Araw

899 3 0
                                    

Gaya nga ng nais ng mga magsasaka, agad silang pinagbigyan ni Araw. Nagpasikat ito sa buong bayan hanggang sa mabalutan ito ng kaniyang init. Ang mga tubig na dulot ni Ulan ay unti-unting natuyo sa paglipas ng mga araw.

Sa labis na kagalakan, isang ginang ang hindi napigilan na magsalita.

"Maraming salamat Araw! Ikaw talaga ang aming kailangan. Lalo't ilang araw na kaming hindi makapagpatuyo ng aming mga sinampay!"

"Oo tama, ayoko talaga nang naulan. Ang putik at napakadulas ng mga daanan!", sabat naman ng isang matandang babae.

Hindi naman maikaila ni Araw na natuwa siya sa kaniyang narinig. Hindi niya inaasahan na magugustuhan ng mga taong ito ang kaniyang ginagawa. Kadalasan kasi ay puro nalang reklamo ang kaniyang naririnig nang dahil sa init niyang dala.

"Walang anuman po. Masaya po ako na nakakatulong sa inyo", tugon ni Araw sa mga papuri sa kaniya.

Dala na rin ng labis na kasiyahan ay nanatili si Araw sa bayan. Ang nararamdaman naman niyang kasiyahan ay nakadagdag sa init niyang taglay. Noong una ay masayang masaya ang mga tao sa kanilang nararamdaman na init mula kay Araw. Sa katunayan, walang bukang bibig ang mga tao kundi ang kaniyang kasikatan.

Ngunit, hindi rin ito nagtagal.

Sa labis na init, halos wala nang tanim ang nabubuhay. Paunti rin ng paunti ang mga tubig sa bayan. At ang ilan naman ay halos magkasakit na dahil sa mataas na temperatura.

Author's Note:

Ang Kuwentong ito ay available na bilang akla. Maraming salamat po sa inyong suporta. Maaari ka pong makakuha ng kopya sa link na ito:

Get it on Lazada now! https://s.lazada.com.ph/s.Yrzlq

Get it on Shopee now! https://shopee.ph/product/39110917/6660669055?smtt=0.39112303-1604640686.9

Ang Kuwento nina Ulan, Araw, at Bahaghari (PUBLSIHED under TBC Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon