Chapter 21

554 21 18
                                    

Simula nang sumapit ang 'Valentine's Ball' ay naging malapit na sina Janna at James sa isa't-isa. Taliwas sa pag- aakala ni Janna, mabait at approachable ang binata. At nasa third year college lang din pala itong tulad niya.

"Akala ko talaga senior ka na," aniya habang binabaybay nila ang kahabaan ng pasilyo patungo sa kani-kanilang classroom.

"Dapat naman talaga senior na ako kung 'di lang ako nag-transfer dito."

"Eh, ba't ka ba nag-transfer?"

Naging mailap ang mga mata nito. "A-ano... kasi... "

"Okay lang kung 'di mo sabihin sa akin ang dahilan."

"Pasensya na Janna, ha? Masyado kasing personal."

"Naiintindihan ko pero biruin mo, almost three years hindi ko man lang napansing magka-year level lang tayo. Siguro kasi ni minsan, hindi tayo naging magkaklase."

"Ouch! Sinasaktan mo naman ako diyan sa sinasabi mo," anitong hinawakan pa ang dibdib. "Magkaklase kaya tayo sa first year second sem. P.E 2 nga lang."

Nag-isang linya ang mga kilay niya, "Talaga? Ba't di man lang kita napansin?"

"Nakakadalawa ka na, ha?" Muli ay umakto itong nasasaktan. "Pinagdududahan ko na tuloy kung talaga bang gwapo't malakas ang sex appeal ko." 

Napabulanghit siya ng tawa sa inakto nito. "Luko- loko... magiging isa ka ba sa mga heartrob dito sa campus kung kinulang ka sa ganoong kalidad?"

"Paano naman kasi, 'di mo man lang napansin ang existence ko."

Focus lang kasi yung atensyon ko sa isang tao. Muntik na niyang maibulalas. Mabuti na lang at natikom niya agad ang bibig.

"By the way, okay na ba ang thesis mo?" sa halip ay tanong nalang niya.

His shoulders dropped. "Yon pa ang isa kong problema. Malapit nang magsimula ang defense pero wala pang approval mula sa adviser ko para sa final draft. Kulang pa rin kasi 'yong RRL ko. Hindi rin ako maka- focus sa pag-research dahil sa practice."

"Why don't you stop playing for a while, mas importante ang thesis."

"Para mo na ring sinabing tumigil ako sa pag-aaral."

Kumunot ang kanyang noo.

Nakuha agad nitong wala siyang idea kung ano ang ibig nitong sabihin. "You see, being a dean's lister is not enough. Half lang sa tuition natin ang ibinabawas. When it comes to my privilege as a governor in our department, libre na ako sa department fees natin. Masyadong mahal ang tuition fee ng University kahit pa sabihing 50% nalang ang babayaran ko. Saan ko 'yon kukunin? Kaya nang may mag-offer sa akin to become one of the players of basketball team kapalit ng 50% scholarship, tinanggap ko agad. Blessing na rin 'yon."

Janna was rendered speechless. She did not expect that their tough governor faced that kind of hardship. May paghangang umahon sa kanyang dibdib dahil sa determinasyon at katatagan nito.

"So, naiintindihan mo na?"

Tumango siya. Sakto naman nakarating na sila sa kanyang classroom. Papasok na sana siya nang may sumagi sa kanyang isipan.

"Ahm... gov,  kung okay lang sa'yo pwede kang mag-refer sa mga articles na nakalap ko. Tutal, medyo related naman 'yong thesis natin."

Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. "Sure?  Hindi ako tumatanggi sa grasya. "

"Yeah. I don't accept no either," ganting biro rin niya.

"Thanks Janna--- crap! Andyan na si prof. " Nagmamadali itong humakbang ulit pero bago pa ito tuluyang makalayo ay humarap ito sa kanyang gawi habang patalikod na naglalakad. "See you sa gym after practice."

"Pero----" hindi na siya nakapagprotesta pa dahil tumalilis na ito.

Lagot ako kay Trent 'pag nakita niya ako sa gym.

Saglit lang siyang nag-isip pagkatapos ay nagkibit-balikat.

