Kabanata 6

2K 40 1
                                    

Kabanata 6: Questions


Hindi ko pa din maintindihan kung anong klaseng nilalang ang gumawa nito. At kung bakit niya ginawa ito.



Pinanood ko habang nililinis ng mga SOCO ang crime scene. May mga medics na din na kumuha dun sa bangkay. At nakakasuka pa yon kasi hindi nila alam paano ilalagay sa stretcher ang bangkay dahil sa nagkalasog-lasog na katawan ito.



Nililinis ng SOCO ang crime scene at naghahanap ng ebidensya para malaman kung sino ba ang salarin. Pero nagdududa ako na mahahanap nila ang salarin. Dahil hindi talaga ako na niniwala na tao ang gumawa nito.




Pinaalis na kami ng mga teachers at pinabalik sa kanya-kanya naming mga classrooms. At dahil hindi pa nalilinis ang buong 4th floor, ang mga senior high na nagroroom sa 4th floor ay magkaklase muna sa isang building katabi ng JS High.




Hindi pa tapos ang 4th floor non, pero limang klase lang naman kaya kasya na kami sa 1st floor. Habang papunta kami sa kabilang building, hindi na naman maalis sa isip ko yung kanina.




Katulad din kasi ng itsura nung bangkay na yon ang nakita ko sa panaginip ko kaninang umaga. Pero babae ang nasa panaginip ko. Ang daming tumatakbong nga tanong sa isip ko.




Sino o ano ang gumawa non? Bakit may napanaginipan akong ganon? Bakit niya ginagawa 'to? Anong connection ng nangyari na 'yon sa nga nakikita ko sa panaginip ko?



Argh! Ang dami kong tanong! Pero wala akong mahanap na sagot! Huminga ako ng malalim at saka huminto sa paglalakad. Kahit anong mangyari, hahanapin ko ang mga sagot sa mga tanong ko.




Baka sakaling kapag nakuha ko na ang mga sagot na yon, mapunan na yung mga kulang sa memorya ko.




Naputol ako sa pagiisip ng may biglang naka-bangga sa akin at ang lakas non kaya napadapa ako sa sahig. Buti nalang at naisangga ko ang kamay ko kaya hindi ko nahalikan yung semento. Napa-lingon ako sa bumangga sa akin at nakita ko si Zhy at ang mga balahura niyang friends.




"Oops, sorry. Paharang-harang kasi. Sa susunod, wag kang haharang sa daan ko dahil hindi ako magdadalawang isip na itulak ka ulit ng mas malakas pa." sabi niya sabay lakad paalis kasama yung mga alipores nya.





Napa-yuko nalang ako. Malaki talaga galit sa'kin nung Zhy na yon. Ewan ko ba sakanya bakit malaki ang galit niya sa kin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Tatayo na sana ako kasi tumitingin na yung iba sa akin ng may makita akong kamay na naka-lahad sa harapan ko.





Unti-unting nag-angat ako ng tingin mula dun sa kamay papunta sa mukha nung taong nasa harapan ko. At nanlaki ang mata ko ng makita ko si Krane na nasa harapan ko at naka-ngiti sakin.




"Let me help you up." sabi niya kaya kinuha ko naman yung kamay niya at saka tumayo. Napa-titig ako sa mga mata niya at ngayon ko lang na-appreciate ang ganda nun.





"OMG! What is this?! Yuck, ang landi!"

"Baka makita sila ni Zhy!"

"Nililigawan ni Krane si Zhy, dba?"

"Oo! At paniguardo pag nalaman ni Zhy 'to, lagot si Ate gurl."





Agad akong napa-tingin dun sa mga babae na napadaan sa gilid namin ni Krane at naka-tingin sila sakin. Binulong pa nila, rinig ko naman. Tsk. Nakakainis.



Huminga ako ng malalim at saka kinuha yung kamay ko hawak pa pala ni Krane. Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti ng tipid. "Salamat." sabi ko habang nagpapagpag at nagsimula na akong mailang kasi kanina pa siya naka-titig sa akin habang naka-ngiti ng matamis.





"No problem. By the way, pagpasensyahan mo na si Zhy. Ganon lang talaga yun." sabi niya at tumango naman ako. Alam ko naman na bitchy si Zhy pero bakit ba siya may galit sa akin.





"Alam ko naman yun. Pero, Krane," sabi ko at saka tumingin sa kanya. "Alam mo ba kung bakit parang galit na galit si Zhy sa akin?" tanong ko. Baka kasi alam niya ang dahilan. Ako kasi hindi ko talaga malaman anong dahilan.





"Ahm," sabi niya at saka nilagay yung kamay niya sa batok niya at parang nahihiya siyang magsabi ng dahilan. "Nagseselos kasi siya sa'yo." sabi niya at nagulat naman ako.





"Sa akin? Bakit naman siya nagseselos sa akin?" tanong ko. Hindi naman kami ganon ka-close ni Krane. Hindi naman kami lagi magkasama. Hindi naman kami gaanong nag-uusap. So, bakit nagseselos si Zhy sa akin?




"Kasi, Reign—" sabi ni Krane pero pinutol ko ang sasabihin kiya ng may bigla akong nakita sa may likod niya.




"Ah, Krane. Mamaya nalang ha? Sige, bye." agad akong pumunta dun sa taong nakita ko sa may likod ni Krane. Tinawag pa ako ni Krane pero desidido na ako na makausap ang taong 'to.





Si Mr. Jacket.





Naalala ko kasi na kahapon, umakyat siya sa 4th floor nung uwian. Baka nagstay siya doon at baka may nakita siya sa nangyari sa guard. Hinabol ko siya hanggat sa makarating siya sa likod ng building ng JS high. Bat ba ang hilig niya dito pumunta?!





Sinusundan ko siya at nagdecide ako na magtago sa likod ng pader nung nakita ko na may isang lalaki na lumapit sa kanya. Mukhang maangas ito at nakabukas ang polo kaya kita ang sando sa loob. Naka-lagay ang kamay nito sa bulsa at kulay brown ang buhok nito.





Ano may bago na naman bang nagpapagawa ng project sa kanya at hindi na naman niya nagawa at bubugbugin na nsman siya?





Pero hindi tulad nung mga naunang umaway kay Mr. Jacket, mas maayos ang itsura ng isang 'to. Ramdam mo yung angas niya pero gwapo siya, yung dati kasi nga mukhang adik na ewan. Pero ito, hindi. Moreno at may magandang hugis ng mukha. Naka-harap siya sa gawi ko at naka-talikod naman si Mr. Jacket.





"Ano, kamusta?" sabi nung lalaki na kanina pa naka-smirk. Nayayabangan ako sa kanya. Pero gwapo siya.




"Anong ginagawa mo dito?" sabi naman ni Mr. Jacket. Nanlaki ang mata ko. Ito ang unang beses na narinig ko ang boses niya. Ang baritone ng boses niya at ang sarap pakinggan. Parang ang gwapo-gwapo niya base sa boses niya.




Nap-iling iling ako. Reign! Ano bang sinasabi mo?!



"Hey, chill. Masyado kang galit sa akin. Ayoko naman talaga na pumunta dito eh. Kaso kailangan. Kinakamusta ni Hari ang pinapagawa niya sa'yo." sabi nung lalaki.




Napakunot ang noo ko. Hari? Pinapagawa? Anong Hari? Sinong Hari? Sino ba talaga 'tong lalaking 'to?




"Ginagawa ko ang lahat ng kaya ko. At hindi ganon kadali hanapin ang kailangan natin." sabi ni Mr. Jacket. Mas lalong nadadagdagan ang mga tanong sa utak ko sa mga naririnig ko. Kailangan? Anong kailangan niya? Nila?




Huminga ng malalim yung lalaki at sumeryoso ang mukha niya. Nawala ang smirk sa labi niya at nagdilim ang mata niya.




"Alam mo, tumigil ka na. Ikaw lang naman ang naniniwala na nandito ang hinahanap natin eh. Ikaw lang ang naka-isip na tao ang hinahanap natin. Mauuwi ka lang sa wala. Walang kwenta lang 'tong ginagawa mo. Dahil imposible na tao ang sagot sa matagal na nating problema."




Ano ba ang mga sinasabi nila?! Anong tao? Bakit parang yung way ng sinasabi nila yung word na tao ay para silang hindi tao? Ano ba 'to?! Naguguluhan na ako!




"Bahala ka sa gusto mong sabihin at paniwalaan. Basta ako, naniniwala ako na nandito, sa school na 'to at sa mundong 'to, ang matagal na nating hinahanap." sabi ni Mr. Jacket at saka siya tumalikod kaya agad akong nag-tago sa likod ng pader.




Kumakabog ang dibdib ko dahil baka nakita niya ako kaya mabilisan na akong umalis sa lugar na 'yon at dumiretso sa bagong building habang madaming katanungan ang tumatakbo sa isip ko.




Sinundan ko siya para sana makakuha ng sagot pero, mas lalo lang dumami ang tanong sa utak ko. Sobra na akong naguguluhan at pag tumagal pa 'to at hindi ako nakakuha ng sagot, baka mabaliw na ako.




The Werewolf's CureWhere stories live. Discover now