4. Opposite

131 7 5
                                    

OPPOSITE >>>




"I really like you Cindy, please give me a chance. I want to court you."




"Court me?" Pagak akong tumawa. "Do you realize how crazy you sound right now, Terrence? Oh God. You should've at least looked in the mirror first before telling me that shit,"




Nagtungo siya ng ulo. Damn this ugly-looking pathetic guy!




"I-I like you Cindy..r-really,"




I rolled my eyes. "Ang lakas pala ng loob mong sabihin 'yan sa'kin. Have you just forgotten that you were following me all the way from school? You creepy stalker. And you still got the nerve to proffess your feelings?"




"Wow, you're unbelievable." Mabagal akong napailing. I even clapped my hands. "I must say that your gall truly deserves to be admired at."




"Cindy.." he tried to come close.




I stepped back. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? "Oh no no, Terrence. No. Don't you dare."




Nagtungo siya ulit ng ulo. So pathetic.




"Get out of my sight. Naiirita ako sa presensya mo. I don't like you, okay? Tapos." I said in a firm tone but seriously...ugh! Hindi ako nasisiyahang makita siya.




Imagine! May secret admirer din pala akong katulad niya? And heck, classmate ko pa! Hindi ko naman alam 'cause we're so not close. As in! Hindi ko nga siya kinakausap, e. Malay ko ba'ng may gusto pala sa'kin 'tong panget na psycho. Hindi ko siya pinapansin sa school kasi he's a total weirdo and ugh! Sobrang panget niya.




Palagi lang nasa sulok ang loser na ito. He's not much of a talker kaya siguro wala siyang friends sa class namin.




Matalino naman siya..but that's just it.




And now I just found out that he likes me and he wants to court me....and wow lang talaga. Talagang pumapapel din siya bilang stalker ko. Isang hampaslupang stalker! Ang lakas lang talaga ng loob niyang gawin 'yon na akala naman niya'y hindi matatakot ang kung sinumang sinusundan niya.




Kagaya ko. Duh! What does he think? Porket classmates kami kinakapalan na niya ang mukha niyang sundin ako? Yuck. He should be careful that I am fully aware of all his shit stunts para hindi siya mabibisto. 'Yan tuloy, napapahiya siya ngayon sa harapan ko.




I wasn't scared, though kasi kilala ko naman siya but he really startled me at sino mang hindi nakakakilala sa kanya ay malamang matatakot dahil sinusundan sila ng isang panget.




Kaya naman agad na nag-init ang ulo ko. I just confronted him about it. He said sorry. Okay na sana, but what's just funny was he really took advantage to err...confess. Napakakapal talaga ng mukha niyang gawin 'yan dito sa pamamahay ko. Buti na lang wala sila mama rito kundi..tch!




Anyway, wala akong panahon para sa isang katulad niya. Kasi nakakakilabot ang oh-so-panget niyang mukha. Pinaalis ko na siya but he was still not moving.




"Hey, ugly beast. I said go home already. You heard me, right? Alam mo naman na ang sagot ko. I don't like you so don't court me. At 'wag na 'wag mong subukang lumapit sa akin if you don't want me to call the police."




Bwisit talaga. Ngumiti pa siya. Oh my God. Can you imagine that? Nagmumukha siyang clown sa ngiti niyang iyan. Is that even a smile?




One Shots (Horror Edition) Onde histórias criam vida. Descubra agora