"Bahala na nga. Eh, 'di sa labas nalang ako maghihintay," aniya saka tuluyan nang pumasok sa loob.

+++

"Kanina ka pa?"

Napapiksi si Janna nang biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"Bakit ka ba kasi nandito? 'Di ko tuloy napansin na dumating ka na."

Itinupi niya ang laptop na nakapatong sa kanyang mga hita. "Napaaga ba ang dating ko? Pasensya na, gov. Nakalimutan ko kasing itanong kanina kung anong oras kayo matatapos."

"Kasalanan ko naman rin. Nakalimutan kong sabihin sa'yo. 'Lika doon tayo sa loob." Hinila siya nito patayo.

Pero nagpabigat siya upang huwag nitong tuluyang mahatak. "Dito nalang ako, gov."

"Bakit? Halika na sa loob, wala namang mangangagat sa'yo doon." Sinabayan pa nito ng tawa ang biro sa kanya saka kinuha ang laptop niya.

"Gov, teka... sandali!" Basta nalang niyang kinuha ang mga papel na nasa kanyang tabi saka sinundan ito.

Naabutan niya ito patungo sa isang bleacher kung saan nakatambay din ang iba pang players. She looked intently to searched for Trent's presence. Tila siya nabunutan ng tinik nang 'ni anino nito ay wala siyang mahagilap but at the same time, she couldn't help but wonder.

Where is he?

"James, saan ka galing? At saka bakit may bitbit kang laptop?" tanong ng isa sa mga naroroon. Mula kay James ay dumako ang paningin nito sa kanya kasunod ay ngumisi ito ng nakakaluko. "Oooh... fetching someone. Di ba siya 'yung 1st runner up sa romantikong pag-awit?" turo nito sa kanya pero na kay James na uli ang mga mata.

"Siya nga 'yon. AKala ko talaga, siya 'ying mananalo, eh. Your girlfriend?"

Binatukan ni James ang huling nagkomento. "Sira-ulo. Kung ano-anong iniisip mo. Kaibigan ko lang."

"Weeh? Kaibigan. Maniwala kami sa'yo," sabat ng isa pa. "Baka 'di mo girlfriend kasi nililigawan pa lang." Nagtawanan ang mga ka-teammates ni James saka kanya-kanyang high five. 

Hello... baka nakakakimutan niyo nasa paligid lang ako, ngali-ngali niyang sabihin sa mga ito. Ramdam niyang nag-iinit na ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa panunukso ng mga ito sa kanila.

"Mga kolokoy, magsitigil na nga kayo. Hindi niyo ako katulad. Thesis ang dahilan kaya nandito si Janna," sawata ni James pero ang laki naman ng pagkakangisi.

"Awww..." magkapanabay na wika ng mga ito na parang nadisamaya.

Hinarap siya ni James. "Pasensya ka na, Janna. May saltik sa utak lang talaga minsan 'yang mga 'yan pero harmless naman."

"Aaminin ko medyo nahiya ako kanina pero naiintindihan ko naman. Ahmm...." Inilibot niya ang paningin sa court. "Tapos na kayong mag practice?" tanong niya.

Nakaupo na kasi ang karamihan sa mga player sa bleacher at pawisan na rin.

Umiling ito. "Hindi pa nga kami nagsisimula. Warm up pa lang, wala pa kasi sina coach at captain saka 'yong iba pang players. May meeting pa raw."

Napatango siya at sandaling nanahimik.

"May problema ba?" untag nito.

Siya naman ang napailing. "Naisip ko lang habang wala pa 'yong iba, ano kaya kung gawin mo muna 'yong thesis mo. You know, time management."

"Sige. Halika doon tayo sa itaas para 'di tayo maisturbo ng mga kumag na 'to."

Umakyat sila sa mas mataas na baitang ng bleacher. Nagpapasalamat siya na agad itong pumayag at wala pa sina Trent dahil may chance pa siyang umalis bago makarating ang huli. Subalit hindi pa sila tuluyang nakakaupo ni James nang may sumigaw.

"Nandito na sina captain!"

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon