Chapter 42

597 22 8
                                    

Halos paliparin na ni Trent ang sasakyan sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Kagagaling lang niya sa pinagtatrabahuan ni Janna at nagulantang siya sa balitang nag-resign na ito.

Why would she?

Unless she's planning to go away!

Mas lalo pa niyang pinakadiinan ang pagtapak sa accelerator. Ilang traffic sign na ang sinuway niya. Mabuti nalang at wala pang humahabol sa kanyang pulis.

Nakahinga siya nang maluwang nang marating na ang tahanan ng mga Dizon.

"Sir Trent, kayo pala. Pasok po," bati ng guwardiya nang makita siya. Saka nito niluwagan ang bukas ng gate.

"Manong, sinong dumating?"

Naulinigan niyang tanong nang nasa kabilang panig. Hindi na niya hinintay pang makasagot ang guwardiya. Pumasok na siya sa loob.

"Rain, nariyan ba si Janna?"

Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. At sa kanyang pagtataka'y bumaling ito sa pinanggalingan habang ang mga kamay ay itinutulak ang kanyang dibdib.

"Anong ginagawa mo rito, kuya? Baka makita ka ni dad!"

Napahinto siya sa pag-atras. Pinigil din niya ang mga kamay nito. "I want to see Janna. Let me talk to her."

"Berainelle!"

Both of their head turned to where the voice came from.

Standing at the frame of twin wooden door was Daddy Victor; his eyes were glaring, jaw was clenching, and his chest was rising up and down in a fast pace.

Inilang hakbang nito ang tatlong baitang ng hagdan. Mabibigat ang dating nang pagtapak nito sa aspaltong daanan kung saan ang magkabilang gilid ay natatabunan nang malalago at berdeng damo.

Maging ang mga hardinero ay natigil sa ginagawa nang mapansin ang mabalasik na anyo nang haligi ng pamilya Dizon.

"D... dad---"

Hindi na natapos ni Trent ang sasabihin dahil binati na siya ng kamao ni Daddy Victor. Putok ang sulok ng kanyang labi nang tumabingi ang kanyang mukha.

Napasinghap si Rain samantalang napasigaw ang humahangos na si Tita Elle.

Akmang uundayan pa siya ng suntok ng biyenan ngunit nayakap na ito ng asawa.

"Stop it, Victor!" saway ni Tita Elle.

Ngunit nagpumiglas ito kaya sina Rain at ang guwardiya ay umawat na rin.

"What are you doing here? Are you here to rub in my daughter's face your happiness? Get lost! Add her pain no more!" Dinuro siya nito.

Pinahid ni Trent ang dumudugong labi bago sumagot, "I just want to talk to Janna. Gusto ko pong ayusin ang relasyon namin."

"Ayusin?" Natigil ito. Inilagay ang mga kamay sa bewang, yumuko at humalakhak nang pagkalakas-lakas.

Tigagal si Trent. Maging ang mga naroroon.

Nang huminto ito ay pinanlisikan siya ng tingin. "Unfortunately, you're two days late."

Did he clearly hear him? Two days late?

Tila nakuha naman nito ang pagkalito niya. Nginisihan siya ni Daddy Victor.

"Umalis na si Janna. Nagpakalayo-layo upang kalimutan ka. And I will neither tell you where she went nor when she'll be back."

Pakiramdam ni Trent ay huminto sandali ang oras. Nahihirapan siyang iproseso ang narinig.

Eventually, his eyed went wide.

Therefore, his assumption was right!

Subalit hindi pa man siya nakakahuma, nagsalitang muli si Daddy Victor, "Ang laki kong tanga dahil ipinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko. Kung alam ko lang na sobrang masasaktan si Janna, sana..."

Parang piniga ang kanyang puso nang umingos ito.

Who would thought that the mighty Victor Dizon would shed a tear?

"Sana... hindi ko na siya pinilit pang magpakasal sa'yo."

Kung noon marahil narinig ni Trent ang mga katagang iyon, siguro ay nagsasayaw na siya sa sobrang kagalakan. Ngunit taliwas niyon ang nararamdaman niya sa kasalukuyan.

"But can you blame me, Trent?" tanong nito. "All I want was the best for my daughter. Na... natakot akong magbunga ang inakala kong ginawa ninyo. Ayokong maramdaman ng magiging apo ko ang naramdaman ni Janna. Alam mo bang anak ko si Janna sa... sa pagka... binata?" He took a deep breath before his last word.

Kaya ramdam ni Trent na nahihirapan itong isiwalat sa kanya ang katotohanang iyon.

And honestly, he was surprised to know it. Wala naman kasing ikinukwento si Janna sa kanya. Ngayon niya napagtantong hindi niya pala lubusang kilala ang asawa.

Nagpatuloy si Daddy Victor, "Eversince she came in our lives, she became very obedient. Never did she attempt to opposed me or go against my will. I couldn't remember a time na nakipagtalo siya sa mga kapatid niya. Her grades were always excellent. Never did she fought her bullies in fear na ipatawag ako sa guidance office. But instead of happiness,  my heart was breaking for my child. For I knew she was trying to win my acceptance na kung tutuuisin ay matagal ko nang ibinigay sa kanya. Kahit pa noong panahong nasa sinapupunan pa siya ng kanyang ina."

Trent was rendered speechless. Not only because of shock but also because deep inside, he was weeping for her.

"So, I did everything in my power to protect my grandchild from experiencing her pain." Then his father-in-law chuckled. "Only to be slapped by the fact that I made a mistake and just assumed things. Ang laki kong tanga di ba? Pinagdaanan ko ang pinagdaanan mo. Pero 'di ako natuto. Ang kaibahan lang natin, Trent, pinanindigan ko ang babaeng mahal ko samantalang ikaw, nagpatangay lang sa agos."

Napayuko siya. He was guilty as charged. However, things were different.

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago sumagot, "Mahal ko na po ang anak ninyo?"

"Mahal? Kailan pa? Ngayong umalis na siya?"

Muli siyang nawalan ng sasabihin.

"I'm glad Janna broke up with you. Hindi nararapat sa anak ko ang isang lalaking walang paninindigan. Ni hindi nga alam kung anong gusto sa ayaw."

"Tama na, dad," boses iyon ni Rain.

But her father didn't stop.

"Do you know that Janna was open to the possibility of meeting another man?"

Parang matalas na kutsilyo na humihiwa sa kanya ang mga salitang binitiwan ni Daddy Victor. Isipin pa lang na may kasamang ibang lalaki si Janna ay tila nadudurog na siya.

Ngunit susuko na ba siya?

No way!

He raised his head. With a firm voice, he answered him, "Papatunayan ko pong nararapat ako sa anak ninyo. Nag---"

"No need," putol nito. "Bumalik ka nalang sa kasintahan mo."

Sinalubong niya ang matiim na titig nito. Nais ni Trent na maramdaman ni Daddy Victor na seryoso siya sa mga sinabi niya.

And when the latter averted his gaze and turned his back to him, somehow, Trent felt victorious.

I will win again your approval, dad. I will never let anyone take her from me.

With full of conviction, he decided to look for Janna no matter what it takes.

PAINFUL LOVE #SunflowerAwards2k18#TLA2018Where stories live. Discover now