Kabanata 1

274 41 8
                                    

kabanata 1

Hindi ako lumabas ng kwarto sa loob ng dalawang araw. Hindi rin ako nakapunta sa party na sinasabi nila kuya Gedeon. I was happy and mad at the same time. Ayaw ko lumabas dahil ayaw kong makita ang mga kapatid. I know they'll scold me for doing something so reckless and dumb.

Wala rin silang ibang sinabi at hinayaan akong magmukmok. Hinahatid ng mga katulong ang mga pagkain ko rito sa kwarto. Tumawag rin si Mama para sabihin na hindi nya nagustuhan ang ginawa ko. She even told me na babalik sya rito ngayong linggo para kausap ako ng masinsinan.

"Catarina..." tatlong katok ang narinig ko. Si kuya Malcolm ang nasa labas ng kwarto ko ngayon, sya rin ang naunang bumisita saakin matapos ang away namin ni kuya Emmanuel.

"Papasok ako. May dala rin akong pagkain,"

Hindi pa rin ako umimik at mas lalong tinago ang sarili sa makapal na comforter. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"I brought your favorite fruit..." mahinang saad ni kuya, "Ako mismo ang pumitas nyan,"

Naramdaman ko ang paglalakad ni kuya patungo sa malaking bintana na natatabunan ng malaking kurtina. Binuksan nya ito at nagsimula nang magsalita.

"Galit ka pa ba? We gave you enough time to contemplate."

Hindi ko na nakayanan ang inis dahil sa sinabi nya. Marahas kong binaba ang comforter para harapin sya. Nasilaw ako dahil sa malakas na sinag na araw na nangagaling sa labas.

I found kuya Malcolm leaning on my room's window. Madilim ang mukha nya at ang likod nya lang ang natatamaan ng araw. Nasa dibdib ang dalawa nyang balikat at nakatupi pa ang sleeves ng suot nyang puting damit.

Pinanliitan ko ang mga mata dahil sa silaw. I kept my room dark for days. At ngayon ang unang araw na may sikat ng araw na nakapasok sa loob.

"Mali man ang ginawa ko, alam ko pa rin na tama lang ang ginawa ko. That dog deserves to feel the pain too!" I bit my lower lip, getting angry again.

Umiling lang si kuya at umayos ng tayo. Tinukod nya ang dalawang kamay sa bintana at naupo sa lugar na pwede nyang upuan.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Cat? Galit lang ang pinapairal mo. Kagaya ni Macky, may buhay rin ang asong iyon. What you did disappoints us,"

Tuluyan akong natahimik. Matigas man ang ulo ko ay ayaw ko pa rin na bigyan ng dahilan ang mga kapatid para manhinayang saakin. Hindi na ako sumagot pa kaya nagpatuloy si kuya sa pagsasalita.

"You need to say your apologies. Galit ka noong nagkasagutan kayo ni Emmanuel at ganoon rin sya. Pero ikaw ang mali, Cat. So you're the one who'll lower their pride and ask for forgiveness,"

"Huh?" gulat na tanong ko, "Why do I need to say my apologies kung ganoong wala naman akong ginawang mali kay kuya? I stand my ground, ganoon rin sya! Dapat nga sya ang maunang manghingi ng tawad. He is older, he knows better!"

"You're being difficult again." tuluyan syang tumayo at saka naglakad papunta sa kulay itim na sofa na nasa paanan ng malaking kama.

"I'm not, Kuya. Sinasabi ko lang naman ang totoo!"

"Lower your voice, huwag kang sumigaw." he sighed and settled himself on the sofa.

"Hindi ako sumisigaw," mababang boses na pagtatanggol ko sa sarili.

"Good." tango nya sabay pang de quatro sa mahabang paa, "Don't tell me that it's not worth it, Catarina. Ikaw ang manghihingi ng tawad at pinal na iyon,"

Red String (dela Fuergo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon