Chapter 10

1.3K 56 9
                                    

~Princess Reyanne's POV

Kanina pa ako palakad lakad dito sa silid ko masama ang kutob ko na may traydor at gusto kaming pabagsakin kailangan ko lang malaman kung sino yun at ano ang dahilan niya.

Umupo ako sa gilid ng kama pakiramdam ko ang dami kong ginawa buong araw dahil sa kakaisip kunh sino ang nasa likod ng kaguluhang nangyari lalo na sa kei academy.

Narinig ko ang pagtunog ng door knob niluwa non ang asawa ko na ang lapad ng ngiti at hindi ko gusto ang ngiting yon.

"Sorry hon not now" sabi ko ng makalapit siya sa akin

"What are yout talking about hon?" Painosenteng tanong niya akala mo naman hindi niya alam ang tinutukoy ko tsk

"Ewan ko sayo" sabay dampot ng unan at binato sa mukha niya tinawanan lang ako ng g**o "ayyy" tili ko ng mahiga ako sa kama at nakapatong na siya sa akin

"Ang bango mo hon" sabi niya hahalikan sana niya ako ng biglang

"OMG!!! Rated SPG!!! Mom dad matuto naman kayo mag lock ng pinto kung may balak na kayong sundan ako!! Oh my virgin eyes huhu" ang anak ko pala mahilig talaga pumasok na hindi kumakatok parehas ng ama niya

Inis na tinulak ko si aki at pinitik sa ilong si Zamara "Ikaw bata ka kung ano ano yang lumalabas sa bibig mo. Ano bang kailangan mo at nandito ka?" Tanong ko

"Ano kasi mom ano eh" parang hindi mapalagay at nilaro laro pa ang daliri

"Ano nga sabihin mo na" konti na lang mawawalan na ako ng pasensiya

"Gustokosananalumipatsakeiacademy" ano daw? Wala akong maintindihan yung asawa ko naman tawa ng tawa alam niya kasing napipikon na ako

"Anak hindi ko maintindihan yang sinasabi mo" pigil ang inis ko

"Gusto ko mom na lumipat sa kei academy don na lang ako mag aaral" sabi niya at nag pa puppy eyes pa ginagamit na naman niya ang ka cute-tan niya para payagan ko.

"NO" matigas na sabi ko at tinalikuran siya "but mom pumayag na si lola reika at si daddy" sabi niya at hinawakan ang kamay ko tinaasan ko lang siya ng kilay alam ko ang dahilan kaya don niya gustong mag aral para sundan yung prinsipe na kinahuhumalingan niya

"Bigyan mo ako ng dahilan bakit don mo gusto mag aral?" Tanong ko na kinatigil niya sabay iwas ng tingin

"Para makasama ko sina pinsan" sabi niya sabay kagat ng labi ganyan yan pag nagsisinungaling

"Are you sure?"

"Fine, andon kasi si crush alam mo naman pag nakikita ko siya na i-inspired ako" sabi niya na kilig na kilig

"ZAMARA REIGO" sigaw ko sa pangalan niya ayon huminto at napalunok ng dalawang beses

"Why mom?" Natatakot niyang tanong tumingin siya sa daddy niya na nagsasabi 'help me dad' look pero napailing lang si aki under kaya sa akin yan.

"Yung pag te-training mo ang unahin mo hindi yang crush crush na yan ang bata mo pa huh ikaw ang girl version ni clark hay nako talaga kayong magpinsan" sabi ko na mas lalo pa atang sumasakit ang ulo ko

"Sige na mom pumayag kana please???? Sige ka hindi ako aalis dito tatabi ako sa inyong dalawa matulog" pananakot niya

"Hon payagan mo na kaya ang anak mo wala naman masama eh tska nandon naman sina cassandra" sabat ni aki

Galing talaga ng asawa ko natakot sa sinabi ng anak niya gusto lang ako masolo ngayong gabi dahil diyan humanda ka

"Okay pumapayag na ako" sabi ko nangislap naman ang mata ng anak ko "Really mom??? I love you na talaga" sabi niya at pinugpog ako ng halik

"I love you too baby, namiss kita katabi tara sa kwarto mo tayo muna ang magtabi gusto ko kayakap ang baby damulag ko" sabi ko napangisi naman ang anak ko at tumingin sa dati niya "pano ba yan dad sa akin muna si mom....Tara na mom marami pa tayong pagkwkwentuhan" yaya niya lumingon ako kay aki na parang luging lugi mapapaiyak na eh

"Ahhh talaga kayong mag ina... Zamaraaaa akala ko kakampi kita" sigaw ni aki tumawa na lang kami ng anak ko habang lumalabas sa kwarto.

Kei Academy - New Generation (Book 3)Where stories live. Discover now