Ulawri

599 7 2
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at tuluyang naglaho sa kalangitan si Bahaghari. Walang makapagsabi kung saan siya nagtungo. Ang tanging alam nila ay bigla nalang niya nilisan ang bayan. Ang pagkakataon naman na iyon ang naging dahilan ng mga tao upang tuluyang pabalikin si Ulan at Araw.

Likas na mabuti ang kalooban ni Ulan at Araw. Kaya naman nang malaman nila na muli silang kailangan ng bayan, hindi sila nagdalawang isip at agad na tinungo ito. Sa pangalawang pagkakataon, muling nagkasabay si Ulan at Araw gaya ng dati.

Sa kanilang pagdating sa bayan, ilang malalakas na kulog at kidlat ang bumalot sa buong bayan. Nagpapaulan si Ulan nang mga sandaling iyon habang matindi naman ang sikat ni Araw. Sa pangalawang pagkakataon ay napuna na ng dalawa kung bakit nangyayari ang kulog at kidlat.

"Ulan, napansin mo ba na may kulog at kidlat tuwing nagkakasabay tayo?", tanong ni Araw kay Ulan.

"Oo nga Araw, mabuti pa'y ititigil ko muna ang aking pagpapaulan", sagot ni Ulan at agad naman na itinigil ang pagbuhos ng tubig mula sa kaniyang mga ulap.

Ilang sandali pa ang nakalipas at meron silang natanaw na liwanag sa kalangitan. Ang liwanag ay unti unting nagkaroon ng pitong kulay. Lahat ay namangha sa unti unting paglabas nito sa kalangitan.

"Si Bahaghari!", sigaw ng taumbayan.

Matapos ang sigaw na iyon ay agad nagkatinginan si Ulan at Araw. Naramdaman nila na tila mauulit lamang ang nangyari noon. Mukhang muling pipiliin ng mga tao si Bahaghari kaysa sa kanila. Hindi kumibo si Ulan at Araw at tila nagkaroon sila ng pag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Sabay kasi silang kumilos at akmang lalayo sa bayan. Ngunit, isang tinig ang nagpahinto sa kanila.

"Huwag kayong umalis, pakiusap"

Agad na napahinto si Ulan at Araw sa pakiusap na iyon. Kilala nila kung kanino ang boses na iyon kaya't agad nila itong nilingon.

"Patawad sa pagiging arogante ko noon", panimula ni Bahaghari.

"Ang totoo niyan, sa una pa lamang ay alam ko na kung bakit ako narito. Ito ay dahil sa inyo Ulan at Araw", pagpapatuloy pa niya.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Ulan.

Author's Note:

Ang Kuwentong ito ay available na bilang akla. Maraming salamat po sa inyong suporta. Maaari ka pong makakuha ng kopya sa link na ito:

Get it on Lazada now! https://s.lazada.com.ph/s.Yrzlq

Get it on Shopee now! https://shopee.ph/product/39110917/6660669055?smtt=0.39112303-1604640686.9

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang Kuwento nina Ulan, Araw, at Bahaghari (PUBLSIHED under TBC Publishing) 🎉
Ang Kuwento nina Ulan, Araw, at Bahaghari (PUBLSIHED under TBC Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon