5. Boy Next Door

151 6 3
                                    

BOY NEXT DOOR >>>



"Heto ang susi ng kwarto mo." Ibinigay ni Jai ang isang stainless na susi sa akin. Nakangiti kong tinanggap iyon.



"May kailangan ka pa ba?" tanong pa niya.



Umiling ako at ipinikita ang binigay niyang susi. "Ayos na ako. Salamat, ah."



"Anytime," kumindat siya at ngumiti.



"May kalapit ba akong roommate dito?" tanong ko.



Humalukipkip siya. "Meron naman pero hindi sila masyadong naglalagi rito. May ilan lang--"



"Jai!" biglang tawag sa kaniya sa baba. "Halika nga muna!"



"Opo! Sandali lang!"



Hinawakan ako ni Jai sa braso. "Bababa na ako ah. Tinatawag na ako ni mama." Tumango ako.



"'Wag mo lang bubuksan iyong katabi mong kwarto."



Bahagyang kumunot ang noo ko. "Bakit? Roommate ko ba? Makikipagkaibigan ako," ngiti ko sa kaniya.



"Wala. Ewan. Iyon lang din ang bilin sa'kin. Basta 'wag mo lang buksan." Tuluyan na nga siyang umalis at bumaba.



_______



Busy ako sa pag-aaral. Sobrang lapit na rin kasing matapos ang first sem. Marami-rami ang kailangang i-comply sa mga prof ko kaya gising ako buong gabi, nagccramming para sa nalalapit na exams ko sa susunod na linggo.



Alas dose na yata. Hindi ko na namalayan ang oras. Mabibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Ayos lang kung magpuyat ako ngayon. Alas onse pa naman ang pasok ko mamayang umaga.



Kailangan ko munang magkape.



Kinuha ko ang isang sachet ng kape bago bumaba ng hagdan para pagtimpla. Madilim sa baba kaya hinanap ko ang switch. Pagkailaw ay agad akong nagtungo sa kusina upang magpakulo ng tubig.



Humihikab na nag aantay akong matapos ang pinakukuluan nang biglang may sumulpot sa tabi ko.



"Hala. Sino ka?" gulat kong tanong kahit medyo bastos iyong tono ko.



Medyo nagulat din siya pero di nagtagal ay naging normal ang ekspresyon ng kaniyang mukha.



"Taga-rito rin ako sa apartment na 'to," sagot niya. Parang ang lamig ng boses niya. At ang gwapo niya!



"Ah. Okay," tumango ako. Nginuso ko ang pinakukuluang tubig. "Magkakape ako. Gusto mo?" alok ko sa kaniya.



Tumango siya. "Sige. Salamat."



Lumapit siya ng kaunti sa kinatatayuan ko at tiningnan rin ang kumukulong tubig.



"Med student ka?" napapahikab na tanong ko kahit obvious naman iyong sagot.



Tipid na ngumiti ang lalaki. "Oo," sagot niya.



Grabe ang gwapo naman ng nilalang na 'to. Syempre hindi ko pinahalatang ganoon ang iniisip ko.



"Ikaw? College ka na? Anong course mo?" tanong niya.



"Business Ad."



Nagtimpla na ako ng kape naming dalawa. Nakalimutan kong isa lang pala 'yung nadala ko.



"Hati na lang tayo, puwede?" tanong ko at ipinakita ang isang sachet ng kape.



One Shots (Horror Edition) Onde histórias criam vida. Descubra agora