Kabanata 16

1.3K 33 2
                                    

Kabanata 16: Getting To Know Each Other


Lumipas ang ilang subjects at lunch na nga namin. Inayos ko yung mga gamit at libro na nilabas ko kanina at binalik sa bag ko. Sasabay na ako ngayon kayla Mikky at sa iba pa. Na-miss ko din sika kasabay mag-lunch.



Palabas na kami ng room ng mapatigil ako ng makita ko yung nasa tapat ng room. Si Declor, naka-sandal sa may railngs at naka-lagay yung kamay niya sa jacket nya at suot niya yung hoodie niya. Naalala ko yung pagpunas niya sa luha ko kanina... at sa pag tawag nya saking pangit. Grrr.


"A-Anong ginagawa mo dito?" sabi ko. Nasa tabi ko sa kanan si Mikky at Anna tapos sa kabila si Josh at Risa tapos sa likod ko sila Hubert, Krane, at Jake. Napatigil din sila at napa-tingin kay Declor.


"Ay, oh pak! May pag-antay na sa tapat ng room! Umiiscore na si Mr. Jacket, tatlong prinsipe ni Reign. Pano ba yan?" sabi ni Mikky na kinagulat ko bigla. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at saka hinampas. Siraulo talaga 'to! Nakakahiya kay Declor eh!


"Ay trulala! Waley na, talo na kayong tatlo. Mahilg sa jacket ang bet ni Inang Reynang Reign!" sabi ni Josh sabay tawa at nagapir na naman sila ni Risa. Isa pa siya na sinaway ko. Parang ewan! Mang-asar na naman daw ba?!



"HAHAHAHA! Baka bukas nakasuot na din ng jacket yang tatlong yan!" segunda pa ni Risa. Namumula na yung pisngi ko sa hiya ng dahil sa pinagsasabi nila.



"Lamig na lamig na din sa tumataas na temperatura ng Pinas!" sabi ni Josh at tumawa na naman sila ng malakas. Walang imik yung tatli pero alam kong ikinahihiya na din nila si Josh at Risa ng dahil sa mga lumalabas sa bibig nila.


"Ahm," naka-rinig kami ng tikhim kaya tumigil sila sa kakatawa. Napa-tingin ako kay Declor na hindi na din maka-tingin ng diretso sa akin. Nakakahiya talaga! "Tara sa rooftop." tipid na sabi nya at saka siya naglakad palayo.


"OMG! May pag-date na sa rooftop!" sabi ni Mikky at saka natawa. Napa-iling iling nalang ako. "Wala pala kayo eh! Naunahan pa kayo ni Mr. Jacket!" sabi niya ulit.


"Mr. Jacket — 1, Krane/Hubert/Jake — 0!!!" sigaw ni Josh at saka tumawa. Sakalin ko 'tong baklang 'to eh! Dang ingay ng bunganga!


"Tumigil ka na nga, Josh! Sige na, pumunta na kayo sa canteen." sabi ko kay Josh na tumatawa pa din. "Goodluck sa date, Reign! Kwento ka latuuur!" sabi ni Risa habang nag-lalakad sila palayo. Napa-iling iling nalang ako.


Nagulat naman ako ng biglang tumigil sa harapan ko si Jake. "Talagang sasama ka dun ng ikaw lang? Kayong dalawa lang sa rooftop? Bakit, ganon mo na ba yun kakilala para sumama ka agad?" sabi niya sa isang seryosong tono at parang galit pa siya. Anong problema nito?


"Kaya ko naman yung sarili ko eh. Sige na." sabi ko at saka siya nilagpasan at pumunta sa rooftop. Nago-OA na naman si Jake. Wala namang dapat ipagalala eh. Oo, laging naka-jacket si Declor at mukha siyang isang magnanakaw base sa suot pero, hindi naman siguro niya ako gagawan ng masama, diba? Pinunasan niya nga yung luha ko kanina. Ibig sabihin mabait siya.



Nang makadating ako sa rooftop, nakita ko siya na naka-tayo at malayo ang tingin. Naka-tanggal na din yung hoodie niya kaya hinahangin yung medyo mahaba niyang buhok.


Agad akong lumapit sa kanya. Pumunta ako sa gilid niya. At ayan na naman, ang gwapo gwapi niya talaga. Ang ganda ng jawline, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha....


"Titig na titig ka naman masyado. Baka matunaw ako ha." sabi niya at saka tumingin sa akin. Nagulat naman ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Geeez! Nakakahiya! Lumunok-lunok naman ako para matago yung hiya na nararamdaman ko.



The Werewolf's CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon