Chapter 11- Anghel

14 3 0
                                    

(A/N: So ayo'n, ito na nga mga bessywap! Nag-update na si Dakilang tamad. Lol. HAAHHAHA! Enjoyy.)

Maaga akong nakapunta sa sinabing lugar ni Sphere. Grabe naman kasi yo'n eh. Ang aga masyado. Kagabi  kasi tumawag ako sa kanya tapos yung sinagot niya badtrip siya.

Kaya tinext ko na lang siya na magkikita kami sa Greenwich. Eh dahil nakalimutan ko sabihin yung oras, siya na nagsabi kung anong oras. -____- yan tuloy ang aga.

Mga 5:30 am ako pumunta dito sa meeting place namin. Dala ko yung mga research para sa e.s.p grabe naman kasi eh. Ba't ako pa? Ba't Kami pa? Hayss.

Mga ilang minuto pa nakita ko na si Sphere papasok sa loob ng Greenwich. Mag-o-order na sana ako kaso ayo'n nakita ko siya kaya wag na lang muna.

Inaantok pa nga ako eh pero yung nakita ko yung ngiti ni Sphere, tadaa! Hindi na ako inaantok. Talon!

Umupo na siya sa harapan ko.
Naka-plain t-shirt siya na kulay red at maong na pantalon na black, and shoes niya ay Red. Ge talon! May pinopormahan ata 'to eh. Puro red sarap i-chat si Ulan na bumuhos mamaya. Joke

"Anong gusto mo?" Tanong niya.
Ikaw syempre! Tinatanong pa ba yan?

"Kahit ano na lang basta masarap" Oh yeah! Hahahaha

"Okay" Tipid niyang sagot.

"Matagal ka bang naghintay?" Pagdugtong niya.

"Nope, sakto lang." Tugon ko.

"Okay" Pagkasaad niya ay tumayo na siya para pumunta sa cashier at mag-order.

Inasikaso ko na lang yung mga ginawa kong research. Pinaghiwalay-hiwalay ko ang sakanya at nang sakin. Ang diligent ko naman! Lels.

Pumunta na rin siya kaso pizza lang ang dala niya at may numero. Madami bang tao? Unti lang naman ah.

"Ba't matagal?" Tanong ko.

"Matagal ba ako? Sorry ah." Sagot niya.

"Ayy! Hindi. I mean, yung pagkain." Pagtatama ko.

"Ewan." Maikli niyang tugon naman niya.

Binigay ko na lang sakanya yung mga ne-research ko kahapon. Nag-review lang kami doon sa mga ginawa kong search at mga ilang minuto pa ay dumating na rin yung in-order ni Sphere.

Medyo weird siya ngayon. Pansin ko lang.

Napansin ko rin yung mukha niya na medyo may pasa. Anong nangyari sa kanya? Bakit kaya siya may pasa? Gosh! Curiosity kills me.

"Bakit ka may pasa?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Gagamutin mo ako?" Pagbiro niya. Baka hindi talaga siya weird. Eto ne nemen teye! Lels

"Hindi ah! Asa!" Tugon ko sa kanya sabay irap. Pero totoo gusto ko! Lels! Hahaha.

"Sus! Dapat kasi kahapon babalik ako sa inyo kaso may nakita akong baliw na babae na naglalakad sa highway. Ang baliw niya diba? Eh syempre mabait ako kaya ayo'n tinulungan ko siya! Malapit na sana siya mabundol ng bus eh buti na lang malakas yung hatak ko sa kanya at gumulong kami sa kalsada. Sumakit nga katawan ko dahil doon eh" Pasigaw niyang pagkuwento. Parang pinagsisisihan niya pa na tumulong siya. Tsk.

I Like Him, Secretly (on-going)Where stories live. Discover now