema ba?" Si clark na ang nagsalita tumigil sa pag subo tinignan ako na may concern sa mukha

"Nothing. Wag niyo na lang ako intindihin napagod lang siguro ako sa training natin" pagsisinungaling ko sa kanila

Tinignan nila ako at waring tinitimbang kung nagsisinungaling ba ako o nagsasabi ng totoo

Sa huli napabuntong hininga na lang sila kilala nila ako na hindi mahilig mag share at madalas sinasarili na lang.

"Okay kung ayaw mo sabihin kung ano yang iniisip mo hindi ka namin kukulitin basta nandito lang kami ni freyah na handang makinig okay?" Sabi ni clark tska kami bumaling ng tingin kay freyah na panay lamon sa pagkain at nagkalat na sa bibig yung sauce basta pagkain talaga nawawalan siya ng poise

"Kadiri ka freyah akala mo nagugutuman ka hinay hinay ka nga lang sa pagsubo" pangaral ni clark

"Paki mo ba gutom na ako eh ikaw ba pinapakialaman ko?" sagot niya sabay lunok ng kinakain

"Tama na yan nasa hapagkainan tayo wag na kayong magtalo" pagsaway ko sa kanila alam ko walang isang magpapatalo

Napansin namin na may gwapong papalapit sa amin at may muscle pa kay abs kaya? Erase erase nahawa na ako sa pagka maharot ni freyah

"Magandang umaga mahal na prinsesa mahal na prinsipe" bati niya at may hawak siya bumaling siya kay freyah na ngayon ay natigilan sa pagsubo dami pang dumi sa mukha hahaha epic alam ko nahihiya yan ngayon

"Princess freyah nandito na po yung juice na pinagutos niyo kay ate beng ako na po nagdala" sabi nung lalaki at si freyah hindi makapagsalita

"Ilapag mo na lang diyan" utos ko at tinuro yung sa gilid ng lamesa ni clark tumango naman siya

"Anong name mo?" Tanong ko na walang gana

"Rowe po princess cassandra" sabi niya sabay ngiti

"Oh narinig mo yon freyah rowe daw name ni cutie pie mo" sabi ni clark at tinignan lang siya ng masama ni freyah

"Ah rowe ano palang tingin mo sa kapatid kong si freyah? Maganda ba ?" Ako na ang nagsalita gusto kong asarin tong kapatid ko lagi niya kasi ako pinagtritripan

Payback time babyyyy hahaha

"Maganda po diyosa nga po eh kahit parang bata kumain" nahihiyang Sabi ni rowe sabay kamot sa batok

"Hahahahaha narinig mo yon freyah? Maganda ka daw kahit batang kumain" tumatawang sabi ni clark at hinihimas pa ang tiyan

"Shut up clarkkyyy" masamang tingin niya kay clark halatang inis na eh "and you pwede bang umalis ka na sa harap namin nabigay mo na yung juice kaya hindi mo na kailangan pang tumambay dito" sabi niya kay rowee

Tumalima na lang ang kawawang rowee at nagmadali na umalis

"Kawawa naman si pogi oh pinaalis mo na agad" sabi ni clark

Kei Academy - New Generation (Book 3)Where stories live. Discover now