Chapter 17

1K 33 2
                                    

Chapter 17 | Stop

Ang pangit talaga ka-bonding ni Reon.

Agad kong ibinahagi sa kanya ang plano ko para sa susunod na school year. I told her that I planned to go back to my old high school to continue senior high. It was fine with her and she even pushed me to do it.

Ayaw ko namang iwan si Reon ng parang walang pinagsamahan. Sinabi ko sa kanyang pwede niya pa rin akong kausapin, tawagan or kahit i-invite sa mga gala. After all, my friendship with Reon wasn't the temporary type. Hindi man niya aminin ay ramdam ko namang tulad ko ay napamahal na rin ako sa kanya.

I've been contacting Ji since March and I told her plenty of my experiences even if she didn't ask. I realized that we hadn't chatted for almost the entire year. Hindi naman ako sensitive because I knew I lacked on my part as well. There was no point of regretting what was already done, I just wanted to make it up to Ji.

I noticed her being unresponsive, but I decided not to make it a big deal since Ji wasn't really the talkative type of friend. Noon pa man din ay mabagal na rin siyang mag-reply at baka may mas importante lang na inaasikaso tutal senior high na kami ngayong June.

"Oh, buhay ka pa pala!"

"Ayan talaga ang una mong sasabihin sa akin, ano?" sigaw ko pabalik sa kabilang linya, "sobra mo 'kong na-miss, ha?"

That made Loui laugh, "Bakit ka napatawag? Anong ganap?"

"Samahan mo naman ako," paki-usap ko.

"Saan naman?"

"Mall, mamimili ako ng school supplies."

"Bakit ako?" he suspiciously asked, "may balak ka bang masama sa 'kin?"

I jokingly groaned and replied, "Ano namang gagawin ko sa 'yo? Nagpapasama lang ako as a friend, masama ba 'yon? Ji's not responding to me, siya ang una kong niyaya."

Tapos tinanong ko rin si Reon kung gusto niyang sumama, tumanggi lang ang gaga at hindi na muling sinagot ang mga sumunod kong tawag.

"Saan ba tayong mall? Wala akong pera," tanong muli ni Loui.

"Kahit sa Ayala lang tayo, kayang lakarin kung gusto mo."

"Papalakarin mo 'ko sa kalagitnaan ng tanghali, napakabait mo talaga," he sarcastically hissed.

I roared a laugh, "Pwede naman tayong mag-tricycle, libre ko na pamasahe natin. G?"

"Nakakahiya naman."

"Libre mo na lang ako ng ice cream mamaya," I suggested.

"Oo na, sige na. Saan tayo magkikita?"

I smiled in excitement as I answered, "Sa pandesalan na lang?"

"Sige, kita tayo roon."

"Okay, ngayon na, ha!"

"Oo, magbibihis lang ako," he drawled.

"See you!"

Mabilis kong inabot ang aking dadalhing maliit na sling bag kung saan na sa loob nito ang aking wallet.

Totoong ngayong araw ko naman talaga binalak bumili ng school supplies pero dapat ay mamayang hapon pa dahil nga sobrang init sa labas. Mabuti na lang at kanina sa hapag ay narinig ko si mama kausap si Ma'am Olivia.

Maya-maya lang ay nandito na si Ma'am Olivia, sigurado ako. Sa dami kasi ng pwedeng pag-meeting-an nila, dito pa. Ayaw kong manatili sa bahay at makita nila.

Umiiwas ba ako? Oo.

Bakit? Dahil napagtanto kong mas madaling makausad kapag malayo ako sa kanya.

Love Out of LieOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz