Chapter 10

16.7K 412 31
                                    

Sakay sya ng tricycle papuntang trabaho nang tumunog ang kanyang cellphone. She found out it was Dylan calling so she turned her phone off.

Ini-on lang nya ulit nang palabas na sya sa building nila kinaumagahan. Only to be surprised when she saw Dylan’s car parking there once again.

Lalagpasan nalang nya ang kotse nito nang bumukas ang pinto ng sasakyan at may marinig syang parang may bumagsak na kung ano tapos narinig nya ang ungol ni Dylan. And when she looked at Dylan’s car ay nagulat sya ng makita itong nakadapa sa semento.

Kinabahan sya bigla at mabilis nya itong lapitan para i-check kung okay lang ito. Hinawakan nya ang braso nito para pabangunin.

“Arayyyy…. Ang bigat mo…” nang sa wakas ay mapatihaya nya ito at maiangat ang kalahati ng katawan nito ay naamoy nya ang amoy ng alak sa hininga nito. “Bakit ka naman naglasing? Hindi mo naman pala kaya! Ang ‘feeling’ mo kasi! Tapos dito ka pa pupunta,” palatak nya.

“I know you still care for me…” sabi nito at hinaplos ang kanyang pisngi. Napakainit ng mga kamay nito, parang gusto nyang gawing unan ang kamay nito pagtulog.

He is a heart-breaker Ziggy, you shouldn’t forget about your sleepless nights because you are weeping like there’s no tomorrow.

She composed herself. “You daredevil! Do you wanna get killed? I couldn’t imagine how you managed to reach here when you can’t even stand and carry yourself anymore!” pang-aaward nya dito.

Dylan smiled with his half shut eyes.

“You don’t stand when you drive right?” he said and let loose a groggy laugh.

Mangali-ngali nya itong sakalin sa pamimilosopo nito.

“Nakakairita ka!” impit nyang tili. Lumingon-lingon sya nang makarinig ng mga pagsinghap at masalubong ang lampas dosenang pares ng mga mata na nakatingin sa kanila.

Nakakainis talaga! Mula nang makilala nya ang damuhong ito ay dalawang beses na syang nasabunutan dahil dito! At ngayon naman ay napapahiya sya sa eksenang kinaroroonan nila ngayon.

“Wag ka masyadong magpabigat hah! Papara tayo ng taxi para ihatid ka pauwi.” anya at inalalayan itong tumayo, she put his arm on her shoulder and wrapped her other arm on his waist. Nang subukan nilan makatayo na dalawa ay kapwa sila nawalan ng panimbang dahil hindi nila nabalanse ng maayos ang kanilang posisyon at lakas. Sabay pa silang nabuwal, naunang bumagsak si Dylan bago sya. And before she even landed on his side, Dylan pulled her hard and so she ended falling above him. Ang pinaka nakakabigla pa ay nang subukan nyang bumangon ay hinila na naman ulit sya nito kaya muli syang bumagsak sa katawan nito and this time ay tinantya ni Dylan na magpang-abot ang kanilang mga labi. At walang kyemeng niyakumos sya ng halik!

She tasted alcohol in his mouth, pakiramdam nya ay nalalasing narin sya. She was tempted to respond but before she closed her eyes, magkasunod na singhap at bulungan ang kanyang narinig kaya muli ay kinagat nya ng mariin ang labi ni Dylan na ikinasigaw nito. Nang makawala sya dito ay mabilis na tumayo sya at nakailang hakbang na at handa nang iwan ito nang kumustahin sya ng konsensya nya.

Kawawa naman si Dylan baka lapain ng kung sino pag iniwan mo. At least pasakayin mo man lang sya ng taxi.

Naeskandalo man ay binalikan nya ito.

“Naku! Sana wala nalang akong konsensya!” yamot nyang sabi.

This time, she succeeded on assisting him to stand up at tumawag ng taxi.

“Manong! Ihatid nyo po ito sa Green Meadows Subdivision.” sabi nya sa taxi driver. Nang tumango ang driver ay binuksan nya ang pinto sa likod at inalalayan ito papasok. But just as she was about to leave him ay hinawakan sya nito sa baywang and with his remaining strength ay umusog ito para makapasok sya at mabilis na dumukwang para isara ang pinto. “Hoy! Sobra ka na hindi ako sasama!” she yelled at him.

Baby & Love? (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon