Bahaghari

748 6 0
                                    

Isang napakagandang nilalang sa kalangitan ang bumungad sa buong bayan. Mayroon itong pito at iba't ibang kulay. Ngayon lang ito nakita nang buong bayan, maging ni Ulan at Araw.

Sa labis na pagtataka, hindi napigil ni Araw ang magtanong.

"Paumanhin kaibigan. Ngunit, ngayon ka lang namin nakita rito sa kalangitan. Maaari bang malaman ang iyong ngalan?"

"Ehem, ako si Bahaghari.", sagot ng bagong nilalang.

"Bahaghari? Bakit ngayon ka lang namin nakita?", sabat naman ni Ulan.

"Yan ay dahil lahat ng magagandang bagay ay dapat sa huli nagpapakilala", aroganteng tugon nito.

Hindi nagustuhan ni Araw at Ulan ang pananalita ng bagong nilalang. Ngunit, wala silang magagawa kundi tanggapin ito bilang isa sa kanila kahit pa hindi nila mabatid kung saan ito nagmula.

Nagsimulang mapansin ng mga tao si Bahaghari. Agad silang namangha sa gandang taglay nito. At gaya ng dati, nagkaroon sila ng bagong paborito. Kasabay nito, ay hiniling ng taumbayan na kung maaari ay si Bahaghari nalang ang maiwan sa kanilang bayan.

"Paumanhin Araw at Ulan, ngunit nais naming hilingin na si Bahaghari na lamang ang maiwan sa aming bayan.", pakiusap ng pinuno.

"Hindi niyo na ba kailangan ang aking init?", sagot ni Araw.

"Paano naman ang aking tubig?", sabat ni Ulan.

"Sapat na sa amin ang katamtamang init. At marahil sasapat naman ang tubig mula sa ilog at lawa", tugon ng isang magsasaka na agad naman sinang-ayunan ng karamihan.

"Alam niyo Araw at Ulan, nagsalita na ang taumbayan. Ako ang gusto nila manatili rito kaya't makakaalis na kayo", pagmamalaki naman ni Bahaghari.

Hindi nagustuhan ni Araw at Ulan ang pinakitang ugali ni Bahaghari. Ngunit, imbes na patulan pa, ay agad na lumisan si Araw at Ulan sa bayan. Doon ay nagsimulang magsaya ang mga tao. Pinagmamalaki nila na isang makulay na Bahaghari ang laging nasa kanilang bayan.

Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang tagpong iyon. Gaya ng dati, naging masaya ang mga tao sa pananatili ni Bahaghari. Ngunit, unti-unti rin itong nagbago. Kasabay nang unti-unting paglalaho ng makikinang at kaakit akit na kulay ni Bahaghari.

Author's Note:

Ang Kuwentong ito ay available na bilang akla. Maraming salamat po sa inyong suporta. Maaari ka pong makakuha ng kopya sa link na ito:

Get it on Lazada now! https://s.lazada.com.ph/s.Yrzlq

Get it on Shopee now! https://shopee.ph/product/39110917/6660669055?smtt=0.39112303-1604640686.9

Ang Kuwento nina Ulan, Araw, at Bahaghari (PUBLSIHED under TBC Publishing)Where stories live. Discover now