Chapter 1

7.9K 255 741
                                    


Andrie POV


"YOU ARE grounded! No cellphone. No night out. No allowance. No car. Hindi ka gagalaw ng kahit na anong bagay na nasa paligid mo. Hindi ka pwedeng lumabas sa mansyon." Parang kulog na dumagundong ang galit kong boses sa loob ng opisina ko habang nasa harap ko si Candros.

Ilang sandali noong sumunod sila dito ni Cathy kay Pulahan at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Nagpupuyos ako sa galit dahil sa katigasan ng ulo niya.

"B-But Ate----"

"Kung gusto mong magkapera at matustusan lahat ng pangangailangan mo magtrabaho ka sa farm o dito sa resort. You choose Candros." Masamang masama ang tingin ko sa kanya habang nakayuko siya habang ang dalawa pa naming kasama ay gan'on din. Si Cathy at Pulahan.

"Sinasagad mo ang pasensya ko kaya magmatigasan tayo ngayon." Asik ko pa. Tumayo ako at humarap kay Pulahan. "Bukas na bukas ipunin mo lahat ng tauhan at sisimulan kong ayusin ang kapalpakan ng tarantadong ito."

"Okay. Uuwi ba muna kayo sa mansyon? Ipapahanda ko ang kotse." Ani Pulahan.

"Go on."

Nang makalabas siya ay hinarap kong muli ang mga kapatid ko. "Uuwi tayo ngayon, lets go." Agad naman silang sumunod.

"Ate wala ka manlang bang pasalubong sa'kin?" Malungkot na tanong sa'kin ni Cathy. Magkakasabay kaming naglalakad at pinagtitinginan ng mga tao dito sa resort. Kahit papaano ay nawawala lahat ng stress ko sa trabaho dahil kasama ko ngayon ang mga kapatid ko. Inakbayan ko si Cathy at nakangiting ginulo ang buhok niya.

"Don't worry Ate will you a money para makabili ka ng gusto mo."

"Yehey, thank you ate. I love you so much." Tuwang tuwa siyang humalik sa pisngi ko.

Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko at nakita kong si Candros iyon.

"Ate sorry na, hindi ko naman sinasadya talagang hindi ko lang alam kung paano mamalakad dito si Ate Pulahan lang ang pinapabantay ko." Tugon niya. Nakayakap silang dalawa pareho sa bewang ko at kahit simpleng bagay lang iyon ay kusang gumagaan ang pakiramdam ko dahil nasa tabi ko sila.

"Kahit anong sabihin mo grounded ka pa rin. Kailangan mong matuto sa lahat ng pagkakamali na nagawa mo." Seryosong tugon ko at tinapik ang balikat niya.

"Pero Ate bigyan mo rin ako ng pera wala ka ring pasalubong sa'kin, ang unfair naman kung si Cathy lang." Ungot niya pa.

"Eww Kuya, so gross ka ang laki mong tao pero umungot ka na prang girl. Mas matanda ka pa sa'kin pero kung mag-isip ka parang si budoy." Natatawang singit ni Cathy. Sinamaan siya ng tingin ni Candros.

Hinila nito ang buhok ng kapatid namin. "Ang epal mo talaga kahit kailan."

"Candros, wag mong sinasaktan ang kapatid mo." Saway ko.

"Ako nga ate sinuntok mo para akong nakakita ng stars kasi naalog ang ulo ko." Reklamo niya.

"Iyon ang nababagay sa mga tarantadong katulad mo." Nakangising tugon ko.

Hanggang sa makarating kami sa labas ng resort ay panay ang bangayan ng dalawa at nakayakap pa rin sila sa'kin. Nakita ko ang Pagani Huayra kong sasakyan na iniwan sa mansyon. Kulay gray iyon at isa sa pinakaiingatan kong car collection. Nakangiting lumabas doon si Pulahan at ihinagis sa'kin ang susi.

"Namiss ka ng alaga mo."

"Ang dukha talaga nito pasimple pa siyang ipapakuha gusto lang naman gamitin." Nakangising tugon ko habang papasakay sa driver seat samantalang ang mga kapatid ko ay sa back seat.

Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon