Chapter 28

493 16 20
                                    

Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Janna. She felt that it was the happiest birthday she ever had. Not only because of Trent's surprise but also because of the presence of those people that were important for her.

Naroon ang kanyang buong pamilya. Maging ang pamilya ni Trent and even James. Ngunit halata sa pagkunot ng mukha ni Trent sa tuwing mapapatingin ito sa kanyang kaibigan na hindi ito natutuwa sa presensya nito.

At tila nanadya ang huli dahil ngingisi-ngisi pa talaga itong lumapit sa kanila saka ito umakbay sa kanya.

"Happy----"

"Take your arms away from my wife!" Tinampal ni Trent ang braso ni James. Hindi na talaga maipinta ang mukha nito but somehow, she found him cute. "Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman imbitado, ah."

Pinandilatan niya si Trent. Pero kinabig lang siya palapit sa katawan nito.

Biglang yumugyog ang mga balikat ni James kasunod ay tumawa ito ng malakas na naging sanhi upang pagtinginan sila ng iba pang naroroon. "I can't believe that the formidable point guard of M.U can be as possessive as this."

Maging ang mga nasa paligid nila ay napahalakhak na rin sa tinuran nito.

"You really don't know him, Salcedo!" pakikisakay ni Mikhail. May kalayuan ito sa kanila at kausap nito sina Rain at Tricia.

Pero ang ikinaangat ng kilay niya ay kalong nito ang bunso nilang si Vic.

"Dumistansya ka riyan," sabat naman ni Vincent. Nakakumpol ito at si Kyle kasama ang mga magulang nila ni Trent sa isang bilugang mesa. "Baka bumaling na naman kung saan 'yang mukha mo," anito na binuntutan pa nang mahinang tawa.

"Really? Did my son punch him?"

Aywan ni Janna kung tama ang kanyang sapantaha - na may kalakip na amusement ang pagkakasabi niyon ni Mommy Winona.

Muli ay napuno ng halakhakan ang paligid.

"But seriously, Alonzo," ani ni James na pinapormal na ang anyo. "Don't ever hurt Janna again. She deserves to be treated as a princess."

Tila may humaplos sa puso ni  Janna dahil sa sinabi ni James. He seems to be the older brother she never had.

"Rest assured, Salcedo that I will take  care of her as my queen. You don't need to remind me. I may be a fool once. But I'm not that stupid to do it twice."

Napapangiti si Janna sa mga naririnig. She didn't know if she really deserved this kind of treatment but she was thankful to God for having these two handsome men in her life.

"Kaya kung sa tingin mo maaagaw mo sa ak----"

"Wala akong balak agawin sa'yo ang asawa mo dahil may iba akong gusto." At buhat sa pagkakasabi niyon ay may sinulyapan si James.

Kapwa nanlaki ang mga mata nila ni Trent nang mapagsino ang tinutukoy nito.

Kaya lang ay mas dumilim pa ang anyo ni Trent. At naiintindihan niya kung bakit.

+++

Maghahating-gabi na nang mapagpasyahan nilang magsiuwian.

Akmang pipihitin na ni Janna ang siradura ng silid nito nang mula sa likuran ay yinakap ito ni Trent.

"Thank you," he said.

"For what?"

"For giving me a second chance."

Kumalas si Janna at humarap sa kanya. Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha. "You don't need to thank me nor to ask for forgiveness. Dahil sa ating dalawa,  ikaw ang nawalan. Dapat nga, ako ang magpasalamat sa iyo sapagkat hinayaan mo akong magkapuwang diyan sa puso mo."

"I didn't let you." Ipinulupot niyang muli ang mga braso sa katawan nito nang bumadha ang pangamba sa maamo nitong mukha. "In fact, nilabanan ko ng husto ang damdamin ko para sa'yo. Kaya lang ang hirap. I didn't have the choice but to succumbed."

"Trent..."

"Talaga bang hindi pa pwedeng magtabi na tayong matulog mula ngayon?"

"Napag- usapan na natin 'yan kanina, di ba? Nagsimula tayo sa relasyong ito sa mali. Sana man lang kahit medyo atrasado na, gawin natin ang tama. Let's have our church weeding first. Months nalang naman 'yung hihintayin natin at graduation na."

He couldn't help but to sighed. Naiintindihan niya ang itinutumbok nito. Kaya kahit mahirap, pagbibigyan niya si Janna. "Okay. Good night!" Bago pa ito makaalma, he already stole a peck on her lips.

Janna only slapped his arm on his naughtiness. "Goodnight." She said and went inside her room.

Nagtungo na rin si Trent sa sarili niyang silid. Dumiretso siya sa bathroom and looked his reflection in the mirror. He couldn't refrain his lips to curved upwards kapag naaalala ang mga nangyari ngayong gabi.

He felt like heaven. Ang gaan- gaan at ang saya- saya niya. He never thought that letting your feeling came to  loose could be this fulfilling.

Minutes later, ay pinupunasan na niya ng towel ang buhok at buong katawan. Then, he took on his sleep wear and dove himself in bed.

'Come to think of it. I don't know where  Janna is working.' Naisip niya nang tumihaya siya.

"Well, I guess I can offer her a ride tomorrow to find out," saka siya bumangon. He didn't even bother to knock. Basta na lang niyang pinihit ang doorknob ng kwarto nito. "Hey! Jan----"

Because of her sudden movement, lumuwag ang pagkakabuhol ng tuwalya sa katawan ni Janna.

"Oh! I'm sorry... I'm sorry... " Mabilis na naitakip ni Trent  ang isang palad sa mga mata saka tumalikod. Sa pagmamadali niya'y naibagsak pa niya pasara ang pinto ng silid nito.

"Bakit hindi ka kumatok?!" sigaw nito.

"Bakit hindi ka kasi nag- lock?"

Mayamaya ay bumukas muli ang pinto at sumungaw si Janna. Nakapantulog na rin ito. Namumula ang buong mukha at hindi makatingin sa kanya ng deretso. "I'm not used to lock my door. Nakasanayan lang sa bahay and you don't usually barge in my room except for that time when I washed your clothes. Kaya naman, I didn't find the need to do so."

Napakamot siya sa kanyang batok. Buti nalang at nakatungo si Janna. Ramdam din kasi niyang nag- iinit na ang kanyang mga tainga.

"A- ano ba dapat ang sasabihin mo?" Sinulyapan siya nito pero saglit lang.

"Ahmm... ako ang maghahatid sa iyo bukas sa trabaho," aniya saka walang- pasabing tinalikuran ito. He immediately ran to his room.

Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at nanghihinang sumandal sa pinto ng kanyang kwarto.

"Crap! I need to have a shower again. A very... very cold one."

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now