• tagpuan •

150 7 64
                                    

blasnique

"...at nagbago ang mundo nung ako'y pinaglaban mo"
- m.dt ("tagpuan")

tags:
• past, friendship, fluff, getting together, happy ending

dedication:
• para kay truphy kase sya daw unang susubaybay nito eheh labyu po tenkyu for the support ❤

notes:
• ito yung dapat na naunang i-publish kaso natagalan akong isulat.
• hindi ko na inedit putcha HAHHAHA
• warning lang: long read

| u n i q u e |

noong una, si blaster ang aking pinakamatalik na kaibigan. best friend, kumbaga.

nang kami'y mas tumanda at ako'y mas namulat sa aking mga emosyon, napagtanto ko ang maraming bagay - katulad na lamang ng pagmamahal ko sa kanya.

sa takot ko, hindi ko masabi, hanggang sa siya na ang nagsabi sa akin na ako'y minamahal niya.

malinaw ang kaba sa kanyang pagkilos nang kinausap niya ako noon. nanginginig ang kanyang mga kamay bago ko hinawakan ang mga ito.

tinagpo ko ang kanyang mga mata na nahihiyang tumingin sa akin. hinila ko siya sa isang yakap at ipinagtapat din ang aking nararamdaman.

naging kami, ngunit...

naglaho siya ng walang paalam.

ilang buwan mula noon, nabalitaan kong nasa states na pala siya.

nalaman ko na nalaman ng kanyang mga magulang ang tungkol sa amin, kaya siya'y inilayo sa akin.

bakit? bakit hindi niya kami ipinaglaban? wala naman kaming ginagawang mali, 'di ba? 'di ba?

at naging puti't itim na lang ang paligid.

dalawang taon, at may girlfriend siyang filipina na kanyang nakilala matapos ang ilang buwan na pananatili sa bansa bago umalis ulit.

sa aking gulat, nasaktan pa rin ako. masyadong mabilis siyang nagmove-on. o sadyang mabagal lang talaga ang puso ko.

kasi ang puso na 'to, tumitibok pa rin para sa kanya, kahit ganon siya kalayo. kahit matagal na.

sa aking gulat, tatlong taon mula nang siya'y lumisan, ako'y kinausap niyang muli.

hindi ko agad napansin ang mga kulay na nagtatangkang bumalik sa aking paningin.

=====

<unsaved user>

hi nik! it's ter ((:
-1:03 AM

naaalala mo pa ba
ako?
-1:03 AM

sht tulog ka pa yata
HAHA sori timezones
nga pala.
-1:07 AM

sige mamaya na lang.
-1:08 AM

[ User won't know you've read this
until you save them on your friend list. Replying would immediately save them on your list and mark their messages seen.

Ignore this notice. Learn more... ]

=====

[ View user profile?

Okay. | No thanks. ]

=====

» Blaster M. Silonga «

 Silonga «

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
iv of spades oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon