Chapter 9- Plan

12 1 3
                                    

Nakita ko na siya!

Wala siyang kasama, mag-isa lang siyang naglalakad palabas ng school. Ang init pa kaya halos makita kong kumikintab siya dahil sa kaputian niya. Diamond lang ang peg.

Agad akong bumuntot sa kanya. Ang init naman! Letshe! Baka mangitim ako dito tapos mapagkamalan pa akong shadow ng lalakeng 'to!

Wala na kami sa loob ng school. Nasa labas na kami. Bakit ba hindi siya nagpapayong! Wait? Baka may sundo siya ah! Anong gagawin ko? atsaka may sundo rin ako! Paano na ang plano ko!

Ang inittt! Gosh! Woo! Power! Kaya yan Shai! Pating! Este, Payting!

Huminto kami sa isang fast food. Papasok na sana siya doon kaso bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Buti na lang may mga bitbit akong libro at pasimpleng tinakpan ang mukha. Kunyareng walang payong, tapos ang init pa. Gosh! Thanks god! Sumasabay ka sa plano ko, Love you!

Nakita ko namang nasa loob na siya kaya nagpapaypay ako ng sarili ko gamit ang kamay ko. Letse! Ang init na nga dadagdagan pa ng kaba. Woo! Ge talon!

Paano ko ba sisimula plano ko? Ang hirap naman.

Aha!

Pumasok na rin ako sa fast food kung saan siya at umupo sa tapat niya. Yung katapat niya talaga, kaso magkaibang table. :< okay lang! Plano ko 'to eh. Bawal muna me magpakita.

Kinuha ko sa loob ng bag ko yung sulat na nakita ko kanina sa bag niya.
Pinapaypay ko yun sa sarili ko. Tipong nagpapainggit ako dahil may nagbigay sa akin ng love letter! Lels!

Shocks! Ayaw niya akong pansinin. Letshugas!

Nakita kong tumayo siya at agad-agad naman din akong tumayo. Babanggain ko siya tapos kunyare malalaglag yung papel na green tapos makikita niya, tapos tadah! Huli ka balbon! HAHAHA'

Sinundan ko siya at ayan na! Ayan na! Babanggain ko na!

*BOOGSH*

Napa-smirk ako nung nakabangga ko na siya pero masakit yung pagkakabangga. Dumami na rin yung tao dito pero salamat dahil nabangga ko siya. Nakayuko lang ako.

Nag-acting pa ako na mukhang nasasaktan pero totoo! Ang sakit talaga eh. Halos napapaligiran na rin ako ng tao at yung taong nasa harapan ko. Unti-unti kong inangat yung ulo ko at taena! Gusto ko ng tumalon dahil iba! Ibang tao yung nasa harapan ko! Shit! Hindi kaya! Gosh! Baka iba nabangga ko! Letshugas baragas!

Hawak-hawak ko yung papel pero nagusot ito dahil sa pagkakabangga ko at syempre nadapa ako.

Yumuko na lang ulit ako dahil napahiya ako sa ginawa ko. Baka mayroon ibang nakakita na sinadya ko talaga yo'n. :<
May mga nakita rin akong ibang student na galing din sa school namin. Nakita kong tinatawanan nila ako.

Gosh! Yung plano ko palpak. Ang sakit. Nakayuko pa rin ako habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Gustong-gusto ko na umiyak pero ayoko! Ayoko! Kasalanan ko 'to eh! Ayan, karma.

Tutulo na talaga. Huhuhuhu.

Nakita kong may naglahad ng kamay sa tapat ko. Ayokong kunin. Ayoko. Mahigpit kong hinawakan yung sulat tipong mapupunit na ito. Nakakahiya ako.

I Like Him, Secretly (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon