Chapter 4

18.7K 271 9
                                    

Chapter 4: Soft Side


CHIMENEYA's P.O.V


Nang inihagis nila ko sa kama ay nanlaki ang mga mata ko at tumindi ang kapit ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko.

Nakita ko pang napangisi sakin ang tatlo kaya napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong bumaba ang kama at napansin kong tumabi sakin ang tatlo! Si Spring ang katabi ko habang nasa kabilang dulo naman sila Storm at Summer. Dahil malaki ang kama ay nagagawa nilang humiga sa tabi ko! 

Saka may toka silang tatlo kung anong araw sila tatabi sakin kaya naman nagtaka ko ng humikab silang tatlo.

"H-huy a-akala ko ba m-may punishment ako? Anong ginagawa nyo?" takang tanong ko narinig ko ang mahihinang tawa nila kaya naman napabaling ako sa kanila.

"Huy ano na?!" sabi ko sakanila nakita kong ngumisi si Spring saka nagsalita matapos niyang tanggalin ang salamin nya.

"Your punishment is to clean this house tomorrow." sabi niya saka umayos na pagkakahiga kaya napanguso ako.

"Akala ko ba punishment ko yong bobombahin nyo ko? Ano hindi na ba ganun? Di naba magbabago isip niyo? Ano pang silbing borles ako?" sabi ko sa kanila kaya nakita kong napangisi silang tatlo.

"Sleep now... We need to rest because we have work another day, so stop assuming things." sabi ni Spring saka humiga ng ayos at saka pumikit at dahil sa inis ko ay nagpapadyak ako ng paa ko!

"Ano ba yan?! Lalaki ba talaga kayo o bakla? Tsk." sabi ko sa kanila at feeling ko maiiyak nako! Pakiramdam ko kasi may pagkukulang ako!

"San bako nagkulang?!" inis na sigaw ko ng makita kong humarap si Storm sa tabi ko.

"Nagkulang ka sa boobs, tulog kana." sabi niya kaya naman sinampal ko sya sa pisngi niya pero ang ginawa nya ay hinila nya ko sa braso saka ako niyakap.

"Hoy! Wala akong damit!" sabi ko pero parang wala lang silang pakialam. Kaya naman ng di ako makatulog ay pinaka-titigan ko ang mga mukha nila. Magkakamukha man sila pero may pagkakaiba sila ng katangian.

Kailan ko kaya makikita ang soft side nila? Bahagya kong umupo at saka sila hinalikan na tatlo sa pisngi bago ako natulog.

**

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga ng makita kong wala na ang mga kambal sa kwarto ko kaya kinuha ko agad ang laptop ko saka ko nagsearch ng pagkain na pwedeng lutuin nang maisip kong what if gumawa ko ng pagkaing cute? Yong may art. Lalagyan ko mukha ang mga ulam hahaha pero bigla nalang may sumagi sa isip ko kung paano magpapalaki ng boobs kaya naman makapagsearch ako ng gamot ay agad kong tinandaan ang pangalan nito. Siguro hahanap nalang ako ng sa botika ng gamot at nagmadali na akong bumaba sa kusina para magluto. Mabilis akong nagluto saka ko nilagyan ng shape yong mga gulay para magkaroon ng mukha. Mabilis akong nag hain saka ko pumunta sa sala para sumigaw.

"Mga asawa kong Dickson! Bumaba na kayo kakain na!" sigaw ko saka ko bumalik sa kusina ng makita kong sumunod silang pumunta sa kusina. Umupo sila sa pwesto nila ng makita kong kumain na sila.

"Pangit ba ang lasa?" tanong ko pero umiling naman sila saka nagpatuloy sa pagkain. Nang mapansin kong di kumakain si Storm at nakatitig lang sa plato niya.

"Storm? Bakit ayaw mong kumain?" sabi ko rito pero ng iangat nito sakin ang mukha nya ay nakita kong nangingilid na ang luha nito!

"A-ang cute kasi eh! Ayokong kainin nakakapanghinayang." sabi niya kaya naman natawa ako ng bongga! 

"Akalain mong nakakaapreciate ka pala ng gawa ng iba?" nakangising turan ko ng makita kong kinunan nya ng larawan ang gawa ko.

"Pwede bang pag papasok nako sa trabaho bukas pa baunan moko nito?" nakangiti na turan ni Storm. Hindi ko alam pero natuwa ako kasi kahit pala abnormal sya ay may soft side naman pala. Sila Summer at Spring kaya? Anong nakakapagpalambot sa puso nila?

"Oo ba! Eh paano kung di mo kainin?" nakangusong turan ko sa kanya nakita ko namang napangisi sila Spring at Summer.

"Hindi nya talaga kakainin yong bagay na nacucutan sya. Kaya mabuti pang gawin mo bilhan mo ng pagkain iyang si Storm kapag ginawan mo sya nyan o gumawa ka ng ibang putahe." sabi ni Summer saka muling kumain kaya naman tumango-tango ako. 

"By the way I brought some desserts, taste them guys." sabi ni Spring kaya ng maglabas sya ng salad ay agad akong kumuha at kumain ng maramdaman kong uminit ang pakiramdam ko at ng tumingin ako sa kanila ay nakita kong nanlaki ang mata nilang tatlo.

"Asawa ko a-ayos ka lang?" sabi ni Storm kaya kumunot ang noo ko saka ko nag kamot sa leeg ko.

"Oo ayos lang naman bakit may problema ba?" sabi ko sa kanila at nakita kong nagkatinginan sila saka tiningnan yong salad na hinain ni Spring.

"Do you have an allergy?" tanong ni Spring kaya naman tumango ako sa kanila.

"Allergy ako sa cherry." sabi ko sa kanila at nakita kong mas nanlaki ang mata nila.

"Oh shit! Kumain ka ng salad diba?" sabi ni Summer kaya naman tumango ako at saka ko napatingin sa salad ng makita kong may cherry na nakahalo doon at napatingin ako sa braso kong namamantal na namumula! Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napatili at saka ko umiyak!

"M-mommy!" sigaw ko saka ko nagsimulang mag kamot dahil ang kati-kati, napaupo na ko sa sahig habang umiiyak na nagkakamot.

"Hey look, relax okay... We're here…" sabi ni Spring kaya mas napaiyak ako.

"M-makati... " sabi ko sa kanya saka ko nagkakamot at nakita kong lumapit na din sakin si Storm at Summer saka sila binigyan ng instruction ni Spring, naramdaman ko na din na nahihilo na ko at nakakaramdam ng pag bigat ng pakiramdam ko.

"She's having a fever."

Sabi ni Spring ng tingnan nya ang temperatura ko. Hindi ko alam kung bakit di na ko natakot ng oras na yun dahil may pakinabang naman pala ang tatlong asawa ko sakin kahit na wala silang pakialam sakin nagaalala naman pala sila sakin. Noong bata kasi ako kinatatakutan ko ang allergy ko dahil pakiramdam ko mamamatay ako ng maaga.

Hindi ko namalayan na binuhat na pala ako ni Summer paakyat ng kwarto ko.

Hindi ko akalaing may soft side pala ang tatlong abnormal na 'to.

---

To be continued...



TWIN SERIES 2: My Triplets Husbands (COMPLETED)Where stories live. Discover now