6. Replica

56 4 0
                                    

REPLICA>>>




"Grabe ang sakit na ng batok at likod ko, mars. Naubusan pa ako ng salonpas. Meron ka pa ba'ng extra diyan?" tanong sa'kin ng workmate kong si Alexis.




Nginiwian ko siya matapos kong ilagay 'yung sa'kin sa bandang leeg ko. Binigyan ko siya ng dalawa. "O, heto. Utang mo 'yan, bruhilda."




Kapag mga ganitong oras ay siguradong wala nang bukas na botika. Kaya naman hindi ako nawawalan nito sa bag ko.




"Grabe ka talaga. Hmp. But thanks. 'Di bale, ililibre na lang kita sa susunod na suweldo."




Inismiran ko siya. "Asa pa ba'ko? E, makakalimutin ka man din. Damihan mo na lang ang bili niyan sa susunod. Tayo pa ring dalawa naman ang gagamit niyan."




"Oh siya, sige na nga. Boyfie gusto mo?"




"No thanks," sagot ko at tumawa.




"Asus." tawa niya.




Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming gawain. Isang oras pa bago matapos ang aming trabaho. Matagal nang gusto nitong si Alexis na pakiusapan ang head namin na ilipat siya sa morning shift. Aniya'y baka mamatay pa raw siya sa sobrang anemic. Ayaw na raw din nitong mag-trabaho sa gabi dahil konti na lang magiging bampira na raw siya. Luka-luka rin.




Kung hindi lang daw sa'kin ay lilipat agad siya kaso ayaw ko. Hindi ko naman siya pinipilit. Itong kaibigan ko lang ang sobrang clingy. Hindi ko kayang mag pang-umaga dahil mahirap nang mag-adjust ng paulit-ulit, lalo pa't nasanay na ang katawan kong sa gabi lang gising at nagttrabaho.




Sa ganitong oras lang ako nagiging aktibo. Habang itong si Alexis ay tulog mantika rin minsan. Kahit anong oras e nagagawa ng babaeng 'to ang matulog. Nakakainggit. Hindi pa naman ako sanay ng nagigising sa umaga. Kung gabi nama'y kailangan ko pang pagurin ang sarili ko para lang makatulog agad.




Alam kong maaga akong mamamatay 'pag pinagpatuloy ko 'to. Pero anong magagawa ko dahil sa ganito lang ako kumportable. Wala rin naman akong problema sa trabaho ko bukod sa pananakit ng batok at likod kagaya ni Alexis.




______




"Girl, dumating na ang ating thirteenth month pay!" Humalaklak si Alexis habang binibilang sa harapan ko ang suweldong kakukuha lang namin.




"G ka ba ngayong Friday? Bar tayo! For sure, maraming sasama sa'tin. Di'ba mga mars?" Nilingon niya ang mga office mates namin na tumugon ng hiyaw.




Napailing na lang ako. "Pass ako. Papadala pa'ko sa'min."




Umikot ang mata ng kaibigan ko. "KJ! Sumama ka na kasi."




Pinilit pa ako ng ilan pa naming ka-trabaho. At dahil wala naman akong laban sa kanilang lahat, wala akong nagawa kundi ang pumayag.




_______




Matapos ang galaan sa araw na iyon, napagdesisyunan ko nang umuwi sa probinsya. Tapos na ang oras ng pagsasaya. Salamat naman at bakasyon na. Makakapagpahinga na rin ako kahit papano.




Nasa van ako ngayon, pabalik sa aming probisya. Nag-aantay pa ng dalawang pasahero ang driver bago kami umalis. Naisip kong libangin na lang muna ang sarili sa social media.




Namataan ko ang isang post ng workmate ko. Naka-tag doon kami nina Alexis at iba pang mga officemates namin. Pinindot ko ang mga pictures at isa-isa itong tiningnan. Wala ako roon. Sumama ba ako sa kanila sa lugar na'to? Isang beses lang naman 'yon, ah? Bakit nila ako ita-tag?




One Shots (Horror Edition) Место, где живут истории. Откройте их для себя