Chapter 5

12.5K 245 23
                                    

Tinabing ni Ziggy ang kurtina ng bintana sa kanyang silid, naroon parin sa tapat ang sasakyang nakita nya kanina. Maghahapon na at naroon parin ito, pero wala naman syang makitang lumabas at pumasok sa sasakyan. Atubili naman syang lapitan ang sasakyan at usyosohin kung sino ang naroon at kung ano ang ginagawa sa harap mismo ng bahay ng kanyang ninang.

Nilingon nya si Zoey na himbing na himbing parin ang tulog. Hindi nya talaga maipaliwanag kung bakit mabigat ang kanyang pakiramdam sa nakaparadang sasakyan dyan sa labas. Inaliw na lang nya ang kanyang sarili sa panonood ng tv hanggang sa gumabi na nga ulit at nang muli nyang tiningnan ang sasakyan sa labas ay wala na ito. 

Siguro naman hindi yun masamang tao, hindi naman kasi nagpapapasok ang mga gwardya ng mga hindi kilalang tao at kung meron man kasing gustong pumasok na hindi nila kilala o nakalista sa mga expected guests and visitors na ibinibigay ng mga homeowners ay tumatawag sila para magpa confirm. 

0-0

After lunch ay nagpasya syang mag-swing sa likod dahil medyo makulimlim at doon nalang nya hihintayin ang antok ni Zoey. Two days more at babalik na si Dylan, at sa wakas ay makakabalik na sya sa kanyang trabaho. Nababagot na kasi sya sa bahay, buti nalang at nandyan si Zoey para tunawin ang kanyang pagka-bored. Pero ngayon ay wala ito sa mood at inaalo nya ito mula sa kakaiyak dahil hindi nya malaman kung ano’ng problema nito, naka-upo siya sa single swing sa likod ng bahay na meron ding Bermuda grass at kung nasaan ang mas maraming alagang orchids at ilang ornamental plants ng Ninang Amor nya. Samantalang si Zoey ay hawak-hawak nya at bagama’t natutuwa sya at nakakatukod na ito ay iyak naman ng iyak na hindi niya mawari kung ano ang problema. 

“Ano bang problema natin baby Zoey?” tanong nya in a babytalk manner. “Tapos ka na mag-eat, mag foofoo at mag wiswis…bakit ka iyak parin ng iyak? Ha? Ano gusto mo play natin?” ibinaon pa nya ang kanyang mukha sa tiyan nito at kinikiliti ito dahil madalas itong tumatawa pag ginagawa nya ang ganoon. 

But this time she cried even more. Ginawa na nya yata lahat ng klaseng pag-aalo dito at hindi naman tumatalab. Gusto na nyang sabayan nalang ito sa pag-iyak dahil nahihirapan narin sya. 

Ano bang kapalaran to oh! Ako ba ang modern Virgin Mary? Oh well mas madali naman ang sitwasyon ko kay Mama Mary dahil hindi naman ako nag labor…

Pero kung sino man ang nang-iwan kay Zoey at sa kahit ano pang rason ay malas nya at hindi sya ang pinakaunang tao na nakita ni Zoey nang magkaroon ito ng paningin. And she is a very beautiful child, maputi ito at ang ganda ng mga mata plus ang tangos ng ilong nito.

“Baby naman…sige na…tama na iyak ha? Ano gusto mo? Nahihirapan na si Mama talaga eh.” pagmamakaawa nya dito. At mas umatungal pa ito. 

And then suddenly Zoey’s face lightened up, meron itong tinitingnan sa bandang likuran nya at bigla ay nagpakawala ito ng isang malutong na tawa at wari ay tuwang tuwa ito. 

Nahigit niya ang kanyang paghinga. 

Oh my God! Tumawa si Zoey!  Tumawa si Zoey! Ang saya! 

Kakaibang tuwa ang kanyang nadama, napakabilis ng developments ni Zoey.

Ayon kasi sa mga nababasa niya sa internet na mga testimonies ng ilang mothers na ang mga babies nila ay nakaka-tawa after 10 weeks, at pinakamabilis na kanyang nabasa ay nasa 6 weeks.

At ngayon nga ay six weeks na sa kanila si Zoey. 

Nakakunot ang noong napalingon sya sa likod nya kung saan nakatuon ang mga mata ni Zoey at naabutan ng kanyang paningin si Dylan na parang balak pa yatang kilitiin sya dahil ang mga kamay nito ay naka-extend sa ere papunta sa kanya at nang malingunan nya ito ay napatayo ito ng tuwid at napakamot sa batok nito habang tumatawa. 

Baby & Love? (COMPLETE)Where stories live. Discover now