Chapter 3

5.5K 215 606
                                    

Andrei POV

"KUMUSTA ang pag-aaral niyo?" Tanong ko sa mga kapatid ko ng umagang iyon. Nasa hapag kami at sabay sabay na kumakain tulad ng nakasanayan kapag umuuwi ako.

"Ayos lang naman Ate, two months from now ay graduate na ako and candidate for Suma Cum Laude." Nakangising sagot ni Candros, napangiti ako sa sinabi niya.

"I'm so proud of you even if you're pain in the ass Candros."

Napasimangot siya. "Okay na sana 'yong I'm so proud of you bakit dinugtungan mo pa ng pain in the ass." Reklamo niya, natawa naman si Cathy at benilatan ang Kuya niya.

"Ako ate graduate na rin ako two months from now at sabi ng teacher ko ako daw ang candidate for valedectorian." Pagmamalaki rin ni Cathy.

"I'm lucky for the both you, masaya ako at dahil sabay kayong gagraduate ay magcecelebrate tayo." Bumaling ako kay Pulahan na abala sa pagkain.

Ako ang nakaupo sa kabesira as the head of the family habang nasa magkabilang gilid ko si Cathy at Candros. Katabi ni Cathy si Pulahan habang katabi naman ni Candros ang kapatid nitong si Anding. Si Anding ay ang iisang babae na katulong sa mansyon dahil lahat ng mga tauhan dito ay lalaki, mas effecient ang mga lalaki para sa'kin.

"Magpaorganize ka ng party at imbetahan mo ang buong tao sa Isla." Bilin ko kay Pulahan.

"Wow, bigatin ka talaga milyones na naman 'to." Natatawang sagot niya at tumaas baba pa ang mga kilay habang nakatingin sa mga kapatid ko.

"It's okay, mas mahalaga ang celebration nila kaysa sa milyones." Seryosong sagot ko.

"Waaaah! I love you talaga Ate, pero kahit walang party basta nandito ka." Paglalambing ni Cathy.

"Oo nga ate bigay mo nalang sa'kin ang milyones na gagastusin." Singit ni Candros.

Tinaasan ko siya ng kilay habang masamang masam ang tingin ko sa kanya.

"Sabi ko nga may party." Agad niyang pagbawi.

Bumaling naman ako kay Anding na tahimik lang sa pagkain at nakayuko. Napakapino at hinhin ng mga galaw niya, malayong malayo sa mabulastog niyang Ate.

"Ikaw Anding kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong ko, mukhang nagulat ito dahil nabitawan ang tinidor na hawak at alanganing nag-angat ng tingin.

"A-Ano p-po--" halatang kinakabahan siya dahil sa pagkautal.

"Running for Magna Cum Laude siya kasunod ni Candros." Mayabang na sagot ni Pulahan.

"Ikaw na ba si Anding ngayon Pulahan?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Napangiwi siya. "Gago! Mukha kang drakula kapag ganyan ka tumingin." Sagot siya.

Pinulot ko ang kutsilyo na nasa gilid ko at walang pag-aalinlangang ibinato iyon sa gawi niya. Umatras siya para makailag dahilan para matumba ang upuan at nahulog siya.

Nagtawanan ng malakas sina Cathy at Candros habang si Anding ay nakangiti at napapailing sa ate niya.

"Putangina! Andrei ang sakit n'on." Daing ni Pulahan na nakahawak sa balakang niya. Hindi ko siya pinansin.

"So kumusta Anding?" Pagbabalik ko ng tanong.

Yumuko siya bago sumagot. "A-Ayon n-nga p-po candidate po ako as Magna Cum Laude kasunod ni C-Candros, salamat po pala sa scholarship na bigay mo sa'kin a-ate para makapasok ako sa university niyo." Pati pagsasalita niya ay mahinhin at mukhang ilag siya sa tao.

Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim (COMPLETED)Where stories live. Discover now