Chapter 2

22.6K 346 6
                                    

Chapter 2: Hard


CHIMENEYA's P.O.V


"Huy Spring! Diba totoong sinabi mo yon, ayaw mo talaga akong magselos? Yieee ang sweet mo naman."

Kinikilig na turan ko sa kanya saka ko sya tinusok tusok sa tagiliran nya gamit ang daliri ko.

"Shut up! You're so loud!" inis na tura nya sakin, bumuntong hininga ako saka siya inirapan.

"Yabang mo hmp!" sabi ko sa kanya saka ko na upo sa isang table sa cafeteria.

"Look, I do that because that's my responsibility and also my role, me and my twins are loyal to our wife okay? So don't assume things. You're not pretty as well, in short you look ugly in my sights."

Mahabang lintanya nya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Hoy Spring! Mas mabuti pa sigurong panisin mo nalang yung laway mo kaysa sa magsasalita ka ng sobrang haba pero sa huli sasamahan mo ng lait! Che! Di pala maganda kaya inasawa nyo? Naku wag ako!" sabi ko sa kanya ko umupo ng mapa tingin ako sa entrance ng cafeteria ay nakita ko si Storm na nakasuot ng longsleeves na sky blue na may suot na necktie habang nakataas ang buhok at may ngiti sa labi, habang si Summer naman ay naka office suit at nakaitim na coat. Si Spring naman ay may kaunting bangs at nakasalamin palagi. Iba iba din sila ng nunal sa katawan. May nunal sa kamay si Summer, Si Storm naman sa pinakababa nya habang si Spring naman ay may nunal sa batok. At ako naman may nunal sa balikat tatlong magkakatabi.

"What's up Spring? What's up Wifey?"

Nakangiting turan ni Summer pero halatang problemado ang mukha nito.

"Tara kain na tayo Asawa ko." nakangising aso naman si Storm, nagtakip ako ng tenga kasi panigurado na magkukwento na naman yan!

"Alam mo bang may nakita akong magandang lugar noong nag business meeting kami tapos gusto kitang dalhin dun kasi ang romantic sana nga mag ka—"

Agad kong tinakpan ang bibig nya kasi ang sakit nya talaga sa tenga!

"Pwede bang kumain na tayo? Nagrereklamo na ang bulate sa tiyan ko! Di ako mabubusog sa mga mukha nyo kung magtititigan tayo dito! Mayayaman kayo kaya ilibre niyo ko!" sabi ko sa kanila, di ko alam kung bakit pero sabay sabay silang napailing at sabay sabay na tumayo saka pumila sa cafeteria, napabuntong hininga ako saka kinuha ang phone ko at saka tinawagan si Kianna.

"Friend huhu!"

("Oh anong problema?")

"Suko na ko, ang sasakit nila sa bangs kahit wala kong bangs. Ah basta friend! Pano kasi parang mas madali pang maging ina ng tatlong bata kaysa maging asawa ng tatlong lalaking sapak sa utak! Waaah! anong gagawin ko? Idonate ko na ba yong dalawang asawa ko? Tapos iwan ko nalang si Spring? hahaha."

("Sira ka talaga, hahaha! noong una diba gustong gusto mo si Kuya Yros. Oh ayan na, binigyan ka ng asawang magkakambal, kaya nga lang sumobra ng isa haha.")

"Yun nga eh! Di naman ako masyadong mabait para biyayaan ng tatlong lalaking magkakamukha! Di madali friend! Kapag bumisita ang alien sa earth sasama na ko, masyado ng magulo dito!"

("Enjoyin mo nalang! Alamin mo kung anong pwedeng magbabago sa kanila at alamin mo ang tungkol sa kanilang lahat.")

"Gusto kong malaman kung bakit di sila makuntento sa asawa nila! Ireready ko nalang ang sarili ko na itapon nila kaya nga di ako nagpapadala sa mga ka abnuyan nila eh! Ayokong mahulog sa mga kumag na yun."

("Sus! Bibigay ka din pustahan.")

"Asa! Tinalo pa nilang tatlo yong pasyente ko kanina eh. Pero sa sunod nalang friend pabalik na sila babye!" sabi ko saka binalik ang phone ko sa bag ko saka ko napabaling sa tatlo na may hawak na kanya kanyang tray. Nang ilapag nila yong tray na hawak nila ay nagsimula silang magslice ng pagkain nila kaya naman para kong naglalaway dahil di nila ko binilhan!

"Hoy asan na ang pagkain ko?!"

Nakabusangot na turan ko nagulat ako ng isa isa silang sinubo sakin ang inislice nilang pagkain. Ang ending napuno ang bibig ko at nahirapan akong ngumuya.

"Eat them all, eat monster." seryosong turan ni Spring kaya sinamaan ko sya ng tingin. Aagawin ko sana kay Storm yong drinks niya ng higupan nya yon saka binigay sakin.

"Ambaboy mo, ininuman mo ipapainom mo sa akin." sabi ko sa kanya ng nilunok ko ang pagkain sa bibig ko.

"Ano naman? Asawa mo naman ako este kami... Arte mo flatchested ka naman."

Pangookray nya sakin kaya binatukan ko sya.

"Flat ka dyan, kapag natuloy ang honeymoon nating apat di ka makakahawak sa boobies ko."

Sabi ko sakanya nagulat ako ng tumawa silang tatlo. Si Storm yong halaklak nya parang luluwa na yong lalamunan nya si Summer naman tumatawa habang nakatakip ang bibig at nakahawak sa tiyan habang si Spring naman tawa ng abnormal di ko alam kung tumatawa ba 'to kasi wala namang sounds.

"Sige tumawa kayo, kapag na hawakan ko yung mga talong nyo lalapirutin ko yan para maka ganti ako." sabi ko sa kanila saka ko umirap. Saka naglakad palabas ng cafeteria. Kaso dahil sa kaka-isip ko sa pang-aasar nila ay may nabunggo akong babae na may hawak na juice kaya natapon yun sa damit ko.

"Ano bayan! Di ka kasi tumitingin sa dinadaan mo! Natapon tuloy yong drinks ko!" asik nung babaeng mukhang coloring book ang mukha.

"Excuse me miss. Ikaw nga tong humaharang sa daan eh! Ikaw na nga nakatapon ng juice sakin ako pa sisisihin mo?" inis na turan ko sa kanya nagulat ako ng tinapon nya ng tuluyan ang juice sa akin.

"Yabang mo ah! Doctor ka lang dito! Di mo ba ko nakikilala ha?!" sabi ng babae at akmang sasampalin ako ng may humawak sa kamay nito at may tumabi sa akin na dalawang bulto ng lalaki.

Nakita kong si Spring pala yong humawak sa kamay ng babae habang sila Storm at Summer ang katabi ko.

"Eh kami ba miss nakikilala mo?" maangas na turan ni Storm kaya napakagat labi ako.

"Hindi sino ba kayo?!" sabi nung babae saka binawi ang kamay nito.

"We are the Dickson Brothers." nakangising turan ni Summer at nakita ko kung paano nanlaki ang mata nung babae.

"And this girl is our WIFE and no one can hurt her like you do so please wait for your punishment." sabi ni Spring saka ko hinila palayo sa babae at nakita ko ang pagsunod ni Summer at Storm.

Ohmygawd! Nasa K-DRAMA ba ko guys?! Ano 'to? A wife of a Triplets? Hehehe.

---

To be continued...

TWIN SERIES 2: My Triplets Husbands (COMPLETED)Where stories live. Discover now