Kabanata 11

1.4K 33 2
                                    

A/N: Can't believe na umabot ako sa Kabanata 11 haha kala ko hindi na ako makakaabot dito. Well anyways, enjoy reading!


Kabanata 11: Puzzled


"Declor.....Declor ang pangalan mo?"


Gulat padin akong nakatingin sa kanya habang siya naman, walang emosyong naka-tingin diretso sa mata ko. Ano bang meron sa mga matang yan na sa tuwing titingin ako para akong nawawalan ng lakas?



"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?!" sabi ni Athena na nasa likod ni Declor. Hindi ako sanay na tawagin siyang Declor, pero dapat ko na sanayin ang sarili ko.



Tumingin ako kay Athena na masama ang tingin sa akin. "Bakit? May rule na ba ang school na bawal pumunta sa rooftop?" sabi ko naman. Halatang lalong nainis si Athena. Magsasalita pa dapat siya ng sumabat si Declor.



"Kanina ka pa ba dyan?" Ito ang unang beses na narinig ko ang boses niya ng harapan. Ng kausap ako. Unang beses na naramdaman ko kung paano kausapin ng isang misteryosong tulad niya. At inaamin ko, ang cold niya magsalita.



Hindi naman ako agad nakasagot. Kinakabahan ako. Nanginginig ako at hindi ko malaman kung bakit. Pinilit kong may lumabas na salita sa bibig ko pero nauwi yun sa isang iling.



"Pwede bang umalis ka na? Nakakaistorbo ka eh." Napa-tingin naman ako kay Athena na sumabat na naman. Ano bang problema nito? Sabat ng sabat. Ngayon ko palang siya nakausap pero mainit na agad dugo niya sakin.



"Hindi ako aalis nang hindi ko nakakausap si....D-Declor." sabi ko at saka tumingin kay Declor. Kanina ko pa napapansin na hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.


Chance ko na 'to. Chance ko na 'to na malaman ang mga sagot. Chance ko na 'to na makausap siya at tanungin ang mga gusto kong itanong. Hindi ko hahayaan na masayang pa.



Magsa-salita pa sana ulit si Athena kaso lumingon si Declor sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Declor o kung anong sinasabi niya kasi wala naman akong naririnig na kahit ano.



Para silang naguusap gamit ang isip nila pero imposible namang mangyari yun.



After ng ilang segundo, bigla nalang nag-martsa si Athena paalis at naiwan kami ni Declor dito sa rooftop. Wala na akong pake kung ma-late ako sa susunod na class ko. Hindi ko talaga pwedeng sayangin ang pagkakataon na 'to.



Humarap siya sa akin at lumapit. Biglang kumabog ang dibdib ko. Bigla akong pinagpapawisan at lalong kinabahan habang naglalakad siya palapit sa akin.



Huminto siya ng ilang hakbang nalang ang layo namin sa isa't isa. Naka-titig siya sa mata ko na parang bang sinusuri ang nasa isipan ko.



Nanatili kaming tahimik. Walang nagsasalita hanggat sa narinig ko siya. "Anong kailangan mo?" sabi niya. Huminga naman ako ng malalim. This is your chance, Reign. Wag mong papalampasin 'to.




"Gusto lang sana kita tanungin. Diba, nung araw na namatay ung guard, nakita kita na umakyat sa 4th floor nung uwian. Kaya naisip ko na baka—" naputol ang sasabihin ko ng mag-salita siya.



"Na baka ako ang pumatay?" napa-titig ako sa kanya. Wala pading emosyon ang mababakas sa mata niya. Grabe naman mag-isip 'to. Hindi man lang kasi ako patapusin.




"H-Hindi. Ano, ahm, naisip ko lang baka may nakita ka dun sa nangyari sa guard. Baka lang may alam ka." sabi ko naman. Tumitig siya sakin ng 3 seconds. Alam ko dahil binilang ko talaga.



The Werewolf's Cureحيث تعيش القصص. اكتشف الآن