Chapter 13

2K 71 79
                                    

Princess Freyah's POV

Napahiga na ako nang makatanggap ako ng sipa at suntok kay mark pakiramdam ko mababalian ako ng buto

Walang hiyang EX ni erika ginawa pa akong punching bag

"Oh maiiyak kana? hindi mo ako madadala sa ganyan yan ang napapala ng katulad mong pakialamera" nakangising sabi niya sabay sabunot sa buhok ko

"Hindi ako magtataka kung pinagpalit ka ni erika sa kapatid ko masahol pa sa hayop ang ugali mo! traydor" sigaw ko sa kanya at dinuruan ang mukha niya nagdilim ang mukha niya

Nakatanggap ako nang malakas na SAMPAL huhu ang bigat pa naman ang kamay niya

"Makinig kang mabuti" angil niya sabay hinawakan ang buhok ko at inangat yon "Sa akin lang si erika kami ang nababagay sa isa't isa at sa kapatid mo naman papatayin ko siya pero uunahin na muna kita" aniya at nilabas ang espada sa kamay niya

Gustuhin ko man tumayo pero hindi ko kaya pucha naman oh bakit ba kasi natamaan ang paa ko tinignan ko na ngayon ay dumudugo

Bakit kasi ang weak ko!!

"Any last words before i kill you?" aniya at nagtawanan silang dalawa "Ano ba naman mark pinapatagal mo pa patayin mo na ng makaalis tayo" sabi ni prof martin habang hawak hawak ang jar

Napapapikit ako nanalangin ng taimtim na baka sakaling may sumagip sa akin

Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa dalawa kong kapatid

Sorry cassandra nasunog ko ang favorite mong shirt nagmarunong kasi ako mag plansya kaya bago mo makita tinapon ko na hindi ko lang maamin baka kasi makatanggap ako ng flying kick mo

Ako din ang umuubos ng nutella mo sarap kasi, sana dinamihan mo ng bili

Tska hindi ko sinasadya na pakawalan si tey (name ng puppy niya) malay ko ba na hindi pala alam ang mansion natin at hindi na nakabalik

Kay clarky naman sorry kung hindi natuloy ang date niyo ni topher noon ayoko siya puro balbas, pang ahit nga wala siya pang date niyo pa kaya

Ako din may gawa kung bakit nawala ang binili mong undies paano naman kasi makakahinga ang betlog mo niyan, pasalamat ka concern pa ako

Ako din may sala kung bakit wala kang kilay noon nainis kasi ako ang kapal ng kilay mo kaya inahitan ko

"DIE" sigaw ni mark mas lalo akong napapikit OMG!!! Katapusan ko na huhuhu hindi ko man lang naranasan makipag date bago mategi

TINGGGG

narinig ko ang pagtama ng isang bagay pagmulat ko isang babae na naka kapa at may takip sa mukha "Leave" ma awtoridad na utos niya pero imbes na sumunod ako nakatanga lang ako sa kanya

"Umalis kana" pang uulit niya at lumingon kay mark "Babae lang ba ang kaya niyo" woah maski boses ang cool ng dating niya

"Nakialam ka din pati ikaw papatayin ko" asik ni mark at nagpalabas ng apoy "Katapusan mo na" sigaw niya tatama na sana ang apoy pero isang hawi lang ni babaeng naka kapa biglang naglaho na parang bula nagulat na lang kami ng sinuntok niya ang hawak na espada ni mark at sa isang iglap nawasak ito

Woah anong klaseng nilalang siya ?? ISA BA SIYANG DIYOSA??

Napaatras si mark at si prof martin nanigas sa kinatatayuan nanginginig din ang kanyang kamay

"Sino ka?" halata ang takot sa boses niya

Tumawa na parang demonyo ang babae at tinutok ang espada "Bakit natatakot ka na ba?"

Bigla naman pinatapang ni mark ang mukha niya kahit ang totoo takot siya "Ako walang kinatatakutan ang tulad ko" susugod sana si mark ng biglan nawala ang babae sa isang iglap lang hawak na niya ang puso ni mark na tumitibok pa at agad niya tong pinisil

Nakakatakot!!!

"You" sabay baling ng tingin niya kay prof martin "W-wag kang lalapit" nauutal na sabi niya nilaro lang ng babae ang hawak niyang espada

"Bakit natatakot ka na ba?" malamig na boses niya at humakbang palapit sa kanya

"Wag kang sabi lalapit" aniya at nilabas ang hawak niyang axe

"Sa tingin mo matatakot ako?" Taas ng confidence ni ateng naglaho na ang hawak niyang espada

"Mamili ka ako ang kikitil sa buhay mo o ikaw ma mismo ang gagawa?" Napalunok ako sa sinabi niya

Promise nakakatakot siya parang magsisi ka na nakilala mo siya

***************

Kumusta kayo guys? Tagal kong hindi nakapag UD busy lang hehe.. Happy reading 😘😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kei Academy - New Generation (Book 3)Where stories live. Discover now