Chapter 10

123 16 2
                                    

Nang mahimasmasan si Shinnel biglang nag-sink in sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Ariana. Hindi na rin nila naabutan ang morning class nila dahil nga sa late na itong nakatulog kagabi. Ariana decided to go to school in the afternoon at nagpumilit din si Shinnel na pumasok kaya naman hinayaan na lamang siya ng kanyang Mommy.

Sabay pumasok si Shinnel at Ariana sa kanilang afternoon class. Inamin din ni Shinnel sa kanya Mommy na alam na ni Ariana ang nangyari sa kanya kaya naman mas naging panatag na ngayon ang kanyang ina. Atleast someone will take care of her while she's not around.

Sinalubong naman ng yakap si Shinnel ng dalawa pa nilang kaibigan na nag-aabang sa labas ng kanilang classroom. Natawa naman si Shinnel sa mga inakto ng dalawa.

"Ano ba hindi ako makahinga," Shinnel whine but the two tightened their grip to her.

"Hey! Hey! Hey! Stop it!" agad namang saway ni Ariana sa dalawa.

Napansin ni Shinnel na mula ng sabihin niya kay Ariana ang kondisyon niya ay mas naging protective ito. Masaya siya na nand'yan para sa kanya si Ariana at medyo gumaan ang loob niya.

"Okay ka na ba?" pag-aalalang tanong ni Ivy sa kanya. Shinnel glanced at Ariana and she just smiled to her.

"Yeah, I'm fine."

"Shinnel basta sa susunod magsabi ka na kung hindi ka okay. Huwag mo kaming biglain kagaya ng nangyari kagabi para kaming aatakihin sa puso, e," Alliyah worriedly said.

"Yes, I'm sorry," mahinahon niyang sambit at niyakap siya muli ng mga kaibigan.

Hinayaan niyang yumakap sa kanya ang mga ito kahit gaano man ito kahigpit. Tiningnan naman niya si Ariana para yayaing sumama sa yakapan kahit masyado na silang nag-aagaw ng pansin.

"Hindi ba kayo nahihiya?" bulong na tanong ni Ariana.

"Hindi," simpleng sagot ni Ivy at Alliyah, Shinnel grin because of their cuteness.

Bumitaw naman sila sa pagkakayap sa isa't isa. Ang cliché man nilang tingnan pero kung soft hours nila walang makakapigil sa kadramahan nila.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Alliyah kay Shinnel.

"Meron," seryosong sagot niya kaya naman kinabahan si Ariana sa sasabihin niya.

"Ano 'yon?"tanong ni Ivy na kinakabahan na rin.

"Pumasok na tayo sa klase natin at medyo nakakahiya na tayo," saad ni Shinnel sabay hila sa tatlo.

Sa totoo lang takot ang nararamdaman nang pagmasdan niya ang mga kaibigan kanina. She's thinking to give it a try to confess pero umurong bigla ang kanyang dila.

Nagsimula naman na ang kanilang unang klase sa subject na Accounting. Shinnel is spacing out while their teacher is still discussing. Hindi niya alam na kanina pa siya nito tinatawag.

"Hoy Shinnel!" Nagulat naman siya ng kalabitin siya nang nasa likod niya na si Ral. Lumingon siya rito nang hindi sumusulyap sa harap.

"Bakit?" takang tanong niya, ngumungusong itinuro ni Ral ang nasa harap. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya na para bang naghihintay sila sa kanya.

"Yes Ma'am?"

"Do you have a problem, Ms. Castro?" tanong ng kanilang guro na si Mrs. Bance kay Shinnel na kinakabahan at umiling lamang siya bilang sagot. "Then, I think nakikinig ka naman. Please write the Income Statement of this transaction." Napalunok naman si Shinnel sa narinig niya mula sa kanilang guro.

Gano'n pa man ay sinunod niya ang utos ng kanilang guro at pumunta siya sa unahan. Nagsimula siyang magsulat at tahimik naman ang lahat na nag-aabang. Ibinaba niya ang mark pen na kanyang hawak at muling tiningnan ang kanyang naging sagot bago bumalik sa kanyang kinauupuan.

Last WishesWhere stories live. Discover now