Chapter 9

1.4K 46 8
                                    

~Clark's POV

"What are you thinking prince clark halos mapatay mo na si mark" sabi nang isa sa professor namin at isa siya sa inatasan magbantay sa nagaganap na leveling.

Sana nga namatay na lang siya tsk bulong ko na ako lang ang nakakarinig

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang naglalakad palayo "Kinakausap pa kita wag mo akong tatalikuran malayo ka sa mga magulang mo" narinig ko pa ang dulo nang sinabi niya kahit mahina yun dahil don uminit ang ulo ko at matalim na tinignan siya napansin ko na natakot siya dapat lang!

Walang pasabi na kwinelyuhan ko siya "wag mong idamay ang magulang ko na namayapa na know your place kilalanin mo kung sino ang kausap mo tandaan mo prinsipe ako" matigas na sabi ko at sunod sunod naman na tumango siya at kitang kita sa kanya na nahihirapan na siyang huminga kaya binitawan ko na siya

"Anong nangyayari dito?" Bungad ni cassandra halata sa mukha niya ang pagaalala "wala naguusap lang kami ni prof. Martin" sagot ko tinignan muna niya ako nang mariin tinatantiya kong nagsasabi ba ako nang totoo lalo na matalino tong si cassandra.

"Okay tara na hinahanap na tayo ni freyah" yaya ni cass bago pa ako makasagot hinila na niya ako "Bye prof mauna na kami" paalam ni cass sa kanya

Bago pa kami makalabas humarang na si erika kaya napahinto kami " what are you doing here?" Mataray na tanong ni cass pero hindi siya pinansin ni erika at nakatuon lang sa akin ang attention niya "Gusto kita makausap clark kahit saglit lang sana payagan mo ako may gusto lang ako sabihin sayo" pagsusumamo niya napansin ko na pumayat siya at may eye bags na siya halatang hindi nakakatulog nang ilang araw.

"Kapal din nang mukha mo na lumapit sa kapatid ko at gusto mo pa makipag usap wag mo nang saktan ang kapatid ko don ka na kay mark wag mo na siyang guluhin" singhal niya kay erika pag dating kasi sa mga kapatid niya palaban tong si cassandra pinisil ko naman ang kamay ni cass kaya napatingin sa amin "Iwan mo muna kami siguro nga kailangan namin mag usap" sabi ko at nangungusap ang mata napahugot naman siya nang hininga "Bahala ka basta pinaalalahanan kita gamitin mo ang utak mo wag puro yan" turo sa puso ko tumango na lang ako bago siya umalis tinignan niya nang masama si erika.

"Spill" sabi ko at bored na tinignan siya lumapit siya sa akin balak niya sana akong yakapin pero umiwas ako "wag mo akong hahawakan. Magsalita ka na diba may sasabihin ka pa? Bilisan mo nasasayang ang oras ko sayo" kita ko naman nasaktan siya sa pagtrato ko sa kanya masisi niyo ba ako kung bakit ako ganito ako sa kanya? Ginago lang naman niya ako pag naiisip kong pinaglaruan nila ako ni mark parang ang sarap pumatay.

"Wala na kami ni mark matagal na 5 months na" paguumpisa niya natawa naman ako nang mapakla "Wala na kayo? Oh c'mon nakikipag halikan ka nga eh at ang sweet niyo pa yun ba ang walang relasyon oh sadyang malandi ka lang?"

PAKK

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko inis na tinignan ko siya pagsasabihan ko sana siya nang makita kong umiiyak na siya "Sa tingin mo gusto ko yon huh clark. Hindi mo ba ramdam ang pagmamahal ko sayo? Mahal kita at kaya ko lang nagawa yon dahil gusto kitang protektahan dahil nagbanta siya na papatayin ka niya kilala ko siya clark kaya niyang pumatay nang walang pagaalinlangan. Tinakot niya ako kung hindi ako makikipagbalikan sa kanya kayo nang mga kapatid mo ang mapapahamak ayaw ko mangyari yun ayaw kong mawala ka sa akin pero ang sakit sakit lang dahil don nawala ka sa akin gustong gusto kita lapitan pero wala akong magawa"

Dahil sa sinabi niya nanlambot ako dahil ramdam ko na nagsasabi siya nang totoo "Wala kabang tiwala sa kakayahan ko huh erika sa tingin mo papayag ako na basta lang niyang patayin? Dapat sinabihan mo ako hindi yung ikaw lang ang nagdedesisyon boyfriend mo ako erika hindi ako basta basta lang sa buhay mo. Hinayaan mong kamuhian kita" sumbat ko sa kanya at lalo naman siya napahagulhol

"I'm sorry clark im sorry... oo na selfish na ako pero ikaw lang naman ang prinoprotektahan ko dahil mahal kita" sabi niya at hinala ko siya palapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit "I love you too" buong pagmamahal kong sinabi yun  napangiti naman ako nang niyakap niya ako pabalik.

"ERIKAAAA" galit na sigaw nang lalaki at madilim ang mukha na tinignan kami "Ang tigas nang ulo mo at lumapit ka pa sa kanya ha" sabi niya  "Tigilan mo na kami mark mahal namin ang isa't isa tanggapin mo na yun" sabi ni erika lalo naman nagalit si mark sa narinig niya.

"Alam mo ang kahihitnan nang ginawa mong to erika" sigaw niya lalapitan sana niya ang girlfriend ko pero mabilis ko tong hinarangan "subukan mong lumapit sa kanya hindi ako magdadalawang isip na itarak sayo to" matigas na sabi ko at hindi pa din binababa ang sword ko

Napaatras naman siya pero hindi pa din nagbabago ang expression nang mukha niya galit pa din "Hindi mo magugustuhan erika pag nalaman niya to kilala mo na kung sino ang tinutukoy ko EX" sabi niya at naglaho na siya

Nagtatakang bumaling ako nang tingin sa kanya "Sino ang tinutukoy niya? May hindi ka pa ba sinasabi sa akin?" Tanong ko sa kanya pero wala kang mabasa na expression sa mukha niya blanko yun "Wala akong idea sa tinutukoy niya gusto  ka lang niya guluhin" sabi niya tumango na lang ako at niyakap siya

"Masaya ako na okay na tayong dalawa ako na mag eexplain sa mga kapatid ko alam mo naman galit pa sayo yung dalawang yun" sabi ko tumango na lang siya at magkahawak kaming bumalik sa arena.

Kei Academy - New Generation (Book 3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें