Chapter 4

11.2K 227 9
                                    

Dumating siya sa trabaho na hindi mai-drawing ang pagmumukha.

"Problem?" tanong ni Ace na supervisor nila habang hinihintay nya ang time nya sa kanilang waiting area.

Umiling sya at nanatiling nakatikom ang bibig. Wala siya sa mood para mag storytelling ngayon, lalo na't kung ang topic ay ang ulupong na iyon!

Grabe naman ang pag-iisip ng taong yun! What do I really look like para isipin nyang prosti ako?

Napayuko sya sa kanyang damit.

Hindi naman ako sexy magdamit!

Umupo sa tabi nya si Ana at inilapit ang mukha sa kanya para sipatin kung ano'ng nangyari at tila sya pinagsakluban ng langit at lupa.

"Sa wakas! Love life na ba yan, Zig?" bulong nito sa kanya.

She made a face at pinatirik ang mga mata.

"You wouldn't say that...I am possibly the unluckiest loveless girl in the world." she said.

"There you finally said it, I already told you to give my love a chance." pabirong turan ni Ace na nagpaparamdam na sa kanya ever since she got here.

Mabait naman si Ace at may hitsura, ang kaso nga lang hindi niya talaga makuhang magkagusto rito at ma-imagine ang sarili na boyfriend ito. At napakakulit nito, ilang beses na siyang inaayang mag-date sila at sa tuwina'y tumatanggi siya pero patuloy parin ito sa pangungulit kaya tuloy nakakapagsinungaling siya ng di oras para lang may maidahilan siya dito.

Gusto nyang sabihin na hindi naman love life ang problema nya kundi peste...peste na nakatira katabi ng bahay ng ninang nya na ngayon lamang nya naalala na iniwan nga pala nya sa bahay ng ninang nya.

Pero tingin nya naman hindi ito ang tipo na magnanakaw, and he doesn't need to. She knows he's from a very well-off family.

He's just almost perfect, if not just about his grumpy, annoying and pestering attitude! She had never met someone like him who can easily fill up her temper.

Kung anu-anong lumalabas sa bibig nito na baseless naman about her. He is irrational, insensitive, immoral, ungentle man, everything! He is a devil! He is a nightmare dressed in human flesh!

It's like he was sent here on earth to test her capacity to give in to darkness. It's like he was born to meet her and invite her to the underworld. Pakiramdam nya tuloy lahat ng negative energy, negative stimulus and negative emotions nya ay lumalabas pag nasa tabi ito. Baka magkakadevelop siya ng sakit pag nagtagal pa ang kanilang pagba-bangga.

Tapos ngayon ay dinamay pa sya nito kay Zoey! Please lang, they are not even friends! And to think isang malaking pabor na nga itong ginagawa nya para dito! Kundi lang talaga nakakaawa si Zoey ay pinabayaan nalang nya ito, but she's not that hard-hearted.

At isa pa, magaan ang kanyang loob kay Zoey at baka kung ano pang kapabayaan ang gawin ng lamang-lupang iyon sa bata. Kung bakit pa kasi dito iniwan ng kung sinuman si Zoey.

At kung sino man ang nang iwan kay Zoey ay talagang napaka walang puso niya! Sarili niyang anak ay nakakaya niyang iwanan ng ganoon? Dugo at laman niya iyon!

As per written on the note, it looked like they have a huge problem and if the only way to get the baby out of danger is to do this, maybe she will understand. But that is until she found out that the reason is very acceptable for her.

Muli ay meron na naman syang customer na sobrang tigas ng ulo at halos thirty minutes na nya itong kausap at paulit-ulit nalang ang instructions nya dito. At ito pa ang may ganang sabihan syang idiot!

Baby & Love? (COMPLETE)Where stories live. Discover now