Kabanata 2

254 43 4
                                    

kabanata 2

"Sa tingin mo, kuya, patatawarin ako ni Mama kapag hihingi ako ng tawad sa mga dela Fuergo?"

Nagtaas ng kilay si Kuya Malcolm. He's playing billiards with Kuya Emmanuel. Si Yuri naman ay kasama ni kuya Gedeon sa bayan para mamili ng gamit para sa mga kabayo.

"You know our mother, Catarina. You'll never get out of this." tumira pa si Kuya Emmanuel nang sabihin iyon. Tinukod nya ang tako sa semento at bahagyang inihilig ang katawan roon.

"Hindi ka rin naman patatawarin ng mga dela Fuergos." si kuya Malcolm naman ang binalingan ko. Nasa kabila sya ng malaking billiard table at kaharap si kuya Emmanuel.

"'Yung aso na sinubukan mong saktan, kay Samuel iyon."

Nagkunot ako ng noo dahil sa pamilyar na pangalan na binanggit ni Kuya Emmanuel. Busy silang dalawa sa pagsunod sa puting bola mahinang gumugulong papunta sa bolang may numero uno.

"That guy? Nakausap ko na sya noong nakaraan!"

They both let out a groan in unison.

"Don't shout." iritadong boses ni Kuya Emmanuel. Bahagya kong tinikom ang bibig at saka isang beses na ini-rolyo ang dila sa loob ng bibig.

"I'll try my luck and talk to him again. Baka mapatawad nya ako." pagkumbinsi ko sa kanila ulit.

Humalakhak naman si Kuya Malcolm sabay simsim sa nakahandang inumin na nasa gilid ng maliit na lamesa.

"You should ask yourself first, Catarina. Mapapatawad mo ba ang aso nya sa ginawa nito sa pusa mo?"

Natahimik ako ng iilang segundo dahil sa tanong na hindi ko inaasahan. I hated that dog. Pero kung ito ang nag-iisang bagay na pwede kong gawin para maiatras ni Mama ang pagpapakasal ay gagawin ko. I'll swallow my pride and ask for forgiveness.

"Then ask yourself again, mapapatawad ka ba ni Samuel sa muntikan mong pagpatay sa aso nya?"

I leaned my back on my seat. Iyon naman ang iniisip. Base sa nakita ko noong nakaraan, mahalaga sakanya ang asong iyon. On the other hand, I feel the same for my cat. Parehong mahalaga ang mga alaga namin para sa isa't-isa.

Tumikhim ako ng beses para mabuo ang boses. Nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa dahil sa ginawa ko.

"Wala syang magagawa kundi ang tanggapin ang paghingi ko ng tawad. I know he's not that difficult to talk to."

"How are you sure? You don't know that man, Cat. Pati kami ay hindi rin halos kilala ang lalaking 'yan," kinagat ko ang pang-ibabang labi para malalim na pag-isipan ang sinabi ni kuya Emmanuel.

"See? You doesn't know what to do. Just accept your fate. You're bound to marry that half Japanese fiance of yours."

Ang pagdigusto sa sinabi ni kuya Malcolm ang tumatak sa mukha ko. I don't want to marry anyone yet. Bata pa ako at maraming pwedeng abutin. Bago lang ako tumungtong ng bente at ngayon agaran nila akong itatali? No way.

"I'll rather ask for Samuel dela Fuergo's forgiveness than marry that guy, Kuya."

Dumako ang paningin nila saakin. Ngumisi lang si Kuya Malcolm saakin, iyong nakakaloko. Si Kuya Emmanuel naman ay bahagyang natatawa. I know what they're implying.

"Why not? Yuri is a good man, a catch. Sobrang swerte mo para mai-kasal sa tulad nya."

"Ew. I'm too young to marry. At kung gusto mo kuya Malcolm, magpalit tayo ng posisyon. You marry that half Japanese conqueror."

Red String (dela Fuergo Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang