• si kamatayan (inc*) •

33 0 0
                                    

*incomplete po ito pero bago ako magsign-off gusto ko muna ilabas 'yung mga drafts. baka ilipat ko din sa account ko sa ibang site ang mga gawa ko dito. hindi na po ako active sa ivos fandom.

badjnique


tags:
• gods au, featuring: blaster ~•• zild ~•• shanne, minor age alteration, #teamhoneymoon, requited crush


notes:
• what even

| b a d j a o |


naglalakad ako papunta sa mrt mula sa school ngayon. katatapos lang ng exams at hindi ako masusundo ng tatay ko.

wala rin akong kaklaseng mapakiusapan na isama ako pauwi kasi hindi sila pamilyar sa lugar namin.

sa katotohanan, natatakot ako kasi baka kung anong mangyari sa'kin dito. maraming masasamang loob na sasamantalahin ang kabaitan at konsensiya mo. gabi pa naman na.

'di kalaunan ay napansin kong may sumusunod sa akin.

dahil dito, binilisan ko ang aking paglalakad.

nang akala ko'y nawala na ang sumusunod sa akin, napakalma ko ang aking sarili at naglakad sa normal na bilis ko. nakakapagod kayang magmadali.

hindi ko agad napansin pero parang mas dumilim ang paligid. kutob ko ay may masamang mangyayari sa'kin.

pagkatindig ko mula sa pagkatingin ko sa daan, napansin kong wari'y tumigil ang oras.

walang tao sa paligid. walang kotse sa daan. ako lang, at ang isang lalaking nasa harapan ko ngayon na pinaghihinalaan kong sumusunod sa akin kanina.

nakasandal s'ya sa pader na wari'y may hinihintay. paano n'ya ako naunahan?

sa unang tingin, ang creepy talaga ng lalaking 'yon. nakadiretso lang ang kanyang tingin, pansin ko, at tila walang malay. pero nakatayo pa rin naman s'ya?

ibinaling ko ang aking tingin at lumayo sa lalaki at nag-ibang daan na lang.

nakakabingi ang katahimikan. anong nangyayari?

hindi ko alam kung ano ang nagkumbinse sa akin, ngunit naisipan kong bumalik sa daang 'yon.

nagulat ako sa aking nakita.

isang lalaki, tingin ko'y mas bata sa akin ng ilang taon, ay may hawak na bagay na nakasaksak sa dibdib ng kaninang stalker. agad akong napatakbo palapit dito at iniwas ang tingin sa patay na katawan.

wala namang dugo, pansin ko kanina, pero ayokong magkabangungot ngayong gabi.

"k-kuya, anong ginawa mo?!" naglakas-loob kong sabi ko sa lalaking pumatay.

"anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya sa'kin na para bang hindi ako dapat na naroon.

"sagutin mo ang tanong ko!" sabi ko naman, ngunit halata ang kaba sa boses ko.

kapit ka lang, badjao. pagkatapos nito, pupunta ka sa pulis, tapos uuwi sa bahay. maghahapunan, gagawa ng homework, tapos matutulog.

"walang pupunta sa pulis, badjao," sabi ng lalaki.

iv of spades oneshotsWhere stories live. Discover now