Chapter 15

1K 37 8
                                    

Chapter 15 | Visit

Ngayon lang ako nagpasalamat dahil nagkasakit. Hindi ako madaling daluyan ng sakit ngunit kapag naman mayroon ay malala na minsan pakiramdam ko hindi na ako makababangon pa.

My mother already sent my excuse letter for the rest of the week stating that I couldn't attend the prom this Saturday due to high fever. I didn't bother knowing the school's response, heck, I literally had no energy at all to think.

I chose to rest for the previous days, I felt like I overworked myself too much both physically and mentally or maybe it was just due to stress.

Mom's been working at home because she didn't want to leave me alone in this condition. She helped me to immediately heal which I genuinely appreciated. She even slept inside my room just to keep an eye on me... but mom never asked why I cried that day.

Sabado ng umaga, tuluyan nang gumaan ang aking pakiramdam. Kahapon pa naman naging maayos ang kalagayan ko ngunit ayaw pa ni mama na gumalaw ako ng todo at baka raw mabinat.

"Mikasha, ang tigas talaga ng ulo mo!" my mother worryingly yelled.

Tumawa ako upang ipakitang magaling na ako, "I'm fine na nga, ma! Tumayo lang ako para masabayan kitang mag-almusal."

"Ang sabi ko, dadalhin ko na lang ang almusal mo sa kwarto—"

"E ayaw ko na roong kumain, ma. Saka okay na nga ako, malakas na ako ulit! Hindi na mabigat ang pakiramdam ko," pamimilit ko ngunit nanatili siyang masama ang tingin sa akin.

"Oh sige, hindi na lang ako masyadong gagalaw ngayong araw kahit okay na ako."

She was glaring sharply at me as I walked near our dining table. Para bang nagdududa pa rin siya kahit pa totoo naman ang sinabi ko. Alam ko namang malala akong magkasakit pero alam ko rin kung kailan maayos na ang aking pakiramdam.

"Okay na talaga ako, ma. May panlasa na nga ako ulit saka hindi na masakit ang ulo ko, nakaligo na nga akong mag-isa kahapon," kalmado kong sabi habang nagsasandok ng aking kanin.

Saka lang si mama gumalaw at nagsandok na rin ng kanya. Nakangiti akong umupo sa aking silya na kanya ring sinundan. Ilang segundo pa akong naghintay ng maaaring sabihin ni mama ngunit sa huli'y wala na siyang nasabi.

Tahimik kaming kumain sa mga naunang minuto at tanging pagtunog lamang ng kutsara sa plato ang maingay. Hirap na hirap akong palabasin ang catsup mula sa bote nang biglang kumibo si mama.

"Mikasha," seryoso ang kanyang tono nang ako'y tawagin.

"Luh, serious 'yan?" pabiro kong sagot.

"When I passed your excuse letter sa school mo, I tried to ask them about your performance. You know I ask you often, too, right?"

Tipid akong tumango at muli siyang nagpatuloy, "Pero malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo sa akin. You always say that school's fine, your subjects are okay... as your mother, I want to know more pero hindi ko rin ugaling pilitin ka upang magkwento sa akin."

Pansamantala akong natigil sa paggalaw at tinitigan na lamang ng aking mga mata ang lamesa.

Hinayaan ko si mama na muling magsalita, "Ang sinabi sa akin ng paaralan, maganda naman ang performances mo pero nitong mga nakaraang araw ikaw daw ang usapin sa campus."

Bigla akong napahiling na sana bumalik agad ang sakit ko, as in now na. Bukod sa nakakahiyang pag-usapan ay mahirap magtago kay mama. Siyempre, nanay ko 'yan. Hindi na ako magugulat pa kung may lie detector pa siyang hinanda para mahuli ako.

Her whole face was painted with confusion as she said, "Nagulat ako dahil parang artista naman ang anak ko. Inisip ko noong una na baka marami ka lang talagang naging new friends kaya ka pinag-uusapan o dahil nga magaganda ang performances."

Love Out of LieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora