SCRATCH 9 : Stranded

16 0 0
                                    

Someone's point of view:                                    
We need to out of this world to find the next owner.                                                                       
Malapit ng matapos ang aming ginagawang spell para malaya kaming makapunta sa mundong ibabaw. 

Nalalapit na ang panahon ng paglabas ng kaniyang kapangyarihan kaya kailangan naming unahan sila bago pa mangyari ang nakatakda.   Mawawalan kami ng pagkakataon upang mapasakamay namin ang mundong ito.

Hindi na dapat ang may dugong gaya niya ang mamuno muli kaya hangad namin ang kamatayan niya sa lalong madaling panahon.

Taksil ang kanilang lahi hindi man kami nagtagumpay noon na maubos sila sigurado naman akong magtatagumpay kami ngayon.

“Huling sangkap.”narinig kung pahayag ng namumuno sa mga tauhan ko na gumagawa ng ritual.

Bahagya akong ngumiti ng makita kung malapit na talagang matapos ang matagal naming paghihirap sa aming mundo.

Biglang dumilim ng ilagay ang huling sangkap at bahagyang lumiwanag.

Lumaki lalo ang ngiti ko at nauwi sa pagtawa ng lumabas ang isang lagusan.

“Magaling magaling.”bahagya kung tinapik ang balikat ng aking tapat na kanang kamay. Tyaka naunang pumasok sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal.

Naramdaman kung sumunod kaagad siya at ang iba pa. Matagal ang oras na kailangan naming manatili sa portal na ito bago namin marating ang kabila.

Mabuti malakas kaming nilalang kaya hindi kami basta basta nahihilo sa loob nito. Mga pawang mababa lamang ang nakakaramdam ng ganon.

Hawak ko ang spell book na naglalaman ng itim na kapangyarihan sa kaliwang kamay ko at sa kabila naman ay ang aking magic wand.

Malakas na ito kumpara sa dating gamit ko at kailangan kung gamitin sa itinakda ang wand na ito para makuha ang kapangyarihan niya.

————————————————————————————————————

Third person point of view:

Sa kabilang banda naglalakbay na ang dalawang nilalang papunta sa tagong gubat upang lihim na puntahan ang portal patungo sa hunted palace.

Ngunit nakaramdam sila ng pagyanig kaya bahagya silang tumigil at pinakiramdaman ang paligid.

‘Master mukhang may mga ibang nilalang na magtutungo dito.pahayag ng isang itim na gabay na nilalang sa kaniyang pinaglilingkuran.

Ganon din ang aking hinala.sagot nito tyaka tumahimik ng may biglang lumitaw na malaking lagusan.

Kaagad silang nagtago gamit ang invisible spell at para malaya nilang makita kung anong mga nilalang ang mangagaling doon.

May alam na naman sila kaso hindi naman sigurado kung tama na ang kanilang hinala.

The Black GuardianHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin