Kabanata 24

1.1K 35 5
                                    

Kabanata 24: Truth

Note: So ayern! HAHAHA tagal ng walang update here? Sarreh! Busy sa school hahaha kakastress >_< nagisismula na ang reality pero gusto ko muna tumakas kahit saglit sa stress at wattpad ang stress reliever ko XD soooo~ enjoooy~



Unti-unti akong bumitaw kay Declor at saka nakayukong pinunasan yung luha ko. Tumalikod ako ng hindi nagsasalita at saka dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto namin.

"Reign! Reign, teka lang naman!" rinig kong sabi ni Declor mula sa likod ko pero hindi ko siya pinansin. Gusto ko muna mapagisa ngayon. Gulong-gulo na ako. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

"Reign!" tinatawag niya pa din ako hanggat sa makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto na pinagsestayhan ko. Hawak ko na ang doorknob ng bigla akong nakaramdam ng hawak sa braso ko.

Humarap ako at nakita ko si Declor. "Bakit di mo ako pinansin? May nagawa ba ako?" sabi niya pero umiwas lang ako ng tingin.

"Wala. Gusto ko lang mapagisa." sabi ko habang nakayuko. Naramdaman ko namang unti-unting lumuwag yung hawak niya sa braso ko hanggat sa bumitaw na siya.

"Naiintindihan ko. Basta, nandito lang ako sa labas kung kailangan mo ako." sabi niya kaya naman dali-dali na akong pumasok sa kwarto at saka tuloy tuloy na tumulo ang luha ko.

Sobrang sakit at sobra na akong naguguluhan sa nangyayari. Pumunta ako sa kama ko at saka humiga at patuloy na umiyak. Narinig ko naman na bumukas yung pinto ng kwarto. Nakatalikod ako kaya hindi ko nakita kung sino yung pumasok.

"Reign... inannounce na ni Principal na aalis na tayo dito sa isla. Babalik na daw tayo sa school kaya magimpake na daw lahat. Ihahanda na namin ni Risa yung gamit mo ha?" rinig kong sabi ni Mikky mula sa likod ko pero hindi ako sumagot.

Hindi pa ako pwedeng umalis dito. Nandito yung salarin. Nandito yung pumatay sa mga kaibigan ko. Nandito yung sagot sa mga tanong ko. Hindi ako pwedeng umalis hanggat hindi ko nalalaman yung totoo.

"Ah, nga pala, Reign. Si Declor nasa labas. Hindi mo man lang ba kakausapin?" sabi naman ni Risa. Tumigil yung paghinga ko ng saglit.

Nandun pa din siya? Hindi talaga siya umalis? Siguro ito na yung tamang panahon. Kailangan ko na siyang makausap. Bago kami umalis dito, kailangan malaman ko na ang buong katotohanan. At alama kong kay Declor ko makukuha yun.

Tumayo ako at pinunasan yung luha ko. Napatingin saakin sila Mikky. Pero dire-diretso lang akong lumabas ng kwarto at pagbukas ko ay nandun nga siya. Nakasandal sa railings. Agad na nagkasalubong yung mata namin at napaayos siya ng tayo.

"Reign..." sabi niya nung ilang segundong walang nagsalita sa amin.

"Kailangan nating mag-usap." malumanay na sabi ko at saka naunang maglakad sa kanya papunta sa malayong parte ng beach kung saan malayo sa mga tao para walang makarinig ng paguusapan namin. Ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at saka huminga ng malalim. Nagiipon ako ng lakas ng loob para sa lahat ng malalaman ko. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" sabi ni Declor jaya naman dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

Ano nga ba? Paano ko ba 'to sisimulan?

"Declor... gusto ko, sa lahat ng itatanong ko, katotohanan lang ang isasagot mo. Sasagutin mo lahat ng itatanong ko. Pwede ba yun?" sabi ko. Hindi naman siya nakasagot ng ilang segundo at nanatili lang siyang nakatingin sa mata ko.

"Ano bang gusto mong tanungin?" sabi niya. At yun na ang cue ko na ito na nga ang panahon na malalaman ko na ang mga sagot sa mga tanong ko na alam kong konektado kay Declor.

The Werewolf's CureWhere stories live. Discover now