Chapter 2

6.6K 235 618
                                    


Lahat po ng stories ko ay unedited so please pakiintindi nalang po. Type and published agad ang paggawa ko kaya may mga typo po at grammatical error. Pasensya na po.

Tadeo POV

"MALI ang ginawa mo kanina, hindi mo dapat sinagot sagot si Boss." Kalmadong pangaral ko kay Allan habang papauwi kami galing sa pakikipag-usap kay Andrie De Catalina ang nagmamay-ari ng buong isla na siyang amo namin.

Boss ang tawag sa kanya ng lahat dahil ayaw niya ng ma'am o kahit na anong tawag na pambabae. Hindi ko maintindihan 'yon, babae siya pero kung kumilos siya ay parang lalaki at talagang pangangatugan ka ng paa kapag tiningnan ka gamit ang seryosong mukha. Maganda siya sobra pero mas nakakatakot pa sa tigre.

"Hindi mali ang ginawa ko Kuya pinagtanggol lang kita isa pa ang sama ng ugali niya kamo." Angal ng kapatid ko. Isa pa 'to mas lalaki pa sa'kin kung kumilos at magsalita.

"Kahit na boss pa rin natin 'yong tao."

"Hindi siya tao kuya demonyo siya na nagkatawang tao, ang sama sama ng ugali nautal ka lang ng konti tinanggal ka na sa trabaho." Hindi paawat na sabi niya.

"Wag kang manghusga ng kapwa magagalit sa'yo si Lord, may kabutihan ang bawat isa sa'tin siguro ay wala lang siya sa mood dahil sa problemang nadatnan niya dito." Pagtatama ko pa rin sa kanya. "Dinig mo naman kapag ikinukwento siya ni Cathy at Candros diba? Palagi nilang binibida ang kabaitan ng ate nila."

Malapit sa'min ang magkapatid na Cathy at Candros dahil ako ang nagturo sa kanila sa pangangabayo, ako ang nalalapitan nila kapag gusto nila ng mga prutas o kapag may mga proyekto at takdang aralin sila patungkol sa mga pananim. Masaya ako kapag natutulungan sila kaya napalapit na rin ako sa kanila.

"Malamang ate nila 'yon, nakapagtataka nga e. Ang bait bait ni Cathy at Candros pero ang ate nila ay mahaba ang sungay, paano nangyari 'yon? Baka naman hindi talaga nila totoong ate 'yon."

Napapailing nalang ako dahil sa pananaw at klase ng pagsasalita ng kapatid ko.

"Ang mabuti pa tulungan mo nalang ako." Pag-iiba ko sa usapan.

"Tulungan saan?" Inayos niya ang basketball cap na nasa ulo niya.

"Gagawa ako ng presentation."

"Presentation? Gagawa ka ng presentation tungkol d'on sa sinabi ni Demonyeta---"

"Andrei ang pangalan n'ong tao at dapat boss ang tawag mo sa kanya dahil amo natin siya." Pagtatama ko ulit sa matabil niyang dila.

"Tsk. Tsk. Wala akong paki sa pangalan niya, mabalik nga tayo sa usapan kuya. Bakit ka gagawa ang presentation eh tinanggal ka na nga sa trabaho."

Napabuntong hininga ako. "Tama naman siya, hindi nararapat na maging pinuno ng grupo ang mahina ang loob at walang kakayahang isigaw ang karapatan ng mga tagasunod nila kaya dito ko sisimulan. Magpepresent ako ng mga kailangan at problema sa pagsasaka, naisip ko na baka sinusubukan niya lang ako bilang pinuno."

"Ewan ko sa'yo Kuya, bakit ka nga ba nautal kanina? Lampa ka lang at iyakin pero hindi naman pilipit ang dila mo." Usisa niya. Natatawa nalang ako kapag sinasabi niyang lamap ako at iyakin totoo naman kasi lahat ng 'yon.

Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon