kabanata 3

153 22 1
                                    

Kabanata 3

"Kuya!"

Ang boses ni Seneca ang umalingawngaw sa malaki nilang kabahayan. Sinundan ko kaagad ang lalaki nang makapasok sya sa loob. I found him with Seneca and Yuno. Pero imbes na hayaan ang mga ito ay lumapit ako sakanila para magpaalam na aalis kaagad kapag titila na ang ulan.

I don't like the way he talked to me. He's too unwelcoming. Nagpapa-init rin sa dugo ko ang ideya na sya ang may-ari sa aso na nanakit kay Macky.

I thought I can handle this situation. Pero mali pala ako. Ayaw kong makita o makasalamuha sya sa iisang bubong. Masyado kong pinangunahan ang sarili.

"Why is that woman here? Anong ginagawa nya rito?" dinig ko ang iritado nyang pagtatanong sa katabi na lalaki.

Siniko lang sya ni Yuno at hindi muna sinagot. Pero imbes na sakanya ituon ang pansin, si Seneca at Yuno lang ang tanging binalingan ko ng tingin. I don't want to see his face.

"I'll go home once the rain stops. Hinahanap na ako saamin." pagsisinungaling ko.

Gumuhit sa mukha ng babae ang pagka dismaya. Nilingon nya rin si Yuno para sana manghingi ng tulong. But I already made up my mind. I'll go home as soon as possible. Mas lalo lang masisira ang gabi ko kung magtatagal pa ako rito.

"It's already dark outside. Mas delikado kung uuwi ka pa sainyo." reklamo pa ni Yuno. Sya naman ang tinignan ko. I never glanced at Samuel's direction.

"It's fine. I can handle myself. Kabisado ko na rin ang buong lugar." saad ko sabay hablot sa kamay ni Seneca para ibalik ang cellphone, "Here. Thank you for letting me use it to contact my brothers."

Mas lalong nalungkot ang mukha nya dahil sa pinal ko na desisyon. Either way, I don't want to stay longer.

"How about dinner? At least eat something bago ka umalis. Kahit 'yun lang, please, Catarina?"

I stared at her pitiful eyes. Ganoon rin ang ginawa ko kay Yuno. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Samuel.

"Let her do whatever she desire, if she wanted to go home that badly then let her. Stop begging for someone uninterested." mariing saad nya sa kada salita.

Mas lalong nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa pag su-suplado nya. Hindi ko napigilan ang sarili na pukulin sya ng masamang tingin. I stared at his unwelcoming eyes.

After wasting my time staring at his stupid eyes, I realized that I'll get nothing from him.

Dahil sa sinabi nya ay peke rin akong ngumiti para ipakita na napupugto na ang pasensya ko sakanya. Binalik ko kay Seneca ang tingin dahil sa inis.

"He's right. He got all the point. I'll go home now. Ibabalik ko sayo ang damit sa mga susunod na araw, Seneca."

"No, no, no! Don't listen to him. He doesn't understand the situation kasi kaya sya ganyan. Just stay here or eat dinner with us." pagsubok nya pa ulit saakin.

Pero buo na ang desisyon ko. Tinuon ko ang paningin sa labas at napansin na tumila na ang ulan. Seneca touched my hand to tell me not to go. Pero inilingan ko lang ang pagmamakaawa nya saakin.

"Thanks but no thanks."

Hinanap ng mga mata ko ang kasambahay na nag-asikaso sa kabayo ko kanina. Tamang-tama naman ang pagsulpot nito habang may dalang tuwalya. Lumapit sya kay Samuel at inabot ang dala nito sa lalaki.

"You're the one who got my ride, right? Pwede pong pakidala sa harapan ang kabayo ko?"

Nabigla pa ito dahil sa sinabi ko. The man just stared at me. Binalingan nya rin si Samuel na para bang nanghihingi ito ng permiso kung susundin ba ako o hindi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red String (dela Fuergo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon