Chapter 4- Whisper

48 5 2
                                    

Maaga ako nagising para pumunta sa school at may gagawin kaming project. Maaga kasi naisipan nang grupo para madali daw matapos.

Dahil sa nangyari noong isang araw, ipapahatid na lang daw ako lagi ni papa doon sa driver namin at bawal na daw muna ako mag-drive. Tsk! Hindi ko naman ginamit nung isang araw yung kotse ko eh!

Pero, Sinunod ko na lang ang mga sinabi ni papa ganoon rin kay mama.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa yo'n sa akin ng Ex ko. Pero hindi ko maitatago na may nararamdaman pa rin talaga ako sa kanya....pero yung araw na yo'n parang may pakiramdam ako na hindi ko s'ya kilala. Ewan! Ang gulo!

Hindi alam nila mama na ang Ex ko ang ng kidnap sa akin, sinabi ko na lang na trapped ako sa isang bahay at may isang lalake na nag-ala SUPERMAN para iligtas ang aking buhay. HAHAHA! Pero kahit ganoon ang sinabi ko hindi pa rin sila naniniwala, buti na lang natulungan ako ng kapatid ko at nakisabat pa s'ya sa kuwento. Hahaha! Luks! At salamat dahil naniwala na si Mom at Dad

Mga ilang minuto pa bago kami makarating sa school. Sa ngayon, si Dad muna ang naghatid sa akin dahil madadaanan naman daw n'ya yung school kaya sumabay na raw muna ako sa kanya.

Hinalikan ko muna si Dad sa pisngi bago ako bumaba ng kotse. Kumaway ako kay Dad bilang paalam at tuluyan ng pumasok sa loob ng paaralan.

Pumunta na ako kaagad sa room.
Hanggang ngayon, nakabaon pa rin sa utak ko yung nangyari kahapon pero sinubukan ko ngayon na maging normal day lang.

---

"Yes! Sa wakass! Tapos na ta'yo!" Hiyaw ng isa kong kaklase.

Oo, kaklase. Dapat kasi grupo-grupo ang gagawin at mayroon na kaming mga grupo kaso ang sabi nang teacher namin, present naman daw kaming lahat kaya gawin na lang na buong section.

Mas okay naman na iyon para mabilis matapos sa banner na ginagawa namin. August kasi ngayon at E.S.P. month kaya ito kami ngayon, gumagawa ng banner.

May kumpetisyon kami at sabi ng teacher namin sa E.S.P. ay sumali daw kami kahit hindi namin sure kung mananalo ba kami. May libreng points daw yo'n. Hahahaha! Luks!

Biglang nag-salita si Ma'am Stylix.

"Class dapat may isang taga-representative ng section n'yo. Manalo man matalo, kakayanin na'tin. Fightinggg!" -Ma'am Stylix.

"Ma'am, sa susunod na lang na araw natin pag-usapan kung sino ang magre-represent ng section namin. So tired na Ma'am para mamili na ngayon. Haysss" sabi ng isa kong kaklase.

"Hahahha! Sige! Basta yung talagang magaling ah!" Patawa-tawang saad ni Ma'am doon sa kaklase namin.

Nagtawanan na lang kami.
Actually hindi ko kaklase si Wendy pero parehas lang kami ng school na pinapasukan. 4th year high school na kami at isa lang kaming simpleng mag-aaral pero maganda! Hahahaha! Luks!

Mga ilang oras pa kami nag-stay sa loob ng Classroom at sabi ni Ma'am papa-order lang daw s'ya sa McDo, sagot n'ya lahat ng bayarin. Libre n'ya daw kami. Wala kaming klase ngayon o siguro sa section lang namin? Basta sinabi ni Ma'am Stylix na wala muna kaming gagawin for today.

Siguro mga 10:00 a.m. na rin kami naka-uwi.
Sa loob ng Section ko. Para na kaming isang pamilya. Masaya sila kasama. Walang plastik at wala ding mga mang-aaway, lahat kami close-close.

Tama kayo, wala akong ni-isa kaaway pero wala din akong ni-isa na naging kaibigan sa section ko. Si Wendy lang talaga ang naging kaibigan ko simula nung bata ako. Childhood Bestfriend ko s'ya, kaya nga ang lapit namin sa isa't-isa.

I Like Him, Secretly (on-going)Where stories live. Discover